Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears

Start from the beginning
                                    

"Hindi ko nga kilala yan e." Sabi naman nya.


"O-kayyy?" Sabi ko na lang.

"Sige thank you miss." Sabi ko sa kanya nung iabot yung dalawang keys.

Pinuntahan naman namin yung rooms.

"San nyo po gusto tita?" Tanong ko nung binubuksan pa lang yung pintuan.

"Dito na lang parehas lang naman yan tinanong mo pa." Bagets na bagets talaga makipag-usap si tita. Nahahawa na nga rin siya sa paghampas sa braso ko e. Pero yung kanya. Hampas biro lang.

Yung kay Jaki, hampas na walang bukas!


Aba, napakasakit may bakal yata kamay nun.

"Naks, may paaircon pa ha? San ako ma?" Tanong naman ni Kuya Al.

"Magsama kayong dalawang mokong sa kabila." Sagot ni Jaki sa Kuya nya.

"Epal di naman kinakausap." Sagot naman nung isa.

"Pwede ka naman dun sa kabilang Villa kuya, medyo busy naman ako mamayang hapon."

"Parang tinatakwil ako ng sarili kong kapatid. Salamat bro ah?" Biro pa nyang sabi.


"Kunin ko lang po gamit ko sa sasakyan." Paalam ko naman kay tita.

Naglakad naman na ko pabalik doon nang may narinig akong sigaw.


"Sama ko bro!" Napalingon naman ako at nakita si kuya Al na hinabol pa ko. Parang napakalayo ko na kung makahabol.


"Ha?" Yun lang agad yung lumabas sa bibig ko.

"Ayaw mo ba?" Seryosong tanong naman nya.


Natigilan naman ako doon.


"Joke lang! Ito talaga paniwalain." Umakbay pa sya sa akin tsaka naglakad papunta sa lugar kung saan nakaparada yung sasakyan.




Pagdating sa sasakyan parang may gustong itanong o pag-usapan si kuya Al.





"Viceral." Tawag nya sa akin.

"Yes kuya? Ano po iyon?" Tanong ko habang pinagsasama sama yung mga damit ko na gagamitin para sa pagstay namin dito. Nasa sasakyan na rin kasi talaga yung mga karamihan na damit ko.



"Gusto mo ba si Jaki." Para naman akong binuhasan ng malamig na malamig na tubig na may yelo para kong nag-ice bucket challenge dito dahil di makaimik at makagalaw.


"Sa gawi ng pagtingin mo s kapatid ko, alam kong may iba Vice."

Tangna, yung puso ko nagwawala.

Buong tapang naman akong humarap sa kanya.


"Ganun ako tumingin sa girlfriend ko Viceral." Ngumiti siya.

Bakit ba ganito pamilya mo Jaki. Parang mamamatay ako sa nerbyos.

Seryoso tapos ngingiti.

"Malapit na kasal namin. Gusto ko sana iinvite ka. Partner kayo ni Jaki." Sobrang nagningning yung mata nya nung sabihin nya iyon.

Ganun yata talaga kapag alam mong ikakasal ka na sa taong gusto mo makasama habambuhay.


"Wag ka mag-alala kung gusto mo kapatid ko. Nadadaan naman kami sa tamang proseso."



Wala akong naiintindihan. Someone please, explain to me.. what's happening.






PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now