Papuntang Cr sya kaya binilisan ko yung takbo ko para maabutan ko sya.

“Ui. Hera Saglit lang” sigaw ko.

Huminto naman sya. kaya naabutan ko kaagad sya.

“Anong problema? Bakit ka umalis?”

“Biglang sumama pakiramdam Ko. Tawagan ko lang saglit si Manong Drayber”

Lumayo sya ng kaonti at tinawagan na nga nya yung drayber nila. Ilang minuto lang nakangiting lumapit na sya sa akin. Halatang pinipilit nyang ngumiti.

“Hera?”

“Hmmm?”

Habang nag-hihintay kami sa drayber nila. Naupo na lang kami sa may bench habang nag-hihintay.

“Bakit ka umalis kanina?”

“Paano mo nakilala yung babaeng yon?” yung tono ng pananalita nya parang may halong galit sya kay razha.. bakit kaya? Ano bang meron sa kanila?

“Ah. Nakilala ko lang sya nung nakaraan.” Sagot ko.

“Itigil mo na ang pakikipag-kaibigan sa kanya. Hindi sya magandang kaibiganin”

Nagulat ako sa sinabi ni hera. gusto ko sanang itanong kung bakit kaso hindi ko magawa.. pinili ko nalang manahimik muna.Hindi muna ako eeksena sa kanila. Malalamann ko din naman yon kung dapat ko talagang malaman. Dumating na yung drayber nila. Ihahatid na nila ako.

Bago ako lumabas sa kotse. nagpasalamat muna ako. “Salamat sa bonding hera” sabi ko.

“Wala yon. Sa uulitin ah. Bye bye. Bestfriend” nakangiti nyang sabi na parang walang nangyari kanina.

Pumasok na ako sa bahay at dahil medyo pagod ako ngayong gabi. Hindi muna ako mag-ddiary. Kahit madami akong gustong isulat ngayong gabi.

RAZHA’S POV

Pagka-uwi ko sila mommy at daddy ang kaagad kong hinanap. Yay! Sigurado akong matutuwa sila.

“Mommy, May surprise ako sa inyo ni Daddy” Nakangiti kong sabi kay mommy.

“Ano yon.. Anak?” Halatang excited din si Daddy sa Surprise ko kaya hindi ko na papatagalin pa..

“TADAAAAA!” Pinakita ko sa kanila ang hawak kong GlassBox.

“Ano yan anak?” nagtatakang tanong ni mommy.

“Buhok po mommy” May laman kasing mga buhok yung GlassBox.

“Sa kanya ba yan?” Alam ko na kaagad kung sino tinutukoy ni daddy.

“Opo sa kanya yan.”

“Nagkita ba kayo?” tanong ni mommy

”Ah. Nakita ko po sya kanina sa mall. Sige po mommy daddy.. matutulog na po ako”

Umakya’t na ako sa kwarto ko at kaagad humiga sa kama. Hindi naman ako masyadong pagod ngayong araw pero gusto ko munang magpahinga sa kakaisip ng mga bagay-bagay.

Naalala ko na naman yung dati kong bestfriend. Ang kababata namin nila Oliver Owy pati nadin ng boyfriend ko. Ang saya saya namin non. Kaya lang dahil sa Aksidente nahiwalay na sya sa amin non.

Its been 1o Years Since that day .. pero hanggang ngayon iniiwasan nya padin kami.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

ALEXIA’S POV.

Umagandang kay ganda at dahil maaga akong nagising. Maaga din ako naka-alis ng bahay. Tumambay muna ako saglit sa playground. Para mag-isip isip.

THAT NERD (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon