Natatawa naman si Kyline sa nagiging emosyon ng nobyo.

“Biro lang.” Saad ni Kyline. “Kung mangyari man yun, ipaglalaban kita hanggang sa makakaya ‘ko, at hanggang sa bumalik ka sakin. Ipapamukha ‘ko sa babaeng may gusto sayo na, ako ang mahal mo, na mas mahal mo ko kaysa sa kaniya, na laruan mo lang siya.” saad niya pa.

Napatawa naman si Gab sa mga sinasabi ng girlfriend niya dahil alam nito na kaya siyang ipaglaban ng nobya kung mangyari man ang mga ganoong bagay.

“Pero...gagawin ‘ko lang naman ‘yun kung may nakikita akong pag-asa, kung nakikita ‘kong kaya mo din akong ipaglaban, kung kaya mong gawin na ibalik ako sayo kahit na magulang pa natin ang humadlang.” Seryosong saad ng dalaga. Ininom nito ang nasa harapan niyang milktea, at saka tumingin sa nobyo na kanina pang nananahimik dahil sa mga sinasabi ng girlfriend niya. 

“Oh, bakit?” saad ni Gab.

“Bakit ganon ‘yung topic natin? May balak ka ba ha? Subukan mo lang! Nako, Gabrielle Shan dalawang beses kang matutulian!” saad ni Kyline saka tumayo, at hindi na ininda ang sakit ng paa.

“Tara na nga.” saad pa ni Kyline saka hinila ang nobyo palabas ng restaurant na iyon.

Sunod na hinila ni Kyline si Gab sa isang arcade malapit sa Plaza. Ang Plaza’ng iyon ay puno ng tao –may magjowa din, buong pamilya, magkakaibigan, kapatid at iba pa.

Naisipan nilang maglaro sa isang arcade doon. Pinili nila ang arcade na pwedeng kumuha ng laruan, basta’t maghuhulog ka lang ng token. Bumili na sila nito saka naglaro.

“Alin d’yan ang gusto mo?”

“Yun! Yung isa sa ‘We Bare Bears’ na si Ice bear!” saad ni Kyline saka inilapat ang mukha sa salamin na pumoprotekta sa mga laruan.

“So love, watch and learn.” Saad ni Gab saka may gestures pang ginawa.

Ilang minute at oras na ang lumipas pero hindi parin nakukuha ni Gab ang laruang iyon.

“Oh, ano na? 5 pm na, love, nakuha mo na ba?”

“Ano, hindi pa.” Saad ni Gab sabay kamot sa ulo.
“Ang yabang kasi e! Ako na nga, tabi d’yan!” saad ni Kyline, saka tinabig si Gab sa harap ng machine.

“Parang galing mo, love ah. Sige nga, pakita mo galing mo.”

“Talaga, Mr. Hindi Marunong!” saad ni Kyline at naglaro na.

“Wow, wow, wow!”

“Ugh, luhmeh!” saad ni Kyline. Sinimulan na niyang maglaro, at nakalimang token na siya ay hindi parin niya nakukuha.

“Saan mo yan natutunan?”

“Alin?”

“’Yung ‘ugh, luhmeh’ mo.”

“Kanino? Edi sa asawa ‘ko. Kanino pa?” saad ni Kyline, and she rolled her eyes.

“Asawa? Sino?”

“Si Fafa Kyo! Ihhhhh!” saad ni Kai, at halata na kinilig.

“Sinong Kyo yan?” inis na tanong ni Gab.

“Asawa ‘ko nga! Kulit mo.”

“Halika nga, kausapin kita. Doon tayo.” Saad ni Gab, saka hinila si Kyline sa may malapit na lamesa doon.

“Sino yang Kyo na yan, ha?” saad ni Gab, at kumamot ito sa ulo nito. “Sa isang linggong yun, ang ginawa mo yata manglalaki! Langya!” saad pa niya.

Napaisip si Kyline sa ginagawa ng nobyo niya, naisip nito na nagseselos ang boyfriend kaya ganoon na lamang ang kaniyang reaksyon. Kaya naisip niya na ituloy ang kaniyang kalokohang ginagawa.

Operation: Gawing Lalaki Si Bakla [COMPLETED] #Wattys2022Where stories live. Discover now