1. House Blessing

3.6K 124 48
                                    

Beatrix

"Infairness bruh, this house is suprisingly beautiful. Your jowa has an elegant taste." Komento ni Luis habang sinasamahan ko syang i-tour sa bahay. Natawa naman ako sa choice of words nya, "jowa" talaga?

Katatapos lang ng house blessing namin kanina and unfortunately, na-late sya kaya ngayon nagpapasama sya sa'kin.

"Oh my gosh! Did she do this?" Oa na reaction nya nang makita ang ginawang artwork ni Madison. Lumapit pa ito doon. Pumasok kasi kami sa loob ng work room namin ni Madison na mostly ay sya lang ang gumagamit.

Napa-smile naman ako sabay flip ng hair. "I know, right? Ang ganda diba? Syempre maganda ang model." Proud na proud na sabi ko.

At ang lokarit, ngumiwi pa sa'kin. "Ew. I appreaciate the artwork, but the model? I doubt it." Pang-aasar nya.

Napaismid naman ako sa sinabi nya. Napaka-epal talaga ng baklang 'to. "Inggitera ka talaga Luisita!"

Imbes magalit ay tumawa lang ito sabay upo sa swivel chair. Habang ako naman ay umupo sa may couch na kaharap nito.

Luis was nodding his head while observing the whole room. Parang nagbibigay ito ng approval. "She really knows how to maximize this space. Wala na, bilib na bilib na talaga ako." Sabi nya habang pa slow-mo na pumapalakpak.

Di ko naman maiwasang maipakita yung proud smile ko. Yes, sobrang nakaka-proud talaga ang girlfriend ko. Lahat sya ang gumawa, kasama na din ang interior. She's really talented.

"At talagang dito nya nilagay yang artwork na yan para mas mainspire syang magtrabaho ano? Napakahalay nyo talaga." Natatawang tukso sa'kin ni Luis.

Bigla naman akong namula sa sinabi nya. Kasi totoo naman, yun talaga ang purpose ni Madison kung bakit nya nilagay yun dito.

Aish! Nagsisisi tuloy ako na pumunta pa kami dito. Nakakahiya!

Bago pa ako lamunin ng lupa sa kahihiyan ay sakto namang may kumatok sa pinto at bumukas ito.

Ang mukha ni Madison ang unang bumungad at ang lapad pa ng ngiti nito nung nakita ako.

"Love, kanina pa kita hinahanap." Naglalambing na sabi ng girlfriend ko at lumapit ito sa'kin sabay kiss sa noo ko.

"Wow ha? Andito din ako Madison." Reklamo ni Luis.

Natawa ako kasi oo nga, parang di nga sya nakita ni Madison nung pagpasok. Her eyes are all on me.

"Oh, hi Luis!" Bati ni Maddison sa kanya at bumaling ulit sa'kin. "Babe aalis na si Father Wilson, tara magpaalam na tayo sa kanya."

"Oo nga pala. Let's go." Aya ko sa kanya. "Bruh ano sama ka na sa baba?" Baling ko sa kaibigan ko.

"Oo naman ano!" Sagot naman nya at sabay na kaming bumaba.

This is a two-storey house that consists of 1 master's bedroom and 3 extra rooms; each has its own terrace, a library, a work room/office, kitchen, dining area, entertainment room na may bar area, living room, 3 bathrooms, a garage that can fit up to 4 cars, and my favorite part is outside. Sinong bang aayaw sa napaka ganda at eleganteng swimming pool namin?

Seryuso, reregalohan ka ba naman ng girlfriend mo ng napakagandang bahay, aayaw ka pa ba?

Hindi lang ako maswerte, pero sobrang blessed ko to have Madison in my life. And I wouldn't trade her for anything.

Di mo mapigilang mapahigpit ang hawak ko sa kamay nya. Nagtataka naman itong napatingin sa'kin pero ngumiti din.

God, that smile should be illegal! Ninakaw na naman nito ang puso ko.

Chasing Forever (GxG)Where stories live. Discover now