“Ako na din ang magdadala nito” Sabay bigla nyang kinuha yung mga dala kong libro.
“Oy. Ako na magbibitbit nyan.” Agaw ko naman sa mga libro ko.
“Sabing ako na magdadala eh. wag ka nga makulit. Ms. Villagracia” Dahil sa tamad akong makipagtalo. Hinayaan ko na lang sya. sya naman ang may gusto eh.
Habang naglalakad kami ni oliver.. Bawat babaeng nadadaanan namin nakatingin samin.. Tapos magbubulungan sila pagkadaan namin.
“Problema nila?” Bulong ko sa sarili ko.
“Wag mo nalang sila pansinin” sabi ni oliver. Sabay akbay sa akin.
Nagulat ako pero hindi ko nalang ipinahalata. Feeling ko nga nangangamatis na ako sa sobrang pula na ng mukha ko. yay! Bakit kasi may pag-akbay pang nalalaman. Tsk >.<
“OMG. Guys look oh.”
“Ang swerte nung girl.”
“Sino yung girl na kasama ni oliver?”
“Grabe talaga. Ang swerte nya.”
Yan ang mga naririnig kong sabi ng mga babae na nadadaanan namin, tapos yung ibang mga babaeng nadadaanan namin. Parang babalatan ako ng buhay tapos ilalagay nila ako sa malaking sako at itatapon sa kanal. (okay na sobrahan na ako kakaisip.) Yumuko na lang ako sa sobrang hiya. Sana bahay na nila kaagad, sobrang hiyang hiya na ako dito.
baka bukas nasa dyaryo na ako. “ESTUDYANTE BINALATAN NG BUHAY”.
In the end. Nakarating kami sa bahay nila na buo padin ako XD. Thankgod.
Pumasok na kami sa loob at yon nga si owy kaagad ang unang sumalubong samin.
”Sabay kayo?”
“Ah Oo.” Sagot ko.
”Halika na alexia. turuan mo na akong magpiano ..” sabay hila sa akin ni owy sa may piano.
“Excited ka ata ngayon owy?”
“Oo naman. Namiss kita eh.”
“Huh?”
“Este sabi ko namiss kita sa pagtugtog ng piano.”
“Ah sige. Umupo kana.”
Naupo na sya sa tabi ko at sinimulan ko ng magpiano.
Time Forgets BY YIRUMA. ------------------ >
Pagkatapos kong tumugtog. Step by step ko naman itinuro kay owy kung papaano yon tugtugin. Nakakatuwa nga kasi ang bilis nyang makuha. Hindi pa sya masyado nagkakamali kaya. Hindi talaga ako nahihirapan turuan sya.
“Owy, bakit ba gustong-gusto mong matutong magpiano?” tanong ko sa kanya.
Maaga kaming natapos magpiano kaya naupo na lang muna kami sa sala.
“bata pa lang kasi ako gusto ko ng matuto kaya lang walang marunong samin.”
“Ah okay. E yung kuya mo? Wala ba syang alam na tugtugin?”
“Gitara lang yung kaya nya.” Nakangiting sabi nya.
Ginabi na ako sa kanila. Gusto pa nga ni owy na doon na ako maghapunan pero tumanggi ako.. nakauwi naman ako ng ligtas at buong buo ang katawan.
_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=
Kinabukasan PE na namin. YEHEEEEEEEYYY! Alam nyo naman diba pag-pe namin more laro kami sa Field ng parang bata. Yay! Absent nga ngayon si hera. hindi ko alam kung bakit kaya ayon si Razha ang kasama ko ngayon. Hindi muna kami nakipag-laro sa mga kaklase namin. Kaya tumambay na lang kami sa Botanical Garden.
”Bakit ka lumipat dito razha?”
“Alexia. lahat ng bagay may dahilan.”
“Alam ko yon. So anong dahilan mo bakit ka lumipat dito?”
“Marami akong dahilan” nakangiti nyang sabi.
“Nagtataka ako..” nakayuko kong sabi.
“Saan?”
“Sa inyo ..Naguguluhan ako.”
“About ba samin ni hera?” tumingin ako sa kanya.
“Oo.” Seryosong sagot ko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N : Hello Hi :) Yay! Sorry kung matagal po ung Pag-UD ko. Nawalan ng Inspiration e. madami ba kayong inspiration? penge ako XDD. Hehehe ~ Yay!
Enjoy ko na yung THAT NERD dahil sa story na to napalapit ako sa Piano Songs :))))
may tanong po pala ako sa mga nagbabasa nito.
BORING PO BA? NAIINTINDIHAN NYO PO BA YUNG FLOW NG STORY? *COMMENT PLEASE :)))
Yay! iLOVEYOUALL MWAAAAH :***
~JEANNE trynewthings
YOU ARE READING
THAT NERD (ON HOLD)
FanfictionWritten By: TRYNEWTHINGS :) ~ Ang storya ni MARGA ALEXIA VILLAGRACIA Ito ay tungkol sa isang girl na nawalan ng pamilya at dahil sa bestfriend nya kaya sya nagkaroon ng pag-asa Hindi madaling mawalan ng pamilya lalo na kung wala ka ng makakasama pa...
CHAPTER 6 ~
Start from the beginning
