MOTB 3

60.8K 2.7K 813
                                    

#MOTB3

Bagsak ang balikat ko na naglakad sa maisan, padabog akong yumuko nang makita ang isang sanga ng puno at kinuha iyon. I used it to part the tall grasses for my way, I frowned and rolled my eyes while thinking of Olivah's words. She really knows how to piss me off, nakakataka na kahit ngayon ko lang siya nakasalamuha ay may kakaibang init na ang dugo ko sa kanya.

Maybe because she's feeling perfect, I hate that kind of girl. She's so nosy and feeler, she thinks it's all right to be nosy about anyone else's life? Well, better check herself in the mirror and find her manners. I hope she realize that not everyone is fond of her presence and nosiness like her boyfriend.

Bumusangot ako lalo, I saw the tall Acacia tree near the corn plantation I'm in. Tamad akong lumakad doon habang kinakamot ang braso kong nangangati dahil sa mga surot, tuyong mga dahon ang natapakan ko pagdating sa gawi ng punong Acacia. Pabagsak akong nahiga sa lilim ng punong matayog at mayabong, the view here is very nice. Tall grasses, from afar is a wide blue sky with golden sunshine of the sun this afternoon. Umihip ang hangin, sariwa man sa pakiramdam ay mainit naman ang haplos dahil sa klima.

I tried to whistle to call the wind but it didn't come after, I whistled again and the chirping birds from the tree flew out. I was mesmerized, napangiti ako at pinagmasdan lamang ang sumasayaw na puno habang may mga ibong nagliliparan at dumadapo sa parehong oras.

They look so free and happy flying around without anyone can hold and stop them from being free, minsan ang saya siguro maging ibon. Sana mapanaginipan kong ibon ako at malayang nakakalipad habang nakikita ang kagandahan ng tanawin mula sa himpapawid.

Palagi kong naririnig sa opisina nila Mommy at Daddy kapag nag-uusap ay wala sa plano ni Mommy ang dalhin ako sa Manila pag nag kinse anyos gaya ng sa iba naming mga kabatch na pinsan. Ewan ko lang kung sasang-ayon si Daddy doon pero sana ay hindi dahil gusto kong maranasan ang siyudad, gusto kong maranasang mag-aral sa isang eskuwelahan na may mga makakasalamuhang estudyante. Kahit hindi ko kaibiganin, basta may makita lang na ibang tao ay ayos na sa akin. I wish Mommy change her mind, si Statice ay nag-aaral na ngayon sa ibang eskuwelahan pero hindi pinili ang Maynila kaya sa paligid lang din siya ng Villa Terrazas. Ganoon din si Annunzio.

I guess I got a different type of place or they're just really faithful to the family. It's not like I'm not faithful but I really want to live normally and when the time comes for me to marry an Azcon, I will obey it for them. Nakatatak naman iyon sa akin, I was born to be an Azcon. I laughed inwardly at the thought, I was born an Azcon-Zobel by the way.

Ngumuso ako at marahang pinaglaruan ang aking dalawang hintuturo, pinagdikit ko sila habang tumutulala sa puno.

"So, I'll be Eminence Bryleigh Azcon Zobel-Azcon?" I chuckled. "That's too crazy!" I shook my head. "No, it's not. It's your family tradition, Embry. It's beautiful, uh-mm."

Hindi naman porque iba ang gusto ko sa kanila ay magiging taksil na ako. I won't do that, I know myself better than their judgement. I wonder if I could be, Zobel-Zobel? Oh hell, that'd a total shame for sure.

Huminga ako nang malalim, muling kinausap ang sarili kasabay ng hampas ng hangin at huni ng mga ibon. Maganda pala rito, payapa at tahimik kaysa sa madalas naming puntahan ni Clair, batid kong sakop itong lupain ng mga Sifuentes ngunit malayo pa rin sa kanilang mansyon kaya maliit iyong natatanaw mula rito.

"Kung ganoon, siguro dapat umpisahan ko ng kilalanin kung sino ang para sa akin. I'm sure, Mommy will be happy. Sige, tatanungin ko mamaya kung sino." I sighed at the end and looked at my fingers. "But, I'm too young. Mas maganda kung surprise na lang siguro."

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon