Chapter 17 [Part 4] - This Means War ****

Start from the beginning
                                    

"Kaya pala ang weird nyong dalawa nung nagkita kayo sa school nung cheering try out, parang  kunwari hindi kayo magkakilala. AMPUPU! Hahaha" - Charm

Sarap ng tawa ni Charm.

"Oo, ewan ko don kay Luigi, pakulo nya yun eh! Sya yung unang umarte na hindi nya ako kilala. May saltik nga yung taong yon, minsan magsusungit, minsan maglalambing", sabi ko.

"Ayeeeehihihihi", sabi ni Charm.

I rolled my eyes, "Charmie!", saway ko sa kanya.

"Alright. Alright. Ano pa?", sabi nya.

Kinwento ko sa kanya ang tungkol sa commotion sa kalsada kung saan muntik na kami maaksidente ni Luigi, pati yung nilinisan ko si Luigi ng sugat sa lips, atsaka yung breakfast namin sa condo ko.

"Aaaawww. Hangsweet naman! Hihihihi", sabi ni Charms.

Walang awat ang kilig nya.

Bumubuntong-hininga na lang ako.

"Ano pa bes?", excited na tanong nya, "Shet! LaureenGi for the win! Nyahahaha"

I rolled my eyes again.

"Nag-celebrate kami sa bahay nina Luigi one-time, tapos bes nagkaasaran kami", panimula ko.

"O tapos? Buti hindi ka binigwasan", sabi nya.

Natawa ako sa sinabi ni Charm, "Hahahahaha. Gaga ka Charm! Babae naman ako noh!", sabi ko sa kanya.

"Hehe. Malay mo pumapatol pala sa babae yon si Luigi. Hehehe. Hindi sya napikon?", tanong nya habang ngumunguya. Dumating na kasi ang order namin.

"Napikon.......Hinalikan ako", mahina kong sabi.

"Whaat? WAAAAAAAA. Ayeeeeee! WAHAHAHA", sabi ni Charm.

Sabi ko na nga ba eh. Ganyan na naman magiging reaction nya.

"Nahuli kami ni Lolo at ng daddy nya", sabi ko pa.

"WHAAAAT? OH MY GOD! HAHAHAHAHA", sabi ni Charms, "ANONG NANGYARI BES? BWAHAHAHAHA"

"Bestfriend ba talaga kita?", naiirita kong tanong kay Charm.

Nagpigil sya bigla ng tawa nya, "Anong nangyari bes?", painosenteng tanong ni Charm.

At ang galing nya ha, ambilis mag-switch ng character.

Haynaku talaga....Sarap kutusan ng babaeng 'to.

"Yun", sabi ko.

"Anong YUN?", tanong nya.

Love Will Find A WayWhere stories live. Discover now