Chapter One

2.8K 71 1
                                    

Chapter One
        
         
Tita V : How are you?

Me : Still breathin'. You there?

Tita V : Chillin'
        
         
Natawa ako at napailing na lang sa sagot ni Tita. Kung umakto talaga, parang bagets na bagets. Perks of having two children. Tapos ako lang kausap.

Tumingin ako sa paligid, hinahanap ang tambayan. Nang mahanap ko, agad akong naglakad paounta sa pwesto nun. It's a stone table with U-shaped stone seat. Nasa ilalim yun ng puno ng bayabas kaya kahit mainit ang panahon, may lilim kaming natatambayan kapag dito kami gumagawa ng mga school stuffs. Marami namang ganon sa tabi pero sa amin kasi yun. Talagang minarkahan namin ng pangalan naming dalawa.

Ibinaba ko muna ang bag ko sa upuan bago tumingin sa orasan. I'm ten minutes early. Papunta na ata yun. Di naman ako pinapahintay nun. Anong akala niya? Maghihintay ako pag nalate siya? Pft. He knows me well enough to not to test his luck.
        
         
Or I will wait for him. Who knows.
        
         
Naupo ako sa tabi ng bag ko saka tumingin sa paligid. The sky is blue and clear. The sun is past its peak. I mean it's near two in the afternoon. Marami na ring palabas ng campus. Yung iba naman ay natambay sa karatig na stone tables. The breeze is good. Hindi nakakabother. Buti na lang maayos mood ko.

Napangiti ako ng makita kong tinutulungan nung isang bata ang kapwa niyang naglalaro na tumayo mula sa pagkakadapa. Being alone for years makes me appreciate small things. Pati buhay binibigyan ko na ng halaga habang ang iba ay sinasayang lang.

Sarap ishare sa mundo ang perspective ko sa buhay pero wala akong kasama eh. Nakakainggit yung may kasama. Yes. Pero kapag nasanay ka na maging mag-isa sa tahimik na kapaligiran, di mo na maiisip palagi na sana may kaibigan ka rin.
        
         
"Diba siya yung babae sa page na yun?"

"Yeah. What was her name again? Miro? Mirovi?"

"Mirovi Ortiza."
        
         
Napalingon ako sa nagbanggit ng pangalan ko. At page? What page?
        
         
Pinagmasdan ko ng mabuti ang dalawang babae na nag-uusap sa katabi kong stone table. Naisingkit ko pa mga mata ko para makaklaro ng mabuti. Napansin ko yung mga cellphone screen nila na naka-open sa FB. Agad ko pinuntahan sa cellphone ko yun. Loading... Loading... Napataas ang kilay ko ng mapuno ang newsfeed ko ng pangalan ko.
        
         
'Ang ganda ni Mirovi Ortiza! OMG!'

'Sayang di ako makashare ng pics niya mula sa page!'

'May mga paborito ako pero can't share guys. I respect the admin's wish.'

'Ang gaganda ng mga kuha sa kanya!'

'Halatang stolen!'
        
         
Napakagat labi ako sa mga nababasa ko. I mean, what the heck are they talking about?
        
         
Naghanap ako ng link ng page na sinasabi nila pero wala akong makita. Nakailang scroll ako pero wala talaga. Susuko na sana ako ng mahagip ng mga maya ko ang search bar. Agad kong pinindot yun saka tinype ang pangalan ko. Hindi naman kasi ang pangalan ko ang gamit ko sa account ko kaya sigurado akong di lilitaw ang account ko sa list if maaari.

Matapos ang ilang segundong pagloloading, may nag-appear na isang page na may pangalan na 'The girl named Miro'. Nagscroll down ako para tignan ang sample contents. Kumunot moo ko ng makita ko ang isang picture ko na nakahawak sa isang walis habang nakatingin sa bintana. Where in the world was this taken? Binalikan ko ang page saka tinignan kung anong laman.

Unang bumungad sa akin ang display photo ng page saka ang cover photo nun. Yung sa DP ay ako na nakapamulsa habang nasandal sa pader, na parang naghihintay. Yung cover photo naman, kagat ko ang likod ng ballpen ko habang nakatingin sa papel na hawak ko. In fairness, I look good in this. Parang walang filter na gamit. Nagmumukha akong model kahit di naman.

The Girl Named Mirovi [Completed]Where stories live. Discover now