Chapter 2: Pain reliever

Start from the beginning
                                    

Mommy D: ’Nak, anong nangyari sa’yo? Bakit pulang-pula yang mata saka ilong mo?

Sarah: Runny nose My...

Mommy D: Mag-calamansi juice ka after breakfast, ‘wag ka na mag-coffee.

Sarah: Opo...

 

Habang kumakain...

Daddy D: Anong oras nga pala umuwi si Matt? Hindi na namin napansing nagpaalam.

Sarah: Ah...Nagmamadali po kasi, Dy... May urgent matter ata dun sa isang business niya (Pagsisinungaling ko).

Daddy D: Ah ganun ba? Oo nga pala... Nagtatanong si Ate Shine mo, kung matutuloy na sumama sa atin si Matt sa Paris this Christmas. Inaasikaso niya na raw yung reservation sa lodging, paubos na raw kasi...

Sarah: Ah... sige po... tanungin ko po muna ulit siya... Akyat muna ako, sumasakit po yung ulo ko ih.

Mommy D: Sige ‘Nak, ipapanik ko na lang yung juice.

Sarah: Thanks My...

Day 2

 

Rehearsal namin for ‘ASAP’ and all of us is busy congratulating Ms. ZsaZsa. She just came back from their honeymoon abroad; she and her 2 years boyfriend Conrad tied the knot last month.

Sarah: Congrats Ms. Zsa!

Ms. Zsazsa: Thanks Sars! (Sabay yapos nito sa akin) Kayo ba kailan, ha? (Panunukso nito)

I was stunned and I felt that hot fluid stroked my chest.

Sir Martin: Malapit na yan... But I still can’t imagine my baby Sars getting married. Pero okay na rin sa akin basta isa ako sa wedding singer ha?!

Sarah: Sir Martin talaga...

Sir Martin: Hindi pa rin ba nagpo-propose? Ang hina naman ni Matt.

Eric: Ilang beses na Kuya, kaso busted dito kay Sars, haha!

Sarah: Kuya Eric! Ano ba...

 

Habang patuloy ang tuksuhan, lalo lang lumalalim yung sakit... yung sugat.

Pagdating sa bahay, biglang tumunog ang message alert tone ng IPhone ko (Pasensiya na sa Cherry Mobile, IPhone po talaga ang gamit ko).

Para akong tanga sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

‘Pag check ko noon ay ang lecheng message mula sa Globe, saying I got some reward points that I can convert to some call freebies. Leche lang! (Sorry... Endorser nga pala ako ng Globe)

Hindi naman ako nag-e-expect na tumawag siya o magtext after naming mag-break.

Pero ang sakit-sakit lang na malamang wala talaga... kahit isang message man lang...

Lock & Luck (A futuristic reality...)Where stories live. Discover now