“GoodMorning Alexia”
“Ay kabayo ka!” napatayo ako non sa gulat..
“Nagulat ba kita alexia.” tatawang sabi ni razha.
“Papatayin mo ba ako sa gulat?” adik talaga tong si razha kahit kailan oh.
“Meron na palang namamatay dahil sa Gulat.”
“Oo naman. Buti nga hindi ako natuluyan. Baka bukas mismo nakalagay nasa frontpage ng dyaryo ‘ESTUDYANTE NAMATAY DAHIL SA GULAT’.
“An aga-aga ang corny mo alexia.” Umupo sya sa tabi ko.
“Ikaw kasi ang aga-aga ng gugulat ka dyan.” Nginitian nya lang ako. Isang matipid na ngiti.
Tahimik lang kaming nakaupo. Hindi nag-uusap basta tahimik lang kami. Tsaka ko lang napansin na mag-titime na sa school at baka mamaya malate pa ako kaya nag-paalam na ako kay razha at baka malate ako ng di-oras.
Nakarating ako sa School ng On time. Buti wala pa yung adviser namin nung dumating ako sa room.
“GoodMorning Alexia” bati ng mga kaklase ko.
“GoodMorning Hera.” Bati ko sa kanya sabay pumunta na ako sa upuan ko.
“GoodMorning Class.” Pumasok na yung adviser namin. Kaya nagsi-upuan na sa kanya-kanyang upuan ang mga kaklase ko.
“Okay class, We Have a new transfer student” sumenyas si mam sa may pinto. Tsaka pumasok yung transfer student na si ..
“Hi Im Razha Evangelista.”
Si razhaa.. Lumipat? Bakit? Ang alam ko sobrang exclusive yung pinapasukan nya pero bakit sya andito?
“Okay pwede ka ng maupo Ms. Evangelista sa tabi ni Ms. Hera Santos” pinaupo na ng adviser namin si razha.
Lumingon ako sa direksyon ni hera at halatang hindi sya sang-ayon pero hinayaan nya nalang.
Natapos ang Morning Class ng puro discussion lang. Lunch Break na. Nauna kaming lumabas ni hera. dahil gutom na gutom na daw sya.kaya ayon pagkadating namin sa canteen. Umorder na kaagad sya ng lunch namin.
Umupo na kami sa may bakanteng lamesa at nagsimula ng kumain ng biglang lumapit samin si razha.
“Pwede maki share ng table?” nakangitng sabi ni razha.
“Sur—ARAY KO!” Bigla ba naman akong sinipa ni hera. papayag na sana ako. Pero dahil gets ko na kung bakit nya ginawa yon…
“Ah. Bakit alexia. anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni razha.
“W-wala wala. Ano .. hindi pwede eh. may nakareserved na kasi dyan eh”
“Ganon ba? Sige sige.” Matamlay na sabi ni razha. Sabay umalis na.
Sinipa ako ni hera dahil ayaw nyang sumabay samin si Razha.
“Diba sabi ko tigilan mo ng makipagkaibigan don.” –hera.
“Bakit naman?”
“Hindi sya magandang kaibiganin alexia.” Katulad kagabi nanahimik na lang ako.
Natapos ang Afternoon Class ng puro discussion lang. inaayos ko na yung gamit ko para maka-alis na sa school at dadayo pa kila owy .. tuturuan ko pa kasi sya mag-piano ngayon.
Palabas na ako ng school ng mapansin kong nakatayo sa may Gate si Oliver.
“Ang tagal mo namang lumabas?” lumapit sya sa akin.
“Baket?” nagtatakang tanong ko.
“Diba pupunta kana sa bahay namin ngayon? Sabayan na kita” nakangiting sabi nya.
KAMU SEDANG MEMBACA
THAT NERD (ON HOLD)
Fiksi PenggemarWritten By: TRYNEWTHINGS :) ~ Ang storya ni MARGA ALEXIA VILLAGRACIA Ito ay tungkol sa isang girl na nawalan ng pamilya at dahil sa bestfriend nya kaya sya nagkaroon ng pag-asa Hindi madaling mawalan ng pamilya lalo na kung wala ka ng makakasama pa...
CHAPTER 6 ~
Mulai dari awal
