Chapter Seven

1.3K 46 0
                                    

Chapter Seven
        
         
"Ang laki ng bahay niyo pero ikaw lang mag-isa ang nakatira." Komento ni Coby habang nakaupo sa may dining table.

"Ayos lang naman." Sagot ko habang nilalapag sa table yung ulam namin. "Kain na." Sabi ko na sinunod niya.
        
         
Coby Ortiza Delvan. Pinsan ko sa father's side.
        
         
Tatlo silang magkakapatid na Ortiza at dalawa ang Roviro. Sa Ortiza, anim ang pinsan ko. Apat kay Tita Paris, kasama na roon si Andrea. Ang magkakapatid ay lahat babae at si Andrea ang pangatlo sa kanila. Kay Tita Venice ay dalawa, isa na si Coby. At yung isa ay si Conney na babae at nakakabatang kapatid ng kasalo ko ngayon. Kay Papa naman, si Rome, ay may limang anak, at ako lang ang natira matapos ang aksidente. Lahat mga bangalan ng bansa Europe.

Ang Roviro ay may dalawang anak. Sina Carina at Connor. Kay Tito Connor, si Kenji at yung dalawa pa niyang kapatid na kambal ang mga pinsan ko. Si Carina, si Mama, ay ako lang din ang natira. Ako ang pangatlo sa aming magkakapatid. If they're alive right now, baka twenty-three na si Susan, twenty-two si Glenn, seventeen si Niall at twelve si Rita.
        
         
Obviously, hindi lahat magkakilala ang mga pinsan ko.
        
         
"So how's life?" Tanong ni Coby ng maupo ako sa harap niya. "Di ka na bumalik sa US ng six years."
        
         
Coby lives in US with Conney. Ang tita ko na nagkasakit ay si Tita Venice. It has something to do with her eyes. Nagpresenta akong tumulong kasi naawa ako kay Coby. Basketball player kasi siya sa mga oras na yun, and I want him to enjoy his youth cause boys like their freedom. Hindi rin naman siya makakatulong sa bahay kaya it's better to make him play.

Halos magkamukha rin naman kami niyan. Parang siya ang boy version ko. Ortiza's genes are dominant. Pero yung kay Coby ay naglaban. He has his dfather's eyes, lips and jaw; nanggaling naman kay Tita ang kulay ng buhok niya na itim (brown kasi ang sa father niya) at ilong. Kapag side view, kamukha ko siya; pag front na, hindi. Gwapo rin kasi yab. Masex appeal eh. Pero hindi katulad ni Derek na may 'playboy reputation'. NGSB yan. At wala pa ata sa utak niya ang magkaroon.
        
         
"One and a half year is enough. Besides, ayaw mo rin naman na nadoon ako." Sagot ko habang kumakain.

"Who told you that?" Nakakunot noo na tanong niya.

"Conney did."

"That brat." He muttered under his breathe.

"And Tita Venice." Dagdag ko.

"No comment." Mahinang sabi niya. "I was joking that time."

"Joke or not, you hurt my feelings."

"I'm sorry."

I waved a dismiss hand. "It's okay. We're not even close anyway."

"We aren't? You're our favorite cousin."

Tumaas mga kilay ko. "Not your favorite."

"You are my favorite."

"Weh?"

"Promise." Sabay taas niya ng right hand niya.

"O-kay. So why are you here?"

"Mom sent me to accompany you."

"Ah." Tumatangong pag-intindi ko. "That's nice."

"Si Conney dapat pero nagvolunteer ako."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Bakit naman?"

"Wala lang."
        
         
Nagkabit balikat ako saka kinuha ang pinagkainan niya. Nilagay ko yun sa lababo at nilagyan ng tubig para bukas ko na hugasan. Inayos ko yung table saka tinakpan ang mga natira. Inangat ko kay Coby ang tingin ko para tignan kung anong ginagawa niya.
        
         
"What are you holding?" Singkit matang tanong ko.

The Girl Named Mirovi [Completed]Where stories live. Discover now