Chapter Eight

1.3K 36 1
                                    

Chapter Eight
         
          
"Aray! Aray! Miro naman eh!" Reklamo ni Coby habang hawak ang tenga niyang piningot ko.

"Clean it. I want it spotless. Got it?" Galit na sabi ko.

"O-Okay!" Utal na sabi niya at agad umalis.
         
          
Naupo ako sa couch at napabuntong hininga. Ang sakit ng ulo ko. Di ko alam bakit pero kasama na ata yung mata ko sa dahilan. For the second time, nagbuntong hininga ako. Maliban sa sakit ng ulo ko, nanlulumo ako. Nanlulumo ako roon sa page. Bigla na lang kasi nawala. I searched for it pero wala talaga. Maraming naghinala na baka nireport na pinaniwalaan ko. Gusto ko sana manghingi ng kahit isang pic mula sa mga taong nakasave ng mga nun pero nahihiya ako.
         
          
"Tapos na." Sabi ni Coby kaya napatingin ako sa kanya.
         
          
Nagthumbs up lang ako bago sumandal at pumikit. Pinalinis ko kay Coby ang kusina. Nagbake kasi ang loko ng kung ano pero di niya nilinis. Imbis na mainis lang ako, naibuntong ko sa kanya ang frustrations ko. I'm damned about those things.
         
          
I'll apologize later.
         
          
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Coby.

"Yeah." Sagot ko.
         
          
Narinig ko siyang naglakad palayo at may sinasabi. Nakaramdam na lang ako ng tapik sa balikat bago ako nakarinig ng yabag paakyat ng hagdan. I just groaned in response.

We become closer, I guess. Simula na rin ng malaman ni Azen na pinsan ko si Coby, parati na niya inaaya sa kanila. Ayaw naman ni Coby kasi bodyguard ko raw siya at naiiwan ako mag-isa kung sasama siya sa kanila. At si Azen na topak, nakikitable kaya parating tumitingin sa amin sina Jon. So kadalasan itinataboy ko silang dalawa. Binobomba na kasi nila ako ng asar sa GC naming lima dahil nag-uusap na kami ni Azen. And eventually, naging close rin sila. Malay ko paano.
         
          
"Mirovi?"
         
          
Napadilat ako ng mga mata at napatingin sa pinto. Naroon si Azen. Hinihingal na nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. One thing that angers me too is this thumping. Bigla kasi akong nakakaramdam ng kakaiba pag nandiyan siya. Then images came rushing to my head. Hugs, smiles, holding hands. The worst scenes? Kissing scenes.
         
          
"O? Galit ka ba?" Tanong niya habang isinasara ang pinto.

"I don't know." Sagot ko.

"Galit ka nga." Sabi niya saka naupo sa tabi ko.
         
          
Napalayo ako ng unti. Electricity. Nakukuryente ako sa konting dikit ko lang sa kanya. Kaya naiinis ako. Lalo na sa sarili ko. Parang yung normal ay naging iba.
         
          
"O?" Tanong niya.

"Nakukuyente ako." Sagot ko.

"Ha?" Gulat at takang bulalas niya.

"Nakukuryente ako sayo." Ulit ko. Tinitigan niya ako saka inihit ng tawa ang sistema niya.

"Okay. Sige. Aawat muna ako." Sabi niya saka lumayo ng unti. "Tinawagan ako ni Coby. Sabi niya galit ka raw at frustrated. May problema ba?"

"Marami."

"Enumerate. Baka maintindihan natin."

"Kailan ka pa naging psychologist?"

"Simula nung kausapin mo ko nung second year natin."

"Ah. Eh di ka naman matanong noon ah."

"Kasi di pa kita nakakausap ng maayos nun."

Natahimik ako. "I gave you a hard time, didn't I?"

"Hindi ah." Umiiling na sagot niya.

"Dahil sa akin kaya wala kang girlfriend."

"Hindi rin."

The Girl Named Mirovi [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum