"Ako ba, nakalimutan din niya?"

"Sa tingin ko hindi, si Ate Delaney nga naalala nya pa... Ako lang yata ang hindi" sagot ko.

"He'll remember you one day, don't lose hope. Sa dami ng pinagdaanan niyo ngayon ka pa susuko? Mana ka sa Ate mo diba, she's a fighter and you should be also" aniya kaya napangiti ako.

"Salamat Lincoln, sige sa susunod nalang ulit. Dalawin mo si Dylan kung may oras ka"

"Sana hindi niya ko sapukin sa oras na makita niya ko" sagot niya kaya medyo natawa ako.

"Hindi naman siguro, hayaan mo ikekwento ko agad sakanya na maayos na ang pagitan ninyong dalawa. Sige na ibaba ko na 'to" ani ko at binaba na ang tawag.

Pumasok naman ako agad ulit sa kwarto ni Dylan at bumungad sakin ang seryosong mukha ni Dylan at titig na titig sakin ang mga mata niya.

"M..may problema ba?" Nauutal kong tanong.

"Sino yung kausap mo? Rinig na rinig ko na tumatawa ka pa. Did I heard his name right... Lincoln? His name sounds familiar" sunod sunod niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.

"Oo si Lincoln nga 'yon, sya ang lider ng karibal ninyong ka grupo na RV5, naalala mo ba?" Tanong ko sakanya.

"Clearer than a pure water and why the hell are you talking to him!? Are you f*cking cheating on me!?" Agad nanaman nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Pero ang panlalaki ng mata ko ay napawi ng hindi ko napigilang tumawa.

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa tanong ko?" Seryoso niyang tanong.

"Nagseselos ka Hon, your jealous aren't you?" Tanong ko sakanya ng pabiro at nakita ko agad ang panlalaki ng mata niya at medyo pamumula ng pisngi niya.

How I missed my jealous Dylan Chua.

"A..ako magseselos? Wag ka ngang assumera dyan" pag mamaang- maangan niya pa kaya lalo akong natawa.

"Hindi ako assumera, nagsasabi lang ako ng totoo. Bumangon ka na dyan at lalabas na tayo dito. Naghihintay ang buong BX5 at RV5 sayo sa mansion niyo" ani ko at nakita kong kumunot ang noo niya.

"Mamaya ka na magtanong kung bakit halika na akala ko ba gustong gusto mo na umuwi?"

Tumango nalang siya at dahan dahan ng bumangon sa pagkakahiga at inalalayan ko naman siya tumayo.

Ng makasakay na kami sa kotse ay nagmaneho na ulit ang driver at ako naman ay biglang humikab dahil sa sobrang pagod. Ilang araw na kasi ako hindi nakakatulog ng maayos.

Nagulat naman ako ng biglang may sumapo ng ulo ko at pinatong ito sa balikat niya.

"Malayo layo pa naman tayo sa mansion, matulog ka muna" aniya dahilan para magwala nanaman ang puso ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa simpleng ginawa niya.

Siya parin talaga ang Dylan Chua na minahal ko.

Hindi ko alan kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na hawakan ang kamay niya at pinagsaklob ko pa ang mga daliri namin, naramdaman ko rin na nabigla siya sa ginawa ko.

"I love you" bulong ko habang nakapikit na ang mga mata ko at hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko.

***

Nagising ako ng may medyo tumatapik ng pisngi ko kaya unti unti ko ng dinilat ang mga mata ko at agad bumungad sakin ang mukha ni Dylan.

"Nandito na tayo, kung gusto mo pa magpahinga may guestroom naman kami. Mukhang pagod na pagod ka kaka alaga sakin" aniya at inangat ko na ang ulo ko sa balikat niya.

"Hindi na sapat na sakin na naka idlip ako ng kahit konti" sagot ko at biglang natuon ang paningin ko sa dalawang kamay na magkahawak parin hanggang ngayon.

Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya pero bigla niya ito mas hinigpitan at hinila na ko pababa ng sasakyan.

Magkahawak kamay kaming pumasok ng mansion at bumungad samin ang lahat ng katulong nila at ang ilang guardya sa buong mansion. Nakita na rin namin si Ate Drianne at sumilay agad ang ngiti sa labi niya ng makita si Dylan.

"Welcome home, My little brother" aniya at nakita ko agad ang iritadong mukha ni Dylan ng banggitin yun ng Ate niya.

"Don't start Ate. Sabi nya nandito rin ang RV5. Bakit sila nandito? Mortal namin silang kaaway nuon pa, don't tell me masyado na kong nakalimot sa lahat ng nangyari at hindi ko alam-" naputol ang sasabihin niya ng may biglang may nagsalita.

"Maraming ng nangyari Dylan, sadyang halos lahat ng 'yon nakalimutan ng utak mo" biglang sabi sakanya ni Lincoln at katabi niya ang buong grupo ng RV5 sa kabila naman nila ay ang BX5.

"Don't give me a damn Hondeval. If this is a joke well its not f*cking funny so stop this nonsense, your stressing me out" sagot ni Dylan dahilan para medyo matawa si Lincoln.

"Chill out bro, hindi kami pumunta dito para maghanap ng away, were here as your friend. It sounds crazy and creepy but its the truth, accept the reality Chua. The war between us is over, you'll remember it someday" sagot ulit ni Lincoln.

Bigla naman humarap sakin si Dylan kaya tinignan ko siya.

"Tell me this is all a freaking lie" aniya kaya hindi ko narin mapigilan na medyo matawa.

"Mas mabuti siguro kung kumain muna lahat tayo habang nag uusap. Dylan we will tell you the whole story from scratch so don't worry and don't stress yourself. Magtiwala ka samin na ang lahat ng sinasabi namin sayo ay totoo and nothing but the truth" sabi ni Ate Drianna.

***

Unknown's POV,

"Aldenor sapat ba talaga ang panggagamot natin sakanya ng halamang gamot? Hanggang ngayon wala parin siyang malay simula ng makita natin siya sa paanan ng bangin?" Sabi ng isang babae habang nilalagyan muli ng panibagong halamang gamot ang ulo ng babae at ang mga sugat nito sa katawan.

"Gaya ng sabi ko sayo noon, nanggaling siya sa malaking pagsabog ng ilegal na pabrika na nakapwesto sa gitnang bahagi ng bangin kung saan ko siya nakita. Malamang napuruhan siya ng bomba dahilan para mahulog siya sa bangin. Salamat nalang sa Diyos at hindi gaano kataasan ang bangin at sa damuhan siya bumagsak. Mukhang may nagtangkang ipahamak ang buhay niya at maswerte lang siya na nakaligtas kaya kung isusugod natin siya sa ospital, baka matunton ulit siya ng mga taong may masamang pakay sakanya" paliwanag ng lalaki.

"Sa tingin mo ba, magigising pa sya?" Tanong ng babae.

"Sinasamahan natin ng panalangin ang gamot na inilalagay natin sakanya, huwag tayo mawalan ng pag asa Meherita at may awa ang Diyos... Sa tingin ko naman ay mabuti siyang tao, Naway pagpalain siya ng kanyang kabutihan"

"L...Lincoln" biglang bukambibig ng babae kaya napatingin ang mag asawa sakanya.

"Aldenor, gising na siya" masayang sabi ng babae.

Unti unting dumilat ang mga mata ng babae at bumungad sakanyang paningin ang mag asawa na parehong nakangiti sakanya.

"Salamat sa Diyos at nagising ka na iha" bati sakanya ng lalaki.

"Anong pangalan mo iha?" Tanong ng babae.

"D...Delaney po"

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon