Unang Kabanata: The Interview

9 0 0
                                        


"Excuse me, pwede ka bang maabala kahit ilang minuto lang?"
Suki na ako ng malinis at maaliwalas na parkeng ito dito sa aming bayan. Tila sinisimbolo kasi ng lugar na ito ang mala-paraisong kalikasan. Halos kakaunti lang ang mga taong namamasyal dito. Kaya nga't nu'ng medyo nakulitan ako, pumayag akong magpa-interview. Sino ba namang hindi mapapangiti at sasabihing "Sige, why not." Eh, napakagandang binibini na ang lumalapit di ba?
"Gumagawa ka pala ng kanta?" Napansin niya yata 'yung mga papel na nasa harapan ko. Puro nota at mga lyrics kasi ang nakalagay.
"Ito na kasi 'yung nakasanayan kong gawin. Parang hobby ko na nga lang ang mag-compose ng kanta eh."
"Ganu'n ba! Matagal ko na rin kasing napapansin na halos linggu-linggo ay nandirito ka. Ngayon alam ko na, bukod sa magaggandang tanawin at kawili-wiling pagmasdang mga halaman, I think, this is the right spot for some songwriters na tulad mo."
"Yup! Parang ganito kasi 'yung mga lugar na pinapasyalan ng mga bida sa mga koreanovela eh. Isa pa, malayo sa ingay at usok. Ah... pwede na ba tayong magsimula?" Parang naiilang tuloy akong magsalita. Paano ba naman, mga mata palang niya ay parang nangungusap na.
"Oo nga pala, isa akong kolumnista ng isang magazine. Melissa Miranda..."
"Melissa Miranda? 'Yung sikat na kolumnista sa 'Forever Romance Magazine'? It's my pleasure to meet you." Nag-umapaw ang munti kong kasiyahan nang mahawakan ko ang kanyang mga kamay. Kahit sandali ko lang itong nahawakan, malambot din pala 'yung kamay ng isang kolumnista. Sa pagtayo ko, nasagi at nahulog ko tuloy 'yung mga piyesa.
"Tutulungan na kita." Ang sweet di ba? Pero parang ipinako niya 'yung kanyang paningin du'n sa piyesang hawak niya.
"Hindi ba't ito ang awiting 'Unang Pagtatagpo'? Huwag mong sabihing..." Gano'n na ba talaga kapopular 'yung kantang 'yon? Kung sabagay, palagi nga itong pinatutugtog at napapakinggan sa radyo.

(Itutuloy...)

TADHANA: UNANG PAGTATAGPOStories to obsess over. Discover now