Dahan dahan siyang napalingon sakin at nagtama nanaman ang mga mata namin.

"Ano ba talagang nangyari sakin? Bakit hindi kita maalala? Bakit kahit pangalan mo, hindi ko naalala?" Tanong niya ng nakatitig sa mukha ko.

Napa iwas ako ng tingin at napatungo dahil sa tanong niya. Paano ko sasabihin na dahil sakin kung bakit siya ganito ngayon?

"Malalaman mo rin ang tungkol don. Pero sa ngayon, pagtuonan mo muna ng pansin na maalala ang nakaraan mo bago ang mga nangyari bago ka nawalan ng ala ala" sagot ko.

Bigla naman bumukas ang pinto at bumungad samin ang doktor ni Dylan.

"Mr. Chua kamusta naman ang pakiramdam mo? Any past memories reminisce about yourself?" Tanong sakanya ng doktor.

"Still nothing dok. Gaano katagal ba ang aabutin bago ko maalala ulit ang mga nawala kong ala ala?" Tanong ni Dylan.

"It depends on the function of your brain Mr. Chua. But I assure you, you will bring your memories back one day. Just continue taking your medicines and you'll recover completely" paninigurado sakanya ng doktor.

"Maraming salamat po Dok" sabi ko at umalis naman na agad ang doktor niya.

"Naibigay narin niya pala sakin kanina ang discharge paper mo. Aayusin ko lang ang gamit mo tapos pwede ka na lumabas dito" sabi ko at nagsimula ng ayusin ang gamit niya.

***

"Saan ba talaga tayo pupunta? Sigurado ka bang nandun ang parents ko sa pupuntahan natin?" Tanong niya habang nasa likod kami ng sasakyan.

Papunta na kami sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang niya. Hindi ko maiwasang kabahan muli at matakot sa magiging reaksyon niya sa oras na makarating kami duon.

Ng makarating na kami ay tinulungan ako ng driver na alalayan siya maglakad dahil ayaw niya talagang mag wheel chair.

Nilakad namin ang puntod ng mga magulang niya hanggang sa matanaw ko na ang museleo ng mga Chua.

"W..What's the meaning of this? Bakit nandito tayo?" Sunod sunod na niyang tanong.

Sinindihan ko ng kandila ang parehong puntod ni Mr. at Mrs. Chua at tinabihan ko ng upo sa isang upuan si Dylan kung saan siya naka upo.

Nakatuon ang paningin niya sa dalawang puntod na nasa harap naming dalawa ngayon.

"Alam ko mahihirapan ka tanggapin ang lahat, pero ilang taon na ang nakalipas ng pumanaw ang mga magulang niyo ni Ate Drianna" paliwanag ko sakanya at tinignan siya.

Nakatitig parin siya sa dalawang puntod ng magulang niya, sa tabi ng dalawang puntod ay ang litrato ni Mr. at Mrs. Chua.

"B..bakit? Paano?" Bukambibig niyang tanong kaya napa buntong hininga ako.

Hinawakan ko rin ang kamay niya at tinignan siya kahit sa puntod nakatuon ang paningin niya.

"Ang Dad mo, naaksidente siya sa isang business trip niya para sa kompanya niyo. Hanggang ngayon hindi pa nakukumpirma kung aksidente o sinadya ang nangyaring aksidente... pero malaki ang hinala mo na si Felix Hondeval ang may gawa ng aksidente" panimula ko kaya napatingin siya sakin at nakita ko ang galit sa mata niya na may halong kuryosidad.

"Sino ang t*rant*dong 'yon? Anong klaseng kat*rant*duhang dahilan niya para gawin niya 'yon kay Dad?" Seryoso niyang tanong.

"Si Felix Hondeval, kapatid mo sya sa Dad mo. Nagkataon na nakagawa ng isang malaking kasalanan ang Dad mo at ang Mom ni Felix. Your Dad is already married to your mother the moment Felix was born. At ang Nanay naman ni Felix ay kasal sa Step Father niya na si Tito Philip. Nagkasala sila sa likod ng mga asawa nila sa hindi malamang dahilan"

"Your Mom knows everything pero hindi parin siya nakipaghiwalay sa Dad mo dahil ayaw niyang mawalan ka ng Ama at masira ng tuluyan ang pamilya niyo. Your Dad became a good and loving Father to you but... nakalimutan niyang may anak din siya sa iba... at si Felix 'yon. Hindi pinanagutan ng Dad mo si Felix at ang Nanay nito, hindi rin naman alam ang dahilan kung bakit"

Bigla naman napatungo si Dylan at napahawak sa ulo niya.

"Ayos ka lang ba? May masakit-"

"Ayos lang ako. What happened to my Mother? Bakit pati siya... Wala na rin?" Tanong niya.

"Ang Mom mo, matagal na niya pala tinatago sa inyo ng Ate mo na may sakit siya sa puso. Tinapat na siya ng doktor na hindi na tatagal ang buhay niya, nadagdagan pa ang bigat na dinadamdam niya ng mamatay ang Dad niyo... kaya mas lalong naka apekto ito sa puso niya... But before she passed away kinausap niya ko"

"Sabi niya, na huwag akong aalis sa tabi mo. Habang buhay kitang sasamahan at ipadama ko ang pagmamahal niya gamit ang pagmamahal ko rin sayo. Kaya kahit hindi mo ko maalala... bilang isang Hazelle Lynne Mendoza na mahal na mahal ka... at mahal na mahal mo. Sana sa palagi kong pag aalaga at palaging nasa tabi mo, kahit papa ano mapadama ko sayo ang pagmamahal ng Mom mo"

"Isa lang ang hiniling niya sakin bago siya mamatay... She just wish for your lifetime happiness. Kaya kahit hindi mo ko maalala ulit... ang mga ala ala na nabuo natin nuon, I'm willing to make new memories again with you... I'll wait until you'll love me again. I promised to your Mom that I'll be with you forever, giving you all the love I could give, maybe not enough of your Mother's love... but enough for you to feel contended and happy"

Hindi ko na napansin na kanina pa dumadaloy sa mukha ko ang luha sa mata ko.

Inangat niya ang ulo niya at lumingon sakin. Namumula ang mga mata niya at nakita ko ang namumuong luha sa gilid ng mga mata niya.

Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at pinunasan gamit ang daliri niya ang luha sa mata ko na lubha kong kinagulat.

"Huwag kang umiyak...Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak" bukambibig niya kaya nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa mata niya.

"Oo hindi kita maalala... Pero bakit nasasaktan ako sa tuwing umiiyak ka dahil sakin? Bakit kailangan ko humantong sa sitwasyon na 'to? Nawala na nga ang mga magulang, yung kaisa isang babaeng minahal ko hindi ko pa maalala" bulong niya dahilan para bumilis din ang tibok ng puso ko.

Pagkatapos niyang magsalita ay bigla nalang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko.

"Dylan! Dylan gumising ka! Tulong! Tulungan niyo kami!" Agad kong sigaw ng bigla siyang nawalan ng malay.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon