Chapter 17 [Part 4] - This Means War ****

Start from the beginning
                                    

Si Billy ilang araw na din hindi sumasabay ng lunch sa amin. Nalulungkot ako kasi alam kong umiiwas sya sa akin. At nami-miss ko na si Billy.

"Charm, kausapin mo naman ako o", malambing na sabi ko kay Charm pagkaalis ni Julia.

"Kinakausap naman kita ah", sabi nya sa akin.

Tumayo na ako sa upuan ko at hinawakan sa wrist si Charm, "MAGDE-DATE TAYO CHARMAINE ANDREA! SA AYAW AT SA GUSTO MO! MADAMI AKONG SASABIHIN SAYO!", sabi ko sa kanya.

Tinignan nya muna ako ng ilang segundo bago sya nagsalita, "Ok, fine!"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"OH MY GOD! YOU DIDN'T!", sabi ni Charm, kasabay ng pagpalo ng menu sa braso ko.

"Ouch!" - Ako

"Are you serious?", sabi ni Charm, nanlalaki ang mga mata nya.

Sinabi ko na sa kanya ang part na hindi ko kinwento tungkol sa horse-back riding event na pinuntahan ko. Ang alam lang nya si Luigi ang naging-guide ko at inilayo nya ako kay Rob, yun lang. Kasi yun lang naman ang kinwento ko dati sa kanya. Don nya nga ako sinimulang itukso kay Luigi eh.

Ngayon sinabi ko na ang tungkol sa kissing spree namin ni Luigi at ang iba pang intimate na nangyari. 

"Oo, seryoso", sabi ko.

"Sure ka hindi masakit yung 'toot-toot' mo nung pag-gising mo kinabukasan?", nakakunot noong tanong ni Charm.

"Oo bes, hindi", sabi ko sa kanya ng mahina.

"Baka hindi natuloy bes", nag-aalangang sabi ni Charm.

"Ewan ko, basta hanggang don lang naaalala ko", sabi ko ng nakasimangot.

"Basta hindi talaga masakit?", mahinang tanong ni Charm.

Tumango ako kay Charm, hindi na ko makapagsalita dahil nahihiya na ako.

"Baka nga hanggang don lang. Baka hindi natuloy. Diba masakit daw yun. Unless........ toothpick yung kay Papa Luigi", sabi ni Charm, nagpipigil sya ng tawa.

"Gaga ka talaga Charm! Baliw ka!", sabi ko naman sa kanya. Natawa tuloy ako.

"Bakit kasi tinulugan mo bes?! Sobrang lasing ka ba? Napagod ka? O baka nagbyahe ka na papuntang heaven kaya nakatulog ka? Panigurado nabitin yun si Fafa Luigi! Bwahahaha! Yay! Ano ba 'tong pinagi-iisip ko? Nyahahaha", sabi ni Charm, namumula ang buong mukha nya.

"Charm!", saway ko sa kanya.

"Hahaha. Eh bakit kasi hindi mo tanungin si Luigi kung natuloy ba? Bwahahaha", sabi ni Charm.

"ADIK! Ang adik mo Charm! Ayoko nga syang kausapin tungkol don! Siraulo ka talaga Charm!", naiinis kong sabi sa kanya.

Love Will Find A WayWhere stories live. Discover now