Chapter 2

15.5K 319 1
                                    

NAKAMASID lamang si Paola Danica sa lalaking

kasama niya sa motel habang tinatangay ito ng mga

pulis. Daig pa niya ang naka-drugs. Groggy pa siya.

Ang bigat -bigat ng kanyang ulo at parang naduduwal

siya na hindi niya maunawaan.

"Sir, ano'ng nangyayari?" tulirong tanong ng lalaki.

"Dan-dan, tatanungin uli kita. Kilala mo ba ang

lalaking ito?" tanong sa kanya ng Tito Vincencio niya.

Ito ang ama ng kanyang best friend at isang retiradong

pulis. Ito rin ang may-ari ng motel na iyon .

"Hindi po. Hindi ko po kilala 'yan," tugon niya,

tutop ang noo. Wala pang ilang minuto nang magising

siya sa munting tapik sa kanyang pisngi. Nang magmulat

siya ay si Tito Vicencio ang nagisnan niya. Kung hindi

pa niya nakita ang menu ng motel ay hindi niya

malalamang naroon pala siya sa isa sa mga silid doon.

Kaagad siyang tinanong ng butihing matanda kung

kilala niya ang lalaki. Nang sagutin niya ng "hindi" ay pinosasan na nito ang lalaki. At hayun nga, muli siyang

tinanong na sinagot naman niya sa abot ng kanyang

makakaya, kahit parang nais niyang humiyaw sa sakit ng kanyang ulo.

"Sige, damputin na 'yan," wika ni Tito Vincencio. "Hija, magpahinga ka muna. Ako na ang bahala rito.

Mag-uusap tayo kapag bumuti-buti na ang pakiramdam

mo."

Tumango na lamang si Dan-dan, masamang-masama pa rin ang pakiramdam. Kahit gumuho ang mundo, wala siyang gagawin kundi bumalik sa pagkakahiga, kung hindi ay mamamatay siya. Iyon ang pakiramdam niya.

"Sir, baka puwedeng pag-usapan 'to," wika ng

lalaking naka-briefs lang. Pilit na itong inilabas ng silid ng mga pulis. Ang isa sa mga iyon ay ibinato pa sa lalaki ang damit na malamang ay pag-aari nito. Siya ay nahiga na at nang maipikit na uli ang mga mata ay agad nang nakatulog.

Nang muling magising si Dan-dan ay payapa na ang paligid. May pagkain sa bedside table at maliit na note mula sa Tito Vincencio niya. She felt filthy and nasty. Nagtuloy siya sa banyo. Masakit pa rin ang kanyang ulo ngunit nang mag-shower siya ay guminhawa nang bahagya ang kanyang pakiramdarn.

Walang ibang choice si Dan-dan kundi ang isuot ang mabaho nang mga damit niya. Napapalatak siya nang unti-unting maalalang nalasing siya nang nagdaang gabi. No, hindi nalasing. Naglasing. At bagaman hindi niya ganap na naaalala ang mga nangyari sa kanya, mayroon siyang pabugsu-bugsong alaala tungkol sa isang. lalaking nakasama niya...

Was that really Harold?

Napailing si Dan-dan. Of course, it wasn't Harold. Harold passed away two years ago. Death anniversary nito nang nagdaang araw. It was the main reason why she drank alone and decided to walk the city streets, like they did back then. Ang kaso, noong sila ang naglalakad, hindi nila ginagawa iyon sa kalsada sa lungsod kundi sa tahimik na kalye ng subdivision kung saan nakabili si Harold ng magiging bahay sana nila.

Kaagad na iniangat ni Dan-dan ang telepono at tumawag sa ibaba. Hindi nagtagal at naroon na ang Tito Vincencio niya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala,

Ang Misteryo ng Maldita  by VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon