Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata

Start from the beginning
                                    

Nakaramdam nanaman ako ang panibagong kaba. Sa karawaheng ito, 5 lamang kami kumpara sa mga sundalong amerikanong maaaring makahuli samin, tiyak akong delekado kami sa oras na madakip nila kami.

"Kailangan natin makaiwas sa maaari nilang madaanan, Miguel. Wala tayong laban sa kanila kunsakaling makikita nila tayo." ani ko muli saknya. Napatango nalamang siya nang isang beses.

Agad naman akong napatingin kay Mang Domeng na siyang nagpapatakbo nang karawahe.. "Mang Domeng, kabisado niyo naman po ang mga hindi masyadong nadadaanan dito sa Bulakan, hindi ba? Nais ko po sanang ilihis niyo po tayo nang daan. Siguradong may mga baluarte na ang mga amerikano sa mga malalaking daan patungo nang Nueva Ecija." sambit ko rito.

"Kabisado ko naman ang mga daan dito iha, hayaan mo at gagawin ko ang aking makakaya upang makarating tayo sa nueva ecija nang ligtas." sagot naman nito saakin. Napatingin akong muli kay Miguel, nakaramdam naman ako nang awa rito dahil halat mo sa mga mata nito ang puyat sapagkat wala pa ito ni kaunting tulog buhat pa kagabi..


"Ayos ka lamang ba Miguel?," tanong rito..

Muli itong tumingin sakin at ngumiti, "Ayos lamang ako Kristina, wag kang magaalala sakin," sagot naman niya. "Pasensiya ka na, Miguel, hindi ko nais na madamay ka pa sa gulong ito." Napailing naman ito at tumitig sa mga mata ko. "Mas hindi ko matatanggap kung may masamang mangyayari sayo dahil lang sa hindi kita nasamahan."

"Maraming salamat Miguel, utang ko ang buhay ko sayo.." tugon ko naman saknya.

"Wala kang dapat ikabahala Binibini, Tungkulin kong protekhan ka, lalo na at espesyal ka para sakin." sabay ngiti naman ni Miguel. "Hangga't nandirito ako, poprotektahan kita, pangako yan." Natuwa naman ako sa mga sinabing iyon ni Miguel at napayakap ako saknya.

"Sige at matulog muna kayo, at kami na muna ni Mang Domeng ang bahala, gigisingin nalang namin kayo pag tayo'y nakarating na sa San Isidro." muling sambit ni Miguel pagtapos niyang kumalas sa pagkaka yakap sa akin.




***************




Calumpit , Bulacan

"Fuego! ( Fire! )" sigaw ni Gregorio sa kanyang brigada. "Heneral, mukhang sandali nalamang at matatalo na ho natin ang mga amerikano." Sagot nang kanyang pinagkakatiwalaang tiniente.

"Kung gayon, mas lalo natin kailangan pag-ibtingin ang makikipagdigma. Kailangan nating maipanalo ang laban na ito, ayon narin sa utos nang Presidente at sa pagibig sa bayang ito." Tugon muli ni Del Pilar..

"Mag handa muli, walang dapat na masayang na bala, isa, dalawa, tatlo.. Fuego!" muling niyang sigaw. Umalingawngaw muli ang makakasabay na putok nang baril pati narin ang Kanyong kanilang pinakawala.

Sumilip naman ang isang kawal sa kanyang teleskopyo upang tignan ang kalagayan nang kanilang kalaban. Namataan nitong tila nagsisi-atrasan na ang mga ito dahil narin sa kakaunti nang bilang nang mga ito. Nang masigurado ang pagkapanalo, Itinaas nito ang kanyang baril kasabay nang kanyang papuri, "Mabuhay ang Pilipinas."

Napasigaw nadin ang ibang miyembro ng hukbo at nagsimula nang magyapusan bilang pagpupugay sa bawat isa dahil naipanalo nila ang laban kontra pwersa amerikano. Ito rin ang nagsisilbi nilang ikalawang pagkapanalo.

 Ito rin ang nagsisilbi nilang ikalawang pagkapanalo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now