MOTB 32

52.9K 2.2K 1.4K
                                    

Double

#MOTB32

Habang naglalakad kaming dalawa patungo sa isang resto ay para akong nakalutang at sobrang gaan pero may mabigat na pakiramdam sa kalooban, it's painful to feel a love of contentment while having him around here. Contentment of two people who once loved each other and finally having the lives separately, we would talk for closure and settle down with the one we love.

May kabigatan iyong dala sa pakiramdam ko dahil sa naalalang mga pagsasama namin noong mga bata pa kami. I was fifteen when I met him where I was so innocent and very juvenile, we've been friends for years and had him at sixteen until eighteen... I left him. We broke apart without a proper closure, that was the most heartbreaking part of my first love at the young age.

Pagkapasok ng resto ay nagpaalam ako sa kanyang magbabanyo muna kaya iyon ang ginawa ko, sa banyo ay agad akong tahimik na umiyak at tinawagan si Shell. Siya siguro ang nagsabi kay Rekta ng lugar na ito, hindi ako naniniwala na wala siyang pakay at kay Ashiel ko lang sinabi ang lugar ko ngayon.

Walang alam si Clairvaux o Venz kaya malabong sila ang nakapagsabi, natawagan ko na si Ashiel tungkol sa madalas kong pagkakakita kay Rekta sa taong ito pero hindi ko inaasahan na talagang magkakasalubong kami ng landas ngayong araw na nasa gitna pa ako ng sakit tungkol sa asawa ko.

Shell didn't tell that but I can't believe that this is all accidental or it is... I don't know really. Ilang minuto akong nagpakalma pagtapos kausapin si Shell, palabas na sana ako nang makatanggap ng tawag mula kay Statice.

"Hello?" sagot ko, tumungo ako sa harapan ng sink at nagsalamin doon para punasan ang luha. Mabuti na lang at waterproof ang make up sa mga mata ko kaya hindi kumakalat.

"Umuwi ka na ba? Nandoon na si Zio sa inyo, baka kung anong ginawa sa asawa mo."

Kinabahan agad ako, mabilis akong lumabas ng banyo at natagpuan ng mga mata ko si Rekta sa puwestong pinag-iwanan ko. He's still there, nakatingin sa gawi ng banyo na tila nag-aabang. Suminghap ako nang makaramdam ng pilipit sa aking puso.

"What? Ano bang sinabi ni Venturi? Hindi mo man lang inawat si Zio!?" iritado kong sinabi.

"I don't know, Venturi confessed that he cheated on you many times reason why you went missing for days. Your husband is so honest, huh?"

"Manahimik ka, hindi nakakatuwa iyon! Pag sinaktan ni Zio si Venturi, masasaktan ka rin sa akin." mahina kong banta.

Bahaw siyang natawa. "Bakit mo ako dinadamay? Zio is just worried about your emotional health, and Venturi deserves to be punched for making you fool."

"Problema naming mag-asawa iyon." mariin kong sinabi habang nakatitig kay Rekta na nanonood sa aking paglapit.

My heart was torn. I don't know, puro mura na lang ang nagagawa ko sa aking isip. Binabaan ko ng tawag si Statice at hinarap si Rekta, hindi ako naupo roon.

"U-Uh, something came up at home. I need to go now, I'm sorry." iyon ang sinabi ko sa maingat na tono.

His forehead wrinkled while looking at me, ang sakit na makita siyang puno ng pait habang nakatitig sa akin ng mariin. Gayunpaman ay kailangan ko na talagang umuwi para kay Venturi, mainitin ang ulo ni Kuya Zio at nananapak lang bigla. Hindi ko alam kung ilang beses na silang nagsuntukan ni Venturi sa taong ito pero ayaw ko nang mangyari iyon ulit.

"Sorry, Rekta. May nangyari kasi." sambit ko, it feels strange to call him like it was a first time again.

He nodded a bit, nilabas niya ang cellphone at tinulak iyon sa lamesa patungo sa harapan ko. My heart skipped.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon