MOTB 12

53.2K 2.8K 1.1K
                                    

#MOTB12

"Embry's birthday is coming!" si Venz.

It's a Sunday sunny afternoon and their last day here in Villa Terrazas, the wind's blowing hot against my skin. Medyo umayos na ang pakiramdam ko at nakapa ang aking mood noong nakauwi ako kahapon, I tried to control it while staying with Rekta because I can't just be affected by that. Wala naman akong karapatang manghimasok sa kanyang relasyon o kagustuhang gawin. Although, isn't he too young to be in a relationship? I wish he's not taking it seriously for now pero kawawa rin pala iyong babae. Kaso, college na iyong Celeste kaya hindi malabo na maalam na sa isang relasyon.

Sa totoo lang kagabi ko pa iniisip kung bakit ako malungkot at parang binagsakan ng malaking bato. Ang hirap intindihin kasi masaya naman ako para sa kanya bilang kaibigan, pero malungkot din bilang best friend. Rekta's my best friend, sa tingin ko ay ganoon din naman ang tingin niya sa akin pero hindi ko maiwasang malungkot doon. Feeling ko ay matatapos na rin ang pagiging matalik naming magkaibigan dahil lilimitahan na niya.

Gaya ng mga nababasa ko sa social media nitong natuto akong gumamit, Rekta was the one who created my Facebook account. Binigay niya sa akin ang email noon at password kaya iyon ang natutunan kong pagkaabalahan, nakakabasa ako roon ng mga tungkol sa mag nobyo't nobya. Pag may nobya na raw ang isang lalaki ay hindi na puwedeng makipag usap sa ibang babae, baka ganoon ang maging lagay naming dalawa.

Iintindihin ko na lang siguro. Gusto ko na umuwi ulit dahil ang pinunta ko lang naman dito ay ang makita sila Rekta dahil last day na nila. Hanggang alas tres lang naman ako, gaya ng parating oras na sinusundo ako ni Annunzio.

"Anong plan mo?" Rekta asked quietly while playing on his phone, he head was on my shoulder.

"Oo nga, share!"

Inangat ni Venz ang pizza at lumawak ang ngisi nang masulyapan si Rekta sa aking tabi. His head was on my shoulder while busy playing a mobile game together with Aquil and Charde, kanina pa sila nagsisisihan tuwing may namamatay habang si Rekta naman ay simpleng singhap lang sabay kurot ng ilong ko o kaya'y hila sa dulo ng buhok ko tuwing namamatay ang hero niya na tila iyon ang labasan niya ng frustration.

Ngumiti ako kay Venz at nagkibit balikat.

"Nothing, really. Eighteenth birthday pa yata may plano sila Mommy or twenty."

"Bakit may edad? Anong mayroon sa 20?" kuryosong tanong ni Aquil, nakatitig pa rin sa cellphone.

"Ah, at the age of twenty kasi namin malalaman ang arrangements. Kung sino ang para sa amin."

"Fuck! You bunch of stupid!" inis na sambit ni Rekta at umayos ng puwesto, now he leans his back on my arm and grabs his hair in annoyance. Muli siyang kumurot sa ilong ko bago bumalik sa paglalaro.

Nalanghap ko ang kanyang mabangong buhok, natawa ako nang makitang namatay siya roon sa nilalaro. Naalala ko tuloy iyong plano namin ni Clairvaux noon na magda-download kami ng mobile game at maglalaro, bula na iyon ngayon.

"Shit! I'm not liking this!" Lumipat si Charde sa bermuda grass at doon nagseryoso sa paglalaro.

Natatawa ako sa kanila tuwing naglalaro sila noon, lahat sila kasi ay nawawala sa mood at minsan naman ay nagtatalunan sa tuwa dahil nanalo.

"Twenty? So you'll be arranged at that age?" si Venz na mukhang nasa akin na ang atensyon ngayon.

"Yes, twenty one will marry." I smiled a bit.

Nakita ko ang paghinto ni Rekta sa nilalaro, his eyes stayed on one way. Kung hindi pa siya sinigawan nila Aquil ay hindi siya magpapatuloy sa paglalaro, he sighed massively and sat up. Nagulat ako nang kumamot siya sa batok at tamad na binulsa ang cellphone niya.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon