Chapter 20

8.9K 180 2
                                    

"HOW DO you find Dan-dan, JT?"

"She's different." Awtomatikong iyon ang naisagot ni JT sa katanungan ni Karen. Napangiti siya.

"Are you in love with her?"

Kumunot ang kanyang noo. Sa tingin niya ay wala nang pakialam doon si Karen. Masyado nang personal iyon. Ganunpaman ay tumugon siya. "Maybe."

"It's good that you're not sure. I'm saying this with a lot of love, take note—I don't think she will ever love you in the level you want her to."

"What?"

"Ilang ulit ko na siyang pinagsabihan, ayaw niyang makinig. Siguro, magandang ikaw na lang ang bilinan ko. I care a lot about that girl there. But I think she's going to be miserable if she keeps this up. What you told me bothered me a lot. 'yong gimmick ninyo kagabi."

"Look, I know it's my fault that I let her drive—

"Not that it's hard to explain some things about her. She's very complicated. just trust me when I tell you not to chase her. Don't do that. I know men love the chase, but if she tells you to back off, back off you should."

Sa puntong iyon ay salubong na ang mga kilay ni JT. sino ba ang babaeng ito na nagbibigay ng unsolicited advice? Ano ba ang pakialam nito sa kanya? she was not even his friend. Ikalawang pagkikita pa lamang nila iyon. But something was telling him he should listen to this woman

"Do you understand me, JT?"

"I don't think so."

Noon dumating si Dan-dan. tumayo na rin si Karen at nagpaalam. Pinagmasdan lamang niya ang dalaga. Tahimik lamang ito. Kagabi nang magkita uli sila, naisip niyang baka sadyang pinagtatagpo sila. There was something drawing them together. He thought it was something he had no control over. Ngayon, naisip niyang baka naman binigyan lang ng kung anong kahulugan ang simpleng coincidence.

Siguro dahil kagabi ay tuwang-tuwa siyang magkasama silang muli, kahit pa nga muntik na silang maaksidente at maghiyawan ang mga buto niya sa kakapasan sa dalaga. Hindi nabago ang epekto ni Dan-dan sa kanya. ang sayang dulot nito ay hindi na yata mawawala. He loved waking up to her face. He loved pleasing her. Was he in love? The only thing that was making him think maybe not was the fact that he had only met her.

"How about dinner tonight, Dan?" nakangiting sabi niya. To hell with what that Karen said.

"I don't think that's good idea."

"Why not?"

"Because I still haven't changed my mind— I don't like to date."

"So last night—

Was not a date."

Biglang-bigla ang pag-iini ng ulo ni JT. sure she said before they left that they were just going to hang out but why was she playing games with him? Matino naman siyang tao. He deserved more than that. And he wanted more than that. Ngunit mukhang wala itong balak ibigay sa kanya.

Now what Karen said made sense. Why would he keep chasing this crazy woman anyway?

He stood up, didn't say anything, and left. 

Ang Misteryo ng Maldita  by VanessaWhere stories live. Discover now