Entry #10

36 3 0
                                    

Title:
From:Keith

=====

Hi! I'm Keith, isang babaeng nagmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.

Gabi na nung nakita ko siya sa gilid ng kalsada, nakatulala na para bang pasan niya ang lahat ng problema sa mundo. Hindi siya umiiyak pero nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya nasasaktan. 

"Hindi ko na tatanungin kung okay ka lang dahil kitang-kita naman sa mga mata mo na hindi," napatigil siya sa sinabi ko at napatingin sakin.
"Umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa mapagod ka. Kailangan nating lahat na mag-labas ng sama ng loob dahil kapag naipon yan tayo lang din naman ang mahihirapan, hindi tayo makakaalis sa nakaraan." nakangiti kong saad.


Dahil sa sinabi ko bigla nalang pumatak ang kanyang mga luha. Hinayaan ko lang siyang umiyak at pinapatahan siya. Hindi ako umaalis sa tabi niya dahil alam ko yung pakiramdam nang nag-iisa, nang walang nakakaalam ng paghihirap mo.

Simula nung gabing yun ay lagi na kaming magkasama, lagi kaming namamasyal, nanuuod ng mga movie, kumakain sa labas. Palagi kaming napagkakamalan na mag boyfriend-girlfriend pero hindi, at hindi na ako aasa pa, kahit na gustong-gusto ko yun mangyari.
Isang araw niyaya niya akong manuod ng movie, tungkol sa babaeng naghihintay na mahalin din siya ng lalaking mahal niya. Napatingin ako kay Joshua. Napaisip ako, darating kaya ang araw na makakalimutan na niya yung babaeng nagng-iwan sa kanya? Darating kaya ang araw na hindi na siya masasaktan tuwing naaalala niya yung babaeng yun? Sana... sana dumating ang araw na ako naman, ako naman ang mahalin  niya. Alam kong tanga ako pero hindi ko alam na may itatanga pa pala ako, hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa taong hulog na hulog pa sa iba. Mahal na mahal ko siya na kaya kong isakripisyo ang lahat para lang sumaya siya, kahit ang pagmamahal ko sa kanya. Mas matanda siya sakin ng 4years pero kahit ganun, nagawa ko pa din siyang mahalin. Habang ako'y nagmamahal sa kanya, siya naman ay hindi pa tapos nagmamahal ng iba. Hindi pa nag-uumpisa ang laban pero alam kong talo nako. Alam kong wala akong laban pero sinubukan ko parin, lumaban parin ako kahit na walang kasiguraduhan. 
Natigilan kami nang bigla nalang may sumulpot na babae sa harap namin.


"Lian." Dinig kong bulong ni Joshua. Napalingon ako sa kanya, kilala niya yung babae? Nalilito parin ako nang bigla nalang nagsalita yung Lian daw.

"Joshua, can we talk?" Matagal bago siya makasagot.
"Why?" Tanong ni Joshua.
"Meron akong gustong sabihin sayo. Please?"
"Okay. Anong gusto mong sabihin?" Tumingin sakin si Lian.
"Can we talk in private?" Napakunot ang noo ko. Bakit pa kailangan sa private kung pwede naman dito? Hindi ko'na napigilan at sumabat na ako.
"Excuse me? Ano bang sasabihin mo? Pwede namang dito nalang kayo mag-usap." napalingon silang dalawa sa akin
"Mauna ka nang umuwi Keith." nagulat ako sa sinabi ni Joshua.
"What? Sino ba yan?" tanong ko
"Hi. I'm Lian," napalingon ako nang bigla nalang siyang nagpakilala. Nakita ko ang kamay niyang nakalahad pero hindi ko yun tinanggap.
"His ex." tumaas ang kilay ko.
"Hindi ikaw ang kausap ko," usal ko pero ngumiti lang siya. May gana pa siyang ngumiti? Ang kapal ng mukha.
"Tama na yan." Ngumiti ako dahil alam kong papaalisin na niya tong babaeng to.
"Umuwi kana Keith." Pero unti-unting nawala ang ngiti ko dahil sa sunod niyang sinabi.
"What?!" uunahin pa niya yung ex niyang walanghiya?
"Umuwi kana." giit niya. Pangiti-ngiti pa 'tong babaeng to. Hmp! Mukha namang natatae. At mukhang alam ko na kung san tutungo ang pag-uusapan nila. Ayaw ko sanang umuwi pero pinilit niya ako.

Anong oras na'ko nakatulog kagabi dahil hindi ko maiwasang hindi isipin yung nangyari kahapon. Naisipan ko na sa labas nalang kumain dahil tinatamad akong magluto. Pero napatigil ako sa paghahanap ng makakainan nang makita ko si Joshua kasama si Lian na masayang kumakain sa isang restaurant. Eto na'ba ang sign para bitawan ko na itong pagmamahal na'to? Eto na'ba ang oras para itigil ko na 'tong kabaliwan na'to? Susuko na'ba ako sa laban na hindi pa 'man nagsisimula ay talo na'ko? Bumalik ako sa katinuan nang may mabangga ako, hindi ko napansin na nakatulala na pala ako habang naglalakad. Nag-sorry ako sa babae na nabangga ko, at dumiretso na'ko pa-exit dahil bigla akong nawalan ng ganang kumain dahil sa nakita ko.

Gabi na pero naglalakad parin ako sa gilid ng madilim na kalsada. Kanina pa tumatawag si Joshua pero hindi ko sinasagot, nag-ring ulit ang phone ko kaya sinagot ko'na. "Joshua, napatawag ka?" pinigilan kong pumiyok ang boses ko.
"Keith, kanina pa kita tinatawagan ah? Bakit ngayon ka lang sumagot?"
"Ah kase ano eh naka-silent yung phone ko kaya hindi ko napansin na tumatawag ka pala." palusot ko.
"Oh okay. Btw may sasabihin ako sayo." kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya dahil sa boses niya.
"Ano yun?" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa sasabihin niya.
"Kami na ulit ni Lian!" bakas ang saya sa boses niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganto kasaya simula nung nagkakilala kami.
"Ah ganun ba?" hindi ko kayang maging  masaya para sa kanya, lalo na kung ang ikasasaya niya ay ikinalulungkot ko.
"Bakit parang malungkot ka? May problema ka ba? Nandito lang ako pag kailangan mo ng kausap." ayokong sirain ang gabi niya kaya pinilit ko nalang na maging masaya, kahit mahirap.
"Okay lang ako. Masaya ako para sa inyo congrats!" pinasigla ko pa ang boses ko para hindi na siya magtanong pa.
"Thankyou! Kanina ko pa sana sasabihin sayo to pero hindi mo sinasagot yung tawag ko." "Ah sige bukas nalang. Bye." hindi ko na siya hinintay na sumagot. Napaupo ako sa harap ng bahay namin habang nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit, sobrang sakit. Akala ko kaya kong magung masaya para sa kaniya, pero hindi pala. Hindi ko pala kaya na makita siyang masaya ng dahil sa ibang babae, hindi sa'kin. Naalala ko pa nung gabi na nakita ko siya, nakaupo sa gilid ng kalsada, malungkot, pero ang bilis magbago ng panahon. Kung dati siya ang nasasaktan ngayon naman ay ako ang nasa kalagayan niya, nang dahil sa kanya. Bumukas ang pinto at biglang lumabas doon si mama, nagulat siya nung makita niya ang pwesto ko pero hindi na siya nagsalita, nilapitan lang niya ako at hinayaang umiyak sa balikat niya. Sumunod namang lumabas si papa kasama ang mga kapatid ko, nagtataka sila kung bakit ako nakaupo doon at umiiyak.
"Anong nangyari?" Hindi ko na sila masagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko, umiyak nalang ako nang umiyak hanggang sa mapagod ako. Nung oras na yun doon ko na-realize na kahit hindi ako mag-asawa basta nandyan ang pamilya ko. Hindi ko na kailangan ng lalaking magmamahal sakin dahil sapat na ang pagmamahal ng pamilya ko, na nagmamahal sakin kahit gaano pa karami ang pagkakamali ko. Dahil ganyan ang pamilya, kahit anong gawin mong pagkakamali, tatanggapin ka parin nila. Umalis man ang lahat sa tabi mo, pero ang pamilya mo ay mananatili sa tabi mo.

Simula nang araw na yon ay hindi na ako gaano nakikipag-usap sa kaniya. Napag-desisyunan ko na na idistansya ang sarili ko sa kanya, dahil kung hindi ko gagawin yon ay ako lang din naman ang masasaktan. Unti-unti akong lumalayo sa kaniya, ginagawa kong busy ang sarili ko para kahit ilang oras lang ay makalimutan ko yung sakit. Gumagawa ako ng paraan para hindi kami maagita at mag-usap. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para iwasan siya. Nag-deactivate ako sa lahat ng social media accounts ko, pag tumatawag naman siya sakin pinapatay ko nalang yung phone ko. Alam kong darating ang araw na mag-sasawa din siyang tawagan ako. Oo alam kong tanga ako para hindi ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya pero para saan pa ang laban na'to kung ang ipinaglalaban ko ay iba ang ipinaglalaban? Bakit ko pa ipaglalaban kung sa umpisa palang ay wala na akong laban? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong lumaban, kapag alam mong hindi mo na kaya matuto kang sumuko. Dapat alam mo kung hanggang saan ka lang pwedeng lumaban, dapat alam mo kung kailan ka susuko. Hinayaan ko nalang sila dahil alam kong sa una palang talo nako, walang laban, walang pag-asa. Hinayaan ko nalang sila dahil alam kong hanggang dito lang ang kuwento namin, at ang kwento nila ay muling ipinagpatuloy.
Kumakain ako nang may nagpadala ng invitation, wedding invitation. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako at ayokong buksan itong hawak ko, pero kahit kinakabahan binuksan ko parin at ang wasak ko nang puso ay lalong nawasak.
              
               You are cordially 
           invited to the wedding of
                
               Kim Lian Ocampo
                     and
              Clint Joshua Gomez

Bigla akong nanghina sa nabasa ko. Pinaglololoko ba'ko ng dalawang to? May gana pa silang i-invite ako sa kasal nila. Manhid ba sila at hindi nila alam na may nasasaktan na sila?
Ilang oras nalang at maguumpisa pero hindi ko alam kung pupunta ako, nakabihis na'ko  pero nag aalangan parin ako. Hindi ko alam kung kaya ko na bang humarap sa kanila ng hindi umiiyak.
Nandito ako sa labas ng simbahan, ayokong pumasok dahil baka bigla nalang akong maglumpasay. Akala ko ay kaya ko nang harapin silang dalawa na walang tumutulong luha. Akala ko ay kaya ko nang humarap sa kanila ng nakangiti, pero akala ko lang pala yun. Hindi ko kaya, at hindi ko alam kung kakayanin ko'ba.
"I may now announce you husband and wife." tumalikod na'ko at unti-unting naglakad palayo, papalayo sa buhay nila. Kapag nabuo ko'na ang nadurog kong puso, kapag kaya ko nang humarap sa kanila ng nakangiti ay saka lamang ako babalik. Alam kong darating ang panahon na makakaya ko nang ngumiti ng hindi nasasaktan, pero bago yun, kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Paalam.

Feb-Ibig Story Contest [[CLOSED]]Where stories live. Discover now