Entry #12

24 4 0
                                    

Title:
From:Rain

=====

Hi, ako nga pala si Rain, 20 years old at ito ang kwentong Feb-ibig ko. Dahil never pa naman akong nagkaboyfriend. Oo tama ka napag-iwanan na ako. Pero anong magagawa ko kung wala talaga o kung meron man sigurong darating gusto ko munang i-prioritize ang pag-aaral ko.
Nagsimula ang lahat noong 2nd Sem 1st Year College ako. Lumipat ako ng section kasi yung best friend ko na kaklase ko dapat noon hindi na nakapagpaenroll for 2nd Sem kasi yung pang tuition niya napanggastos nila sa bahay dahil wala pang sahod ang Papa niya noon na nasa abroad. Kaya ang ginawa ko kinausap ko yung kaibigan ko na isa na kacourse ko din kaya lang nalate kasi siyang magpaenroll noon kaya di ko siya nakaklase ng 1st Sem na kung pwede sabay kami magpaenroll kasi wala na akong ibang kakilala na babae noon may nakaklase naman akong ibang babae bukod sa bestfriend ko kaya di ko pa sila medyo kaclose noon. Ang course kasi namin panglalaki kaya majority lalaki konting lang ang population ng babae noon. Sa ibang course madami. Kaya ayon magkaklase na kami.
Eto na alam ko na naiinis ka na kasi ang daldal ko masyado kaya start ko na yung kwento ko kay Guy. Guy nalang muna kasi baka alam mo na may makabasa na kakilala ko ma-issue ako kasi never ko namang inamin na may gusto ako sakanya noon. Nakakahiya iyon.
Nung nakaklase ko na siya hindi pa kami close noon kasi may iba pa siyang mga kasama, yung mga kaibigan niya talaga. Ayun, medyo may pagka mayabang siya at hindi ko naman trip kasama ang mga ganoong tao kaya di siya kasama sa circle of friends ko noon. Hanggang sa yung mga kaibigan niya ay nagpasyang lumipat ng ibang school kasi sa ibang school daw walang minor subjects, gusto nila puro major lang. May kaya naman sila kaya hayaan na natin. Edi pagkalipat nila, iba na naman uli yung kasama niya. Yung may pagka makire naming kaklase noon, parang feeling ko M.U. sila noon e. Kasama niya yung mga rich kid and mayayabang niyang friends. Edi ako wala turn-off na naman kasi nahahawa na siya sa mga kasama niya e. Di pa kami close, binabara ko pa nga siya noon e.
Lipat na tayo nung tapos na ang klase. Summer na, kailangan namin mag OJT kasi requirement iyon ng school para makagraduate ka. Ladderized kasi ang course ko so ibig sabihin gagraduate ako ng 2nd Year. Nung patapos na yung summer, nag start na din yung enrollment for 2nd Year. Tumawag yung kaibigan ko na kaklase ni Guy nung Highschool pa sila dati na magpaenroll na daw kami para makapamili ng magandang schedule kasi uwian siya noon. Kaya ang gusto niya yung walang late na uwi.
Dapat Section B kami noon kasi maganda ang schedule kasi ang gusto namin ay yung tuloy tuloy yung pasok, yung walang masyadong vacant. Nalaman kasi namin sa iba na nakapagpaenrol na, na maganda yung schedule ng Section B kaya dun kami kaya lang ako ang may problema. Hinintay ko pa ang out namin sa OJT ng alas dos noon kasi sayang naman ang oras ko kung hindi ko pa isasagad. Kaya sila na nag adjust, Section C nalang daw kami kasi gusto nila ako kaklase. Oh diba ganoon ako kaimportante. Char! Hahahaha!
Di ko naman alam na kaklase ko pala si Guy noon. Nagkaalaman lang noong pasukan, wala pa siya noon di pa siya pumasok nagpapasa lang ng classcard  kasi hindi pa niya tapos ang OJT niya noon. Nalate daw kasi siya mag start sabi ng kaibigan ko. Sa ibang company kasi sila nag OJT noon.
So eto na nga 3rd week ng pasok, ayun di ko alam na close na pala kami. Joke di naman pangit ugali ko. Naging magka close kami, laging magkagroup sa reportings, projects. Doon na nag start yung pagtawag niya ng pet name ganyan. Ewan ko ba sakanya. Nakakahiya nga minsan naririnig ng mga kaklase ko. Inaasar kami. Doon ko siya nakilala talaga, mabait naman pala siya at competitive pa. Kaming magkakaibigan noon kasama siya syempre nagpapataasan ng score sa mga exam, quizzes. Which is maganda naman kasi natutukan talaga namin ang pag aaral.
Maganda ang takbo ng relasyon. Char! Ng buhay pala. Nagkakausap, chat ganyan nagkakakwentuhan ng kahit ano lang na maitanong syempre kinikilala mo yung tao. Nalaman ko na Knights pala siya sa simbahan, ako naman napabilib sakanya. Hindi ko alam kung bakit basta may ganoong factor. Yung hindi mo ma explain basta may nakitang ka lang na unique na ugali niya. Yung hindi napansin ng iba pero ikaw nakita mo. Ganoon kasi ako. Ngayon ko lang narealize.
Alam ko naman sa sarili ko na biruan lang yung patawag tawag niya ng ganun sakin. Pero syempre alam mo na marupok, hindi ko maiwasan magka crush, crush lang naman. No feelings involve ay meron pala. Inspiration ko lang ganoon. Para mas sipagan pa sa pag aaral. Malaking tulong yon atleast naiisip mo na magpaganda kahit wala namang ikagaganda. Mag ayos ayos ganyan. Syempre sisipagin ka pumasok lagi kahit tinatanaw mo lang naman siya. Tanaw tanaw lang bes! Kuntento kana diba.
Nagsimula sa crush, crush lang muna kasi priority ko ang pag aaral, hindi ko naman sinabi na merong M.U. ganyan assuming lang ako. Pero pacrush crush lang ako noon, maghunt ng gwapo kahit wala naman kasi nga gusto ko makatapos di ko naman sa sinasabi na sagabal talaga ang magkaroon ng boyfriend kung meron man kung saka sakali pero ano magagawa ko wala e.
Ewan ko ba, nandyan yung inggit sa iba na buti pa sila ganyan. Pero inggit lang iyon hindi mo naman sila kailangan gayahin dahil sa inggit. Iba sila sayo.Wag mo ikukumpara ang sarili mo sakanila na kesyo ganyan ganoon. Dapat ganoon ang mindset mo.Kung wala pa,edi wala pa. Anong magagawa mo hindi mo naman mapipilit na magkaroon kasi baka hindi pa naman time. Pag meron,meron at meron yan talaga.
Dami ko sinasabi eto na tuloy ko na. Natapos ang 1st Sem. Sembreak, enrollment na naman. Ayon kaklase ko na naman siya. Pasukan na,bagong circle of friends na naman, kaklase namin yung mga kaibigan niya dati na mayayabang nung 1st year kami pati narin yung mga kadorm niya. Napapansin namin wala na parang lumalayo na siya ng landas samin. Late na pumapasok, mayabang na naman siya. Napansin ko na kung ano ang ugali ng mga kasama niya, naaadapt niya. Wala naman kaming magagawa kung ganoon siya kasi siya ang gumagawa noon sa sarili niya buhay niya yun. Napapansin ko rin na medyo may pagka bastos na siya sa mga teachers namin na major turn off talaga.
Hanggang sa nalaman ko na may nililigawan na siya, na later on naging girlfriend na siya. Ako naman parang may nagputok ng happy bubble ko, parang napabalik ako sa katotohanan na wala lang pala yung mga paganoon ganoon niya noon. Biro biro lang pala. Alam ko naman din na ganoon. Pero di ko maiwasan na malungkot na bakit ganoon. Ang assuming ko lang diba. Bagay nga yung nararamdaman ko noon sa line na ito sa kanta e.
"Sana sinabi mo, nang hindi na umasa pang tayo pa sa huli…"
Graduation came. Pagkatapos ng graduation nagkita kami, nagkabatian pero wala parang di lang kami magkakilala.
Summer na naman. Dumating yung mga pinsan ko galling abroad. Nawala sa isip ko yung school. Pahinga muna diba.
Patapos na ang summer, schedule for enrollment na naman. Dahil ayaw nga namin sa mga kasama niya kasi ang yayabang talaga at pangit ang ugali. Nag decide kami na wag sabihin sakanya kung anong section kami. Lagi kasi noon routine na namin ang magpaenroll tuwing 2nd Day ng enrollment. Ngayon nagbago na sabi namin 1st Day na kami papaenroll para di na namin maabutan yung mga ayaw naming kaklase. Nakiusap siya sa kaibigan ko na gusto daw niya kaming makaklase, di niya daw sasabihin dun sa mga friends niya na yung section namin. Naawa kami sinabi na namin.
Nag 3rd Year kami kaklase ko pa rin siya.New circle of friends na naman, padagdag ng padagdag kasi wala na yung friend ko na kaklase ko dati. Hindi na niya tinuloy pag-aaral niya kasi gusto na daw niya magtrabaho. Palala ng palala ugali niya. Payabang ng payabang. Wala na nakakaturn off na talaga siya. Yung pagkacrush ko unti-unti ng nawawala hanggang sa wala na.
Ngayong 4th Year na kami, graduating na kami sa tuwing nakikita ko yung ugali niya na ganoon. Minsan mapapatingin ka sakanya tapos itatanong ko sa sarili ko. Itong tao na ito ba yun? Itong tao na ito ba yung nagustuhan ko noon? Para kasing nag iba na talaga siya. Alam ko naman na walang permanente sa mundo. Choice niya yun wala naman akong magagawa. Atleast kahit na ganoon siya may nakita parin akong good side sakanya na hindi nakita ng iba. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na hindi naman natin pwedeng piliin magkagusto sa isang tao dahil lang sa itsura nila, mga isang bagay lang talaga tayong hindi maipaliwanag na nag stand-out sa kanya.
Marami mang mga crush na dumadaan pero may factor lang talaga akong nagugustuhan sakanila na mabilis din mawala. Sana naentertain kayo ng kwentong Feb-ibig ko kahit na alam kong masabaw talaga siya sana naman nagustuhan niyo. Salamat at binasa mo ito.

Feb-Ibig Story Contest [[CLOSED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon