XI. The Unseen Faded String

Start from the beginning
                                    

"Napakapositibo mong tao, Darwin. How do you do that?"

Ngumiti ito. "Life is full of surprises, might as well, play with it. Either way, dalawang bagay lang naman ang ending ng lahat. You lose or you win. But as much as possible, always have a little faith in yourself even if the boat is already sinking. I call that living, ET."




"NANDITO na ba lahat?" isa-isa niyang tinignan ang mga mukha ng mga kinuntiyaba niyang tutulong sa kanya sa birthday surprise na gagawin nila para kay Darwin. "Okay, mukhang complete naman na tayo."

Nasa bookshop sila nila Keeper at Strar. Pinatawag niya rin ang kakambal niyang si Allysa. Nandito rin sila Chu-Chu at dahil on duty si Mang Kaloy sasabihan na lamang niya ito sa mga napag-usapan nila.

Nakaupo sa pang-isahang sofa si Keeper. Magkasama naman sa mahabang sofa sina Allysa, Strar at Chu-Chu. Nakatayo naman siya sa harap ng mga ito.

Sakto namang umalis si Darwin.

"Bakit mo ba kami pinatawag Alyce?" tanong ni Allysa. "May i-a-announce ka ba?"

"Paplanohin na natin ang birthday surprise natin para kay Darwin." Hawak-hawak niya ang pink spring notebook niya at ballpen. "I got my list of things to do and may task ako sa isa sa inyo. So, guys, I need your help."

"Game!" nag-taas ng kamay si Strar.

"Hala, oo nga, noh, birthday na nga pala ni Darwin."

"We only have three days to go, ano kaya ba?"

"Kaya 'yan!" sigaw ni Chu-Chu.

Napangiti siya. "Okay," inisa-isa niyang ibigay sa mga ito ang mga task. "Chu-Chu, ito ang mga list of things that you need to buy for the decorations. Sabihan mo ako sa quotation ng mga magagastos mo at ibibigay ko sa'yo ang pera. Strar, help me with the activity and games. Keeper, keep an eye on Darwin. Sabihan mo agad ako kapag naghihinala na siya. Al, let's decide what foods should we prepare."

Nag-thumbs up silang lahat.

"Tulong-tulong na tayo sa pag-de-decorate. I have sample decorations here," inilapag niya sa round glass table ang mga print outs ng mga exterior decorations na nahanap niya online para maging reference nila. "Let's decide one design to follow. I like this one," turo niya sa isang design.

"I think, that would be perfect," komento ni Allysa. "I like that one too."

"Kahit ano, okay kami ni Mang Kaloy."

"I'm not good in making judgment, so I will let you decide," ni Strar. "Baka pangit pa ang kalabasan kapag nakialam ako." Natawa ito pagkatapos.

"I don't mind," Keeper shrugged. "The simple, the better, it saves us time."

"Okay, we'll go with this design," 'yon ang design na pareho nilang nagustuhan ni Allysa. "Para makapag-decorate kayo, ilalabas ko muna si Darwin. Dapat matapos n'yo ang decorations before 6 pm. I'll do my best to destruct him kahit na mahirap lokohin ang sang 'yon."

"Don't worry Alyce," nakangising sabad ni Strar. "Mahina ang puso ni Kuya Darwin sa'yo."

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito. Anong pinagsasabi nitong si Strar? Sandali pa ay mapanuksong nakatingin at nakangiti na ang mga ito sa kanya. Well, maliban kay Keeper na simpleng nakatingin lang sa kanya.

"O, bakit?"

"Wala," sabay na umiling ang tatlo. Pero halatang-halata naman ang panunukso pa rin ng mga ito sa ngiti ng mga ito.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Where stories live. Discover now