PROLOGUE

42.1K 549 3
                                    

INIHIMPIL ni JT ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada. Sinipat niya ang relo. Alas-tres y medya ng hapon. He was half an hour early.

Magkakahalo ang nadarama niya. Kinakabahan

siya, natatakot, nasasabik, Tatlong buwan ang parang

taong lumipas sa buhay niya. For the past three months,

he had been waiting for that day. And it had finally

come.

God, please let her show up.

Tahimik na naghintay si JT sa sasakyan. Bawat

dumaraang sasakyan ay nakapagdudulot sa kanya ng

mas matinding pananabik. Until the clock hit four. Mas

lamang na ngayon ang pangamba sa kanyang dibdib.

Bumaba na siya ng sasakyan at nilakad ang gilid ng

kalsada, patungo sa isang spot malapit sa ilang na

karatula sa daan.

He stood there for a full half hour before the rain

began to pour. Parang nakikiisa ang panahon sa nadarama niya. Kahit nabasa na siya ay nanatili siya

roon. Pinagdedebatihan niya kung kukunin na ang

ipinunta niya roon o patuloy na maghihintay para sa

isang taong hindi niya alam kung darating pa.

He decided after a while it was best to take what

he came there for. Lumapit si JT sa harang sa gilid ng

bangin at isa-isang inalis ang patong-patong na bato

roon. And there was that dirty plastic bag enclosing a

wooden jewelry box. Bumalik na siya sa sasakyan at

nanlalatang inalis iyon mula sa plastic. Finally, he saw

the letter he had been dying to read.

Pagkatapos niyang basahin ang sulat ay luminga-

linga siya sa paligid. He waited still. He waited until it

was already dark. And he figured the person he was

waiting for was never going to show.

"You really are a coward," mapait na sambit niya.

Ang Misteryo ng Maldita  by VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon