Entry #1

230 11 0
                                    

Title: That's Life
From: SMV

=====

  17 years old 1st year college ako bilang culinary ng magkaroon ako ng Boyfriend (itatago ko siya sa pangalan ng second name niya na hindi madalas itawag sa kanya) na si Rexter. Hindi tumagal ang pangliligaw niya sakin ng isang buwan dahil agad ko din siya sinagot dahil inaamin ko naman marufok ako kaya mabilis mahulog ko agad sa isang tao.

Umabot ng isang taon ang relasyon namin at second year college na ako pero kailangan ko huminto ng mga panahon na yon ng mamatay ang tatay ko at kailangan ko agad mag trabaho para sa dalawa kong kapatid na nasa elementarya grade 1 pa lang ang isa at yun isa grade 5

Wala na din kasi ako nanay dahil ang nanay namin ay sumama sa may kaya na tao at iniwan kami magkakapatid kay tatay dahil si tatay hamak na kapintero lang maliit kang ang sinasahod kaya mahirap lang talaga ang buhay namin,kaya lang naman ako nakapag aral sa college dahil sa libreng scholar ng mayor namin buti na lang pasado ako dun. Dahil nasa labing walong gulang lang ako nag trabaho ako sa tita ko bilang taga silbi sa tahanan nila.

Ang tita ko ang kapatid ni papa sa ama na may kaya dahil nakapag asawa ito ng kano, kaya dun ako nag trabaho sa kanya. Hindi niya kami tinutulungan dahil hindi minamaliit niya kung anong estado namin sa buhay. Kaya kaysa humingi ako ng pera sa kanya nag trabaho ako kapalit ng pera na pang bili ng pagkain ng mga kapatid ko at pang paaral. Oo ako na bumubuhay sa dalawa kong kapatid sa mura kong edad.

Si Rexter naman pinapaalis ako sa pag tatrabaho sa tita ko,at sumama na daw ako sa kanya. Magsama na daw kami sa iisang tahanan, si Rexter kasi 21 years old na ang patapos na din sa pag aaral. Civil engineering ang Kurso niya at may kaya din sila sa buhay dahil ang mama niya ay may asawa na hapon na may kaya sa buhay sa japan. At ang ama niya naman ay isang guro sa isang pribado na paaralan at may ibang pamilya na din

Hindi ako pumayag sa gusto niya na magsama kami agad,umabot ng ilang buwan ang pagta trabaho ko sa tita ko ng pinagmamalupitan ako ng tita ko,konting pagkakamali hampas o sampal ang naabot ko.

Nang malaman ni Rexter ang ginagawa ng tita ko sakin, pinapili niya ako "Sige nga Mae, mamili kana lang. Mag trabaho ka jan sa demonyo mong tita at maghihiwalay tayo o aalis ka jan sa pesteng bahay ng tita mo"

Mahal ko si Rexter pero pag umalis ako sa pag trabaho sa tita ko paano na lang kakainin ng mga kapatid ko? Kaya nanaig ang pagmamahal ko sa mga kapatid ko,kaya mas pinili ko pa din ang mag trabaho ako kila tita kaysa kay Rexter pero mawawalan ako ng pang gastos para sa mga kapatid ko

Limang buwan na kaming hiwalay ni Rexter at tinanggal ako ni Tita sa pagta trabaho sa kanya at wala siya binigay ni piso sa huling sweldo ko, pinilit ko siya bigyan ako ng sweldo pero hindi niya pa din binigay. Binugbog niya pa ako,wala ako nagawa.

Kaya bumalik ako sa tahanan namin magkakapatid na isang daan na lang pera,habang pinipilit ko ang sarili ko makahanap ng trabaho toyo at asin ang ulam namin magkakapatid.
At bangus tig piso na bangus nga lang yun chirchirya, oo naranasan ko mag ulam ng chirchirya kami magkakapatid dahil kapos na kapos na kami.

Hanggang sa isang araw bigla na lang tinablan ng sakit ang bunso ko na kapatid na si Earos,wala ako magawa ng mga panahon na may sakit ang kapatid ko.

Kaya namatay ang kapatid ko na si Earos dahil sa dengue, duon namuo yun galit sa dibdib ko. Sa tita ko na tinanggal ako sa trabaho at walang binigay na sweldo at sa nanay ko na inanbando kami magkakapatid at ni tatay. Namalimos ako,lumapit ako sa mga kaibigan ko para lang mabigyan ng maayos na libing ang kapatid ko.

Limang araw matapos mailibing ang kapatid ko lumapit yun kapitbahay namin na bakla sakin itago natin yun pangalan niya Gay

"Gusto mo ba kumita ng pera? Isang araw lang libo libo na kikitain mo"

Feb-Ibig Story Contest [[CLOSED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon