Chapter 12

19.2K 305 5
                                    


 "IS ADE gonna be here?" tanong kay Charito ng isang babaeng singkinis ng plato nila ang kutis. Mahaba ang buhok nito, slim, mukhang modelo bagaman nasisiguro niyang hindi pa niya ito nakikita saan mang patalastas, sa TV man o sa magazine.

"No, he's not," nakangiti namang tugon niya. "Do you know him?"

"Do I know him?" Lumapad ang pagkakangiti nito. "Darlin', I'm in love with him." Humalakhak ito. "He's so cute."

"Uh-huh," tanging sambit niya.

Tinapik nito ang kamay niya. "I would do anything to have a date with him. Akala ko nga, nandito siya. Anyway, you're here naman, at alam kong ikaw ang business partner niya. I saw your interview. Okay lang bang magtanong ako sa 'yo?"

"Sure."

"What is he like?"

"Hmm... Ano nga ba?" Bahagyang napangiti siya. Hindi naman siya nakakadama ng inis sa babae. Halata naman kasing wala ring kaalam-alam ito tungkol kay Ade. Malamang na nakita lamang nito ang binata sa istasyon o kung saan man. "He's nice. He's very nice."

"I heard that, too. What else? What would I do for him to like me?"

"I don't know." Nahihiyang ngumiti siya. Kung alam lang sana niya ang sagot doon, marahil ay ginawa na niya noon pa.

Mukhang wala na ring maitanong ang babae. Marahil ay alam nitong wala rin itong makukuhang impormasyon mula sa kanya. Um-order na lamang ito. Iniwan na niya ito roon. Naisip niya na kung maraming mga babaeng tulad nito, marahil ay sanay na si Ade sa dami ng nagpapa-cute dito.

Mas lamang siya sa mga babaeng iyon sapagkat mas kilala niya si Ade. Mas may access din siya sa buhay nito. They were business partners. Bukod pa roon, maaari siyang maglabas-masok sa bahay nito sapagkat may susi siya.

Bakit nga ba hindi niya iyon gamitin sa kanyang advantage? Or else baka maunahan na siya ng iba. Katulad na lamang ng babaeng iyon na masakit man aminin sa ego ay lamang sa kanya nang isandaang paligo.

Sabi siya nang sabi sa kanyang sarili na ipapakita kay Ade na hindi siya kapatid lamang nito ngunit wala naman siyang ginagawang hakbang para makita nga nito ang punto niya. Sukat napaisip siya. Mayamaya ay tinawagan niya ito.

"Yes, partner?" anito.

"Anong oras ka makakauwi?"

"Ten siguro. Bakit? Dadaan ako riyan, don't worry. Ihahatid kita pauwi ngayon."

"No. Umuwi ka na lang, 'wag ka nang dumaan dito."

"Ayoko ngang mag-taxi ka."

"Hindi ako magta-taxi. Basta umuwi ka, may surprise ako sa 'yo."

"What's up, Char?"

"Just do it!" Ibinaba na niya ang awditibo. Dumiretso siya sa kitchen. Naisip niya, parati na lamang ganoon ang kinakain ni Ade o kung hindi man ay nagte-take out ito sa restaurant. Mas maganda marahil na ipagluto niya ito ng mga paborito nito.

Sa sumunod na oras ay naging abala nga siya sa pagluluto na mukhang ikinapagtaka naman ng kitchen staff. Pagkatapos ay inilagay na niya sa Styrofoam ang mga iniluto.

Wala namang gaanong tao nang gabing iyon sa restaurant. It was a Tuesday evening. Kaya na ng staff kahit wala pa siya roon. Kumuha siya ng taxi at nagpahatid na sa gusali ni Ade. It was only nine in the evening.

Naghanda siya ng mga pagkain sa mesa, pagkatapos ay ang sarili naman niya ang kanyang inayos. May mga damit na rin siya roon dahil madalas ay doon na siya nagpapalipas ng gabi. Ang isang revealing na pulang dress na karaniwan ay pinapatungan niya ng blazer ang kanyang isinuot. Nagpabango rin siyang maigi, naglagay ng banayad na makeup.

Ang Aking Happy Ending  by VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon