Chapter Two

1 0 0
                                    

naisipan kong maglakad lakad muna sa loob ng subdivision ng may makita akong kaguluhan sa unahan.. umandar na naman ang pagka'ososera ko kaya lumapit ako..

"ate anong meron? "tanong ko..

"Naku si Roden Cruz yung basketball player sinugod daw sa hospital.. "sabi nito.. ano?.. tika bakit?.. Hindi na ako nag'aksaya ng panahon at inalam ko na kung saang hospital sinugod si Roden.. kaya ng malaman ko naman agad naman akong pumunta.. nagdahilan pa talaga ako sa guard para lang makapasok agad at nagpasalamat naman ako at pinapasok ako.. nakita kong nagkumpulan na sa isang sulok ng ER ang mga team mates nya pati magulang at kapatid.. Hinay hinay lang akong lumapit.. Maya maya may lumabas na doctor..

"doc, kumusta ang anak ko? "sigurado akong mama nya ito..

"masama ang lagay nya ma'am.. maraming dugo ang nawala sa kanya dahil sa aksedente.. "sagot ng doktor.. aksedente? bakit sya naaksedente?.. kinakabahan na ako para sa binata.. "kailangan ho natin ng blood donor.. sa kasamaang palad napakahirap po na maghanap ng dugo na katulad ng sa anak nyu.. Hindi naman po pwede si Mr Cruz dahil diabetes sya.. "sabi nito.. mahirap nga hanapin ang blood type na tulad ng kay Roden alam ko yun dahil nagbabasa ako ng slam book ng mga players at isa na sya dun.. iilan lang kami na may type AB na dugo.. teka.. did I say kami? ibig sabihin pareho kami ng dugo.. bigla naman nagliwanag ang kalangitan dahil sa narealize ko.. "ma'am we're running out of time.. "sabi ng doktor..

"my god.. saan naman kami hahanap ng donor ngayon? "napaiyak na sabi ng mama nito.. kaya nakapagdesesyon na ako.. it's now or never..

"type AB po ako.. "sabad ko na kinalingon nila lahat.. as in sa akin na sila lahat nakatingin..

"ok, sumama kana sa akin para makunan kana.. "sabi ng doktor na hila hila na ako..

"Rose? "may tumawag sa akin at sa paglingon ko..

"Cindy? "taka ko namang tanong.. pero hindi na ako nakapagtanong kung bakit sya nandon dahil pinasok na ako sa ER.. and there he is.. muntik ko ng hindi sya makilala dahil sa mga pasa at sugat sa kanyang mukha at katawan.. nakaramdam agad ako ng awa at bigla nalang talaga tumulo ang mga luha ko..

"relax lang po ma'am kukuhanan kana po namin ng dugo.. "sabi ng nurse.. may itinusok ito sa akin pero hindi ko na iyon pinansin dahil kay Roden lang ako nakatingin.. at unti unti akong hinila ng antok..

"Roden.. "sabi ko and it turns black..

una agad na tumambad sa akin ang puting kwarto.. nasa langit naba ako? pinikit ko ulit ang mga mata.. feeling ko tumakbo ako buong araw dahil sa pagod na nararamdaman ko..

"girl.. " agad naman akong napalingon sa gawi ko at nakita ko si Khim sa tabi ko..

"a-anong nangyari? "tanong ko..

"Hindi mo alam? Naku.. nag'ala'darna kalang naman para sagipin ang prince charming mo.. "sabi nito.. napaisip naman ako sa sinabi nito.. sagip? prince charming? at bigla ko naalala si Roden..

"kumusta si Roden? "tanong ko agad.. napailing naman ito..

"hay naku.. dakila ka talaga.. ok na ang prince charming mo.. nagpapahinga na sa kabilang kwarto.. "sagot nito.. bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae..

"kumusta kana Rose? "tanong agad nito..

"Cindy? ikaw ba talaga? "tanong ko.. mahina itong tumawa..

"Yah ako nga.. "sagot nito..

"kilala mo si Roden? "tanong ko ulit.. Tumango ito..

"barkada sya ni kuya.. remember kuya ranran? "sagot ulit nito..

"Yah.. ang makulit mong kapatid.. "sabi ko at napatawa ito.. childhood friend ko si Cindy.. magkaibigan kasi ang mga magulang namin kaya magkaibigan din kami..

"by the way, magkakilala kayo ni Rod? "tanong nito..

"Rod? "taka kong tanong..

"oh I'm sorry.. I mean si Roden.. "sabi nito..

"patay na patay yan kay Roden.. "sabat naman ni Khim na nakalimutan ko talaga na nandito pala..

"Ai oo nga pala Cindy .. si Khim.. kaibigan ko.. Khim si Cindy.. "pagpapakilala ko sa kanila.. naairap naman si Khim..

"hay naku kung hindi pa ako sumabat nakalimutan mo talaga ako.. "sabi nito..

"sorry naman nho.. "sabi ko..

"ahm tulad nga ng sabi ni Khim idol ko si Roden.. nalaman ko kasi na naaksedente sya kaya napasugod ako dito.. "sabi ko..

"at ikaw talaga ang nagbolontaryo na magdonate ng dugo.. "sabi ni Cindy..

"nagagawa nga ng pag'ibig.. "si Khim.. inirapan ko nalang ito..

"magkapitabahay lang  kami ni Rod.. "sabi nito..

"talaga? so nasa iisang subdivision lang pala tayo? "tanong ko..

"doon ka rin nakatira? "balik tanong nito..

"Yup.. "sagot ko.. natuwa naman ito..

"oh my god.. matutuwa sila mama nito.. you should visit me once in awhile.. "sabi nito.. gagawin ko talaga yan.. ngayon pa nalaman ko na magkapitabahay pala sila ni Roden.. "personal ka sanang pupuntahan dito nila tita para pasalamatan.. pero alam mo naman ang kalagayan ngayon ni Rod.. "sabi pa nito..

"ok lang naiintindihan ko.. "sabi ko..

"oh sige alis na ako ha.. please puntahan mo ako sa bahay.. itetext kita ha.. "sabi nito at nakapag exchange number narin kami.. papaalis na ito ng magsalita ulit ako.

"ahm Cindy pakisabi naman sa mga magulang ni Roden wag nalang banggitin sa kanya ang pagdonate ko ng dugo.. pati sa mga nakaalam.. "sabi ko.. napakunot ang noo nito..

"why? "tanong nito..

"basta.. please.. "sabi ko..

"ok.. "sabi nito.. Ngumiti ako..

"salamat.. "ngumiti lang ito saka tuluyan ng lumabas..

"grabe girl ikaw na talaga.. "sabi ni Khim..

"tumigil ka nga.. "sabi ko.. ang totoo ayoko lang talaga magkaroon ito ng utang na loob sa akin.. bukal sa loob ko ang pagtulong sa binata.. at gagawa ako ng paraan para makalapit ng tuluyan sa iniidolo.. kailangan ko rin malaman kung bakit ito naaksedente..

=======================================

habang tumatagal naiixcite ako sa story nato.. Hehe.. please kailangan ko lang ng sign kung itutuloy ko pa ba ito.. minsan minsan lang talaga ako mag'update kasi nakiki'wifi lang kasi ako.. so please understand.. at busy din ako sa school ng anak ko.. that's why..

Never QuitWhere stories live. Discover now