Chapter One

4 0 0
                                    

"hooh! idol! "

"ang hot mo talaga! "

"gusto kita maging boyfriend! "

iilan lang yan sa mga naririnig kong sigawan dito sa Mall of Asia.. nandito kasi ako ngayon sa fans day ng paborito kong basketball team.. will hindi naman talaga ako fans ng basketball dahil hindi ko naman maintindihan ang laro na yun pero nagbago ang lahat dahil sa isang lalake..

"oh ayan na ang hinihintay mo oh.. "narinig kong sabi ni Khim, bading kong friend.. awtomatikong napatitig ako sa lalaking kanina ko pa hinihintay na lumabas.. at heto na nga sya.. parang slow motion ang mga pangyayari.. pati pagwagayway nya sa kanyang mga kamay slow motion din.. sya si Roden Cruz.. ang lalaking nagpapatibok ngayon sa puso ko.. Kung papano ko sya naging crush mahabang kwento.. Ai hindi lang pala crush ito.. Mahal ko na talaga sya..

"laway mo girl tumutulo na.. "sabi nito.. agad naman akong napahawak sa labi ko.. "hahahaha"narinig kong tawa nito.. dahil joke lang pala yun..

"ikaw talaga.. "nasabi ko nalang.. Hindi naman kami masyadong nakalapit sa may stage pero worth it narin dahil nakita ko naman ang mahal ko.. actually hindi naman nagkakalayo ang edad namin ni Roden eh 18 ako 22 naman sya.. Hindi naman masyadong magkalayo ang bahay namin dahil sa iisang subdivision lang naman kami nakatira kaso nga lang sa sobrang lawak ng subdivision hindi kami nagkikita kung hindi mo pa dadayuhin ang lugar nila..

nakapila na kami ngayon para magpapirma ng poster.. Hindi na ako makapaghintay na makalapit sa mesa nya.. at habang papalapit na ako saka naman napatid ang paano ko dahilan para ma'out of balance ako.. napapikit nalang ako sa sobrang sakit ng balakang..

"are you ok? "tanong ng isang baretonong lalake.. at parang bumaba ang lahat ng angel sa langit ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.. nakaluhod pa sya habang nakahawak sa braso ko.. oh... my... god... is this really happening? Hindi ko namalayan para na pala akong tangang nakanganga pa sa harap nya..

"gosh.. parang tanga.. "narinig kong sabi ng isang babae.. doon naman ako nataohan.. binawi ko agad ang tingin sa kanya at napayuko.. nakakahiya naman talaga..

"a-ahm o-ok naman a-ako.. "sa wakas narinig ko rin ang boses ko..

"are you sure? "tanong nya ulit.. Tumango ako.. pero parang hindi pa ito kumbinsido at pinatayo pa ako at pinaupo sa may tabi nya saka ako binigyan ng tubig.. "namumutla ka.. sigurado kabang ok ka lang talaga? "may himig na pag'aalala nito.. may mga naririnig akong mga reklamo sa paligid.. Kung nakamamatay nga lang ang tingin malamang kanina pa ako nakahamdusay dito.. sigurado ako galit na sa akin ang mga fans ni Roden dahil sa pag'epal ko..

"Yah, sure ako.. salamat ha.. "sabi ko.. Ngumiti ito.. parang gusto ko na naman matulala sa pagngiti nya.. para bang may nag'uunahan sa tyan ko na hindi ko alam..

"fans kita right? "tanong nya.. napatulala na naman ako.. simpleng tanong lang yun pero grabe na ang epekto sa akin..

"a-ahm o-oo.. "bawi ko.. Ngumiti na naman ito.. isa pang ngiti nito sure ako hihimatayin na ako dito..

"halata naman sa T-shirt mo.. "sabi nito na nakatingin sa suot ko.. oo, ang shirt ko ngayon ay may malaking mukha nya.. talagang pinasadya ko pa ito na halos maubos na ang allowance ko dahil dito.. pero ok lang dahil ngayon pa lang worth na dahil napansin nya talaga.. "I guess magpapa'authograp ka.. nasan na ang poster mo? "tanong nito.. agad naman akong napatingin sa kamay ko.. tika lang hawak ko lang yun kanina ah.. nagpalingalinga ako.. baka kasi nabitawan ko lang pero wala talaga.. "dito nalang sa shirt mo kung ok lang.. "narinig kong sabi nito.. at heto na naman ako napapatulala.. tss.. ehh bakit kasi nagpapacute ito palagi.. nakita kong napangiti na naman ito.. at sinulatan na nga nya ang T-shirt ko.. may dedication pa.. parang may T-shirt ngayon na hindi malalabhan ah.. "there.. "sabi nya pagkatapos.. tapos ginulo pa nya ang hair ko na parang bata.. "I like you, you're so cute.. "sabi nito.. oh my.. sinabi nya talaga yun?!.. namalayan ko nalang na may humihila na pala sa akin.. si Khim.. teka hindi pa ako nakapagpasalamat ah.. ngunit paglingon ko nakatalikod na ito at busy na sa pag'entertain ng mga fans..

I like you.. parang naghuhumiyaw itong paulit ulit sa isip ko.. so wow.. Hindi na naman ako makakatulog..

====================================

hi konteng vote naman dyan.. pangpainsperasyon lang para ipagpatuloy ang Never Quit.. promise I will make you proud.. Hehe.. share nyu narin para masaya.. ;-)

Never QuitWhere stories live. Discover now