Luisa: "Alam ko na, sasabihin natin sa buong bayan ang nangyayari. Sa ganung paraan ay maraming tutulong sa inyo at hindi na kailangan pang malagay sa panganib ang buhay ni Joshua."

Mon: "Yan ang hindi mo dapat gawin, Luisa! Kapag ibinunyag mo sa buong bayan ang tungkol sa diablong iyon ay hindi malayong mabunyag din ang sikreto ng buhay na walang hanggan at kung paano ito makakamit ng isang tao! Kapag nalaman ito ng mga taong sakim sa ganitong kapangyarihan ay hindi malayong magtangka silang palayain uli ang mga diablo sa oras na maikulong sila! Mawawalan rin ng saysay ang gagawin ni Joshua!"

Luisa: "E, ano nang mangyayari ngayon nyan?"

Mon: "Umasa na lamang tayo na magagawa ni Joshua ang tungkulin nya."

Joshua: "Ipinapangako ko po, tita, magtatagumpay ako kahit na anong mangyari."

Napaluha na lamang si Luisa.

Luisa: "Ano na lang ang sasabihin namin sa papa mo kapag napahamak ka?"

Joshua: "Paki sabi na lang po na ginawa ko ito para sa kanila at para sa inyong lahat."

Luisa: "Sana ay hindi ka mapahamak sa gagawin mo. Ipagdadasal ko ang kaligtasan mo."

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Luisa.

Luisa: "Nag'text ang tito Sam mo. Medyo gagabihin daw sya ng uwi dahil nagkaaberya daw sa pinuntahan nya."

Joshua: "Mukhang hindi na ho ako makakapagpaalam kay tito Sam,"

Luisa: "Wag mong sabihin na mamayang gabi mo na 'yon balak gawin?"

Joshua: "Kung patatagalin ko pa ho ito ay hindi malayong tuluyan na kayong mapahamak at ang magiging pinsan ko. Pasensya na po pero hangga't may panahon ay dapat ko na itong gawin at tapusin!"

Niyakap ng mahigpit ni Luisa ang kanyang pamangkin.

Luisa: "Napakaswerte ng mga magulang mo sa'yo. Napakabait mo kaya alam kong hindi ka pababayaan ng diyos. Nasa likod mo lamang sya. Makakaligtas ka!"

Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na rin sila kay Luisa. Pero bago sila umalis ay binalaan muna nila ito na huwag haharap sa salamin o sa kahit na anong bagay na nakakapagdulot ng repleksyon hangga't hindi dumarating si Samuel. Batid naman ito ni Luisa. Ipinalangin na lamang nito na sana ay ligtas silang makabalik.

Nang makaalis ay tumuloy uli sila Joshua sa bahay ni Mon.

Joshua: "Bago tayo magpatuloy papunta sa kagubatan ay dapat ko muna sigurong kausapin ang isang taong napakahalaga sa akin,"

Mon: "Sa tingin ko nga,"

Umalis muna si Mon.

Kinuha naman ni Joshua ang kanyang Cellphone at hinanap ang number ng taong tatawagan nya. Pinindot nya ang call button at ilang sandali lamang ay sumagot na ang tinatawagan nya.

Joshua: "Hello, Eumi?"

Eumi: "Josh? Salamat at tumawag ka! Alalang-alala na ako sa'yo! Kamusta na? Ano nang nangyari? Babalik ka na ba dito?"

Joshua: "Sa tingin ko ay hindi na ako makakabalik pa dyan. Ikinalulungkot kong sabihin pero ito na siguro ang huli nating pag-uusap."

Eumi: "Wag ka ngang m-magbiro ng ganyan? Di ka nakakatuwa!"

Joshua: "Patawad Eumi pero lubha talagang mapanganib ang gagawin ko. Ang bawat pagkilos ko ay maaaring magdala sa'kin sa hukay. Kahit sa huling pagkakataon sana ay gusto kong marinig ang boses mo at sabihing mahal mo ako. Dahil ako, walang katumbas ang pagmamahal ko para sa'yo. Ikaw ang buhay ko. Siguro nga ay hindi talaga tayo para sa isa't isa. Kahit mawala man ako ay magpatuloy pa rin sana ang buhay mo. Makakakilala ka pa ng bagong lalaki na mas magmamahal sa'yo at magpupuno ng kung ano man ang kakulangan ko sa'yo. I love you and goodbye."

Hindi naman maiwasang umiyak ng kausap nya.

Joshua: "Please, huwag ka nang umiyak, Eumi, mas lalo lamang akong nasasaktan kapag naririnig kitang umiiyak. Lagi mo sanang isipin na gagawin ko ito para sa iyo at sa lahat ng mga mahal ko."

Eumi: "I hate you Josh! Sinabi mo sa'kin na pakakasalan mo ako tapos babalewalain mo lang? Hindi mo ba talaga iniisip ang mararamdaman ko kapag nawala ka? Sa tingin mo ay may gana pa akong mabuhay kung wala ka na?"

Di na rin napigilan pang lumuha ni Joshua.

Joshua: "Ayos lang sa'kin kung magalit ka, sumbatan mo 'ko, kamuhian o ipagkanulo mo ako. Lahat ay gagawin ko mailayo lamang kita sa kapahamakan. Kahit ayokong mapalayo sa'yo ay umalis pa rin ako dahil 'yon ang dapat! Wala akong ibang hinangad kundi ang kaligtasan mo. Gusto kong marinig sa'yo na mahal mo rin ako pero sa tingin ko ay hindi ko na iyon maririnig pa. I'm sorry pero magpapaalam na ako. Bye,"

Tangkang puputulin na ni Joshua ang tawag pero kaagad na sumagot si Eumi.

Eumi: "Josh, please, wag mong ibaba."

Pinakinggan uli ni Joshua ang sasabihin ni Eumi.

Eumi: "I'm so sorry kung nasabi ko 'yon sa'yo. Nadala lamang ako ng aking emosyon."

Joshua: "Wala kang dapat na ihingi na tawad. Sana ay maintindihan mo ako. Kayo ang nagsisilbing pag-asa ko. Sa inyo ako humuhugot ng lakas para magpatuloy. Kahit na anong mangyari ay lagi mo sanang tatandaan na . . . MAHAL NA MAHAL KITA. Ikaw lang ang buhay ko at wala nang iba."

Tuluyan namang humagulgol ng iyak si Eumi.

Eumi: "Hindi ka mamamatay! Ayoko! Please, ngayon ka na mangako sa'kin, Babalik ka!"

Joshua: "Pasensya na pero hindi ko talaga maipapangako yan. Ang tanging hiling ko na lamang ngayon ay ang marinig ko sana mula sa'yo na mahal mo ako."

Eumi: "Josh,"

Joshua: "Please, Eumi? Kahit sa huling beses man lang,"

Eumi: "I . . . I LOVE YOU, JOSH! Mahal na mahal din kita kaya ayokong mapahamak ka!"

Joshua: "Maraming salamat. Isang masayang alaala ang babaunin ko. Ang alaala ko sa'yo. Ikaw lamang ang mananatiling Eumi ng buhay ko."

Eumi: "Naniniwala akong may pag-asa pang magkita tayo! Alam ko Josh!"

Joshua: "Sana nga. At kapag nangyari 'yon, ako na siguro ang pinakamasayang lalaki sa mundo."

Eumi: "Ganun din ako."

Joshua: "Maraming salamat! Salamat at nakilala kita. Salamat at naging parte ka ng buhay ko. Salamat at nagkaroon ng liwanag ang madilim kong mundo. Salamat at minahal mo ako."

Eumi: "Ipinagpapasalamat ko din sa diyos na nakilala kita Joshua. Naging masaya din ang buhay ko nang makilala kita. Hindi pa ito ang huli! Alam ko!"

Joshua: "Sana nga hindi pa ito ang huli. Paalam na at mag-iingat ka sana."

Tuluyan na syang nagpaalam kay Eumi.

Mayamaya ay dumating na uli si Mon.

Mon: "Tapos ka na ba?"

Joshua: "Oo, kuya Mon."

Mon: "Bago tayo tuluyang magtungo sa gubat ay kailangan mo munang sanayin ang iyong sarili. Gusto kong gawin mo ang pinakamabilis mong magagawa sa pagguhit ng simbolo." kumuha sya ng tinta at papel at iniabot kay Joshua, "Dyan ka muna magsanay. Mahaba pa naman ang oras natin."

Joshua: "Naiintindihan ko."

Sinunod nya ang sinabi ni Mon.

Nang sumapit na ang gabi ay nagpasya na silang tunguhin ang gubat upang simulang kulungin ang diablong si Helga.

~>Itutuloy . . .

.

.

.

.

.

Magtagumpay kaya si Joshua sa gagawin nya?

Makakaligtas kaya sya para sa minamahal nyang si Eumi o tuluyan nang matatapos ang lahat para sa kanila?

Abangan ang huling kabanata ng DIABLO SERIES I.

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora