Umiling ako. Nung una ay naglalakad ako para makatipid pero nitong nakaraan ay nakakarating nalang ako ng lagpas alas singko sa mansyon kaya naman hindi na ako pwedeng maglakad mamaya. Kailangan ko talagang sumakay sa kahit anong transportasyon para mapabilis ang aking pag-uwi.

"Naku, day, sumakay ka nalang ng motorsiklo nila tang Isko mamaya" suhestiyon ni Anton na ikinanguso ko naman. Mahal kasi ang pasahe sa motor.

"Susubukan ko" baka maglakad nalang marahil ako. Hindi ko dapat inaaksaya ang ibinibigay ni ate na pamasahe. Kailangan kong magtipid para kapag may bayarin ay hindi ko na kailangang humingi pa kay ate Harrietta.

Bea tsk-ed. "Naku, huwag kang maglalakad hanggang sa mansyon, paniguradong uuwi ka na ng dis-oras. Subukan mong dumaan sa may daan papunta sa mga Lazaro. Baka doon ay makauwi ka ng maaga sa mansyon pero ingat ka lang, Erriah. May bali-balita kasi na may nare-rape doon"

Nakatanggap ito ng palo sa ulo galing kay Anton. "Gaga! Talagang sinabi mo pa sa kaniya! Dadaan yan doon para makauwi ng mabilis!" Humarap ito sa akin at nagbabantang umiling. "Huwag na huwag kang dadaan doon, Erriah. Totoo ang mga sinasabi ng mga chismosa na may nagahasa na doon at pinagtakpan lang ng mga gumawa. Malamang na isang Lazaro 'yon dahil makapangyarihan sila at kayang kaya nilang lapatan ng pera ang lahat"

Napanguso ako sa sinabi ni Anton. Ni hindi ko nga alam ang papunta doon. Ayon sa mga kwento nila, wala naman talagang dadaan doon.

"Anong page 'yong quiz kay Ma'am Sy?" Biglang tanong ni Joabbelle kaya naman napatingin kaming tatlo dito.

"Kanina mo pa hawak 'yan at busy-ng-busy ka tapos hindi mo pala alam kung ano ang nirereview?"

Inirapan lang nito si Anton at ako ang hinarap. "Anong page 'yon?"

"Page 14"

PAGSAPIT NG UWIAN ay agad akong nagpaalam kina Anton. May lakad kasi ang tatlo at pupunta raw sa may gotohan sa gilid ng eskwelahan ng mga college students. Hindi naman ako makakasama dahil kailangan kong umuwi ng maaga.

"Uy! Erriah!" Napalingon ako sa may tumawag sa akin at nakita ko si ate Shel. Bigla nanaman akong dinala sa nasilayan ko nang nakaraan. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa loob at napaiwas ng tingin sa kaniya.

"B-bakit ka nandito, ate Shel?" Parang ako ang mas lalong nailang dahil sa pangyayaring 'yon.

Ngumiti siya sa akin ng matamis. Mahinhin si ate Shel, hindi mo aakalain na may tinatagong relasyon ito sa amo niya. Doon ko muling naalala ang kasama ni ate Shel nang makita ko ito, ang lalaking nag-mamay-ari ng napakaintensidad na mga tingin.

"Dinaanan na kita. Alam kong ganitong oras ang uwian niyo. May kasama pala ako at naghihintay siya sa may Bright Cafe" aniya.

Wala akong nagawa nang hilain ako ni ate Shel paliko ng daan. Tinungo namin ang isang maliit na cafe pero kilala sa buong Villa Larra. May dalawang malaking letra 'yon sa itaas, BC, sa tabi ay hugis ng tasa ng kape.

Tumunog ang bell na nakasabit sa may itaas ng pinto nang pumasok kami. Ang kulay puti at kulay kapeng motif ng coffee shop ang sumalubong sa amin. May mga shelves sa gilid na nalalagyan ng mga libro, pwede itong hiramin ng kahit sino na magkakape rito. May message wall din sa may bandang kaliwa ng coffee shop.

"Zarrick!" Masiglang sabi ni ate Shel nang makita niya ang kasama.

Lumipat ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa tabi ng glass wall. May hawak itong itim na libro habang sumisimsim sa hawak na kape. His intimidating aura filled the whole cafe, maybe the reason why those people were eyeing him silently. Naghahalong pagkamangha at pagkabahala ang naroon. Tama nga naman, isa siyang Saavedra.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon