💉 MA 3 : Chapter sixty four - Panic

Start from the beginning
                                    

"Hindi naman sa ganun pards kailangan mo lang talaga kumalma." At inilibot ni Jullius ang paningin nito sa kalapit na mga quarantine bed. "Nasaan si Cedrick at si Dominic?" Kunot noo nitong tanong.

"Iyan din naman ang gusto ko itanong sa mga matatandang iyon."

Kahit na kinakabahan at wala sa sarili na napapaisip si Mark at Jullius itunoon na lamang nila ang oras nila sa paggising sa isa pa nilang kasama.

"Shit! Ayaw gumising ni Cathy! Bakit ba kasi hindi tayo makagalaw?" Inis na sabi ni Jullius.

"Tanga pards malamang nakatali tayo."

At dahil sa sinabi ni Mark ay doon lang napagtanto ni Jullius na nakatali nga silang tatlo sa quarantine bed. Napaisip naman si Jullius na para silang mga baliw na nagwawala at walang magawa ang mga nurse kundi ang itali sila sa sarili nilang kama.

"Hihintayin ba natin sila na makapasok ulit dito?" Tanong ni Jullius sa leader nito.

"Kung hindi tayo makakatakas dito sa lalong madaling panahon edi kailangan natin na maghintay. Pero hindi maganda kung magtatagal tayo dito dahil parang magiging lab rat tayo dito."

Tumingin sila sa paligid at nakita naman nila abg samu't saring mga kagamitan na ginagamit sa pag-eeksperimento. Hindi sila kasali sa research team pero kahit papaano ay pamilyar naman sila sa mga kagamitan na ginagamit ng mga kaibigan nya, kagaya na lang Microscope, scalpel, beaker, test tube at iba pa. 

"Alam mo pards parang mas gusto kong umalis dito sa madaling panahon." Bakas ang kaba sa boses ni Jullius.

Oo isa sila sa miyembro ng mission team pero hindi pa rin maiaalis sa kanila ang kabahan. Hindi nila alam kung ligtas ba sila sa lugar na kinatatalian nila sa ngayon.

"Pards." Tawag ni Mark at tumingin ito kay Jullius. "Hindi kaya hawak tayo ng Red Organization?"

Hindi maitago ang takot sa kanilang mga mata dahil ang ideyang iyon ay hindi imposible.

"Ha-ha. Pards walang ganyanang biro. Oo, mga mukhang matatalinong scientist naman ang mga gurang na iyon pero hindi naman ata sila part ng Red Organization di ba?" Pagpapanatili bi Jullius sa pagiging magandang isip nito.

"Hindi natin alam." Tiningnan nya naman si Cathy. "Sure ako magwawala iyan kapag nalaman nyang wala dito si Cedrick."

"Agree din ako jan, pards. Hindi mapaghiwalay ang dalawang iyon simula ng makita natin sila." Pag sang-ayon ni Jullius. "Sabi nila wala naman daw silang relasyon pero bakit iba ang nakikita ko? Alam mo yung parang sa inyo ni Kass noon?"
Dahil sa pagbanggit ng pangalan ng nobya ay kaagad na kinakitaan ng pagkalumbay ang mga mata ni Mark. Hindi nya alam kung ano na ang nangyari sa mahal nyang si Kass, hindi nya rin naman ito makausap dahil sa hindi sila magkasama. Miss na miss nya na ito.

"Oy pards, namimiss mo na naman si Kass?"

"Malalaman mo rin kung ano nararamdaman namin nila Senior Marvin at Henry kapag nagkagirlfriend ka na."

"Malabo ata yan pards." Natatawa namang sabi ni Jullius. "Pero kung aamin ako, baka. Baka may pag asa."

Hindi na sila nag usap pa at maya maya naman ay narinig nila ang mahina na lagdaing ni Cathy sa kanyang higaan.

"The heck? Bakit ako nakatali?" Gulat na sabi ng babae at halata naman na hindi niya ito nagustuhan. "Cedrick! You damn moron! Pakawalan mo ako dito!"

Isang turista si Cathy sa isla at nalaman nya itong isla dahil sa kanyang ina na kalahating pilipino.

"Cathy calm down." Agad na sabi ni Mark na wala man labg kaemo-emosyon.

"Heck! Mark? Jullius? Nasaan si Cedrick?"

"Hindi namin alam Cath. Paggising namin tayong tatlo lang ang nandito." Agad na sagot naman ni Jullius at kumunot naman ang noo ng dalaga.

"Nagising? You mean... Wait."

Inalala nu Cathy ang nangyari bago ito mawalan ng malay. Hinahabol sila ng runner at medyo pagod na rin makipaglaban si Mark at Jullius lati na rin si Dominic at Cedrick pero pinilit pa rin nila. Nang mapunta sila sa gilid ng ilog ay para bang nakahinga sila ng maluwag dahil nawala ang runner na humahabol sa kanila pero bigla silang nawalan ng malay.

"Mukhang wala ka rin alam sa nangyari."

"Malamang Mark pare parehas lang naman tayo na nawalan ng malay." Pagtataray nito at tumingin sa paligid. "Are we going to be a lab rat? Pero asan si Cedrick! Oh my gosh! ANO BA PAKAWALAN NYO KO DITO! MAY TAO BA JAN BUKOD SA DALAWANG DAMUHONG TO? TAO PO!?! SHIT PAKAWALAN NYO KO!"

Nagkatinginan si Mark at si Jullius at hindi na nagsalita. Sanay na sila sa ugali ni Cathy at sigurado sila na kapag nagkita kita sila kasama sila Akesia panigurado na si Yana at Kass ang makakasagutan ng babaeng to.

"Will you please shut your damn mouth?" Inis na sabi ng kararating lang na matandang lalaki.

"And who the hell are you to talk to me like that? You damn scientist! Untie me!"

"You lady please be careful with your words. Tongue is like a knife that can cut a person into pieces." Sabat naman ng isa.

"Pieces your shit! Untie us! What do you need from us!?"

Ang isa namang matanda ay napabuntong hininga na lang. "I'm Professor George and this is Professor Jeovani and Professor Roberto. We came here to help you so please bare with it this time."

"Help us?" Tanong ni Mark at nag nod naman si Jeovani.

"Yes, our team might not be the same as those kids but we are responsible for the observation process. We just saw you all near the river and we have no idea if you've been scratch nor bitten." Agad naman na paliwanag ni George at nagets naman agad ito ng dalawa, ni Jullius at Mark. 

"Heck! I don't care! Untie me!" Galit naman na sabi ni Cathy at napailing naman si Roberto sa inasta ng dalaga.

"Young lady we can't do that. Just say whatever you want but it wont change our decision. It's an order from the head of this situation." Dinig naman ang inis sa boses ni Roberto na napupuno na sya sa dalaga.

"Untie me!"

"We wont. We'll not going to take a risk, we're not going to sold our safety with that damn attitude of yours." Sagot naman ni Roberto. "Let's start so we can finish this observation as soon as possible."

Kinabahan naman sila Mark at Jullius dahil sa mga narinig nila at nagkatinginan naman ang dalawa.

"Mukha atang tama ang sinabi mo sakin pards." Kinakabahan na sabi ni Jullius kay Mark.

"Obserbasyon lang naman ang kailangan nila di ba? Iyon lang ang narinig ko." Wala pa ring emosyon na sinabi ni Mark sa kaibigan nito.

"Heck! Ano okay lang sa inyo to ha? Jullius? Mark?"

"Tahimik ka na lang Cathy please? Wala naman magagawa yang kakasigaw mo. Gaya ng sinabi nila hindi nila tatayo papakawalan hangga't hindi tayo ligtas." Medyo naiinis na rin na sabi ni Mark at sinamaan naman sya ng tingin ni Cathy.

"Sa tingin mo ba tatahimik lang ako ng ganun ganun? Wala dito si Cedrick at malay naman natin kung nasaan sya di ba? Hindi ako mananahimik kalag wala si Cedrick dito! Kilala nyo ako!" Inis na sabi ng dalaga at napabuntong hininga na lang sila Jullius at Mark. "ANO BA MGA NATATANDANG HUKLUBAN! SABI NANG PAKAWALAN NYO AKO DITO!"

"BRAT! JUST SHUT UP! YOU'RE GETTING INTO MY NERVES!!" Galit na sigaw ni Roberto at bahagya namang nagulat ang nasa loob.

"HA! YOU DAMN SCIENTISTS! YOU ARE ALL THE CAUSE OF THIS SHIT! STOP PRETENDING!" galit na sigaw ni Cathy.

"Cathy calm yourself."

"CALM MYSELF? DAMN YOU MARK! HOW AM I GOING TO CALM MYSELF IF CEDRICK WASN'T HERE!? I'M GOING TO FIND HIM! YOU MUST UNTIE ME!"

"Damn you too." Sabat naman ng isang boses na kakapasok lang.

Mint Academy 3: The World of the RedWhere stories live. Discover now