Chapter 14

18.8K 308 12
                                    

PAGKATAPOS iabot kay Charito ang isang canned fruit juice ay mistulang isang huradong naupo sa tapat niya si Ade. Dumekuwatro pa ito at humalukipkip habang nakatingin sa kanyang mukha. Nailang tuloy siya.

"Wh-what?" aniya.

"State your case, Charito."

"How could I when you're looking at me like I'm a freak?"

Humalakhak ito nang malakas. Naroon na sila sa unit nito. Mukhang hindi pa ito inaantok, bagaman halos alas-tres na ng madaling-araw. Siya naman ay hindi pa rin inaantok, paano ay anxious siya sa mangyayari.

"Out with it. Ano'ng problema?"

"'Di ba, tinatanong kita kanina kung ano'ng tingin mo sa akin? Ano ba ang tingin mo sa akin?"

"As a person?"

"Yeah."

Sumeryoso ang mukha nito. "Hindi ko alam kung bakit mo itinatanong 'yan. But if anyone made you feel bad about yourself, then just tell me, okay? You're one of the best people I know, Char. At hindi ko lang sinasabi 'yan dahil magkaibigan kami ng kuya mo o dahil business partners tayo. I see you as a good person. That's God's honest truth."

Tila naman may humaplos sa puso niya sa sinabi nito. "T-thank you."

"What's the deal with this, anyway?"

"Nagtatanong lang naman ako. Sa tingin mo ba, Ade, kung sakaling ikaw ang lalaking 'yon, magugustuhan mo ba ako?" lakas-loob na tanong niya.

Tumawa ito. "So that's it? May crush ka?"

"I don't think this is a simple crush. And what's so funny?"

"Wala lang." Nagkibit ito ng mga balikat. "You're in love? With who?"

"Answer my question, would you like me?"

"Of course! You're pretty, you're smart, you're witty, you're lovely and you're a sensational cook." Lumapad ang pagkakangiti nito.

Sumisikdo na ang kanyang dibdib sa puntong iyon. Pakiramdam niya ay nag-aawitan ang mga anghel. "So what's holding you back?" wala sa sariling sambit niya.

"Eh?" Biglang nagsalubong ang mga kilay nito. "Oh, my God, did I hear you right? Charito, d-did you just say what I thought you did?"

"N-no."

"Are you sure?" Bakas sa mukha nitong hindi na ito komportable sa usapan.

"Y-yes," aniya sa mahinang tinig. Hiling niyang sana ay bumuka ang sahig at kainin siya ngayon din. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Hindi na healthy iyon. Paano ay wala nang laman ang isip niya kundi si Ade na lamang. In love na in love na siya rito at naapektuhan na ang kanyang pag-iisip!

"G-good. 'Cause you freaked me out a little bit." Ninenerbiyos na tumawa ito. "So, who's the lucky guy?"

You, sagot ng isip niya. Ngunit siyempre ay hindi niya iyon nasabi. "H-hindi mo siya kilala. Forget about it. Kalimutan mo na ang lahat ng sinabi ko." Tumayo na siya. Nag-iinit ang sulok ng kanyang mga mata. Natakot ito sa kanya. inamin nito mismo iyon sa kanya. Kung bakit naman may nadama siyang kirot dahil doon. Dapat ay inasahan na niya iyon. Iyon naman talaga ang kinatatakutan niya.

"C'mon, who is it?"

"F-forget about it." Nagtuloy na siya sa silid niya. Dumiretso siya sa kanugnog na banyo at doon ay ibinuhos ang kanyang mga luha.

Ang Aking Happy Ending  by VanessaWhere stories live. Discover now