Forty Two

35 3 0
                                    

Fayre's POV

Pinakalma ko muna ang aking sarili bago mapagpasyahang dumiretso sa gym. Di ko pa kayang makita si Ryker, kasi nasasaktan ako, nang sobra. Sana sinabi niya na nakikipaglaro lang siya para mahanda ako sa pasabog at mga parte ng mga laro niya. Kaya nga noong bata pa sila, Di sila pinapalaro ng barbie para habang bata pa marealize nila na hindi nalaruan ang mga babae.

"Oh Fayre? Okay ka na?" Tanong ni Blythe ng makarating ako sa gym.

Tumango lang ako sa kanya at naghanap ng bakanteng upuan. Nahagilap ko na bakante ang upuan sa tabi ni Ryker. Lumapit ako doon sa kanila pero nilampasan ko lang siya at dumiretso kay Azi.

"Azi, tabi tayo" alok ko sa kanya

"Oh Kash! Lumipat ka sa tabi ni Ryker" sabi ni Azi

"Wow Xi ha? Upuan mo ha? Pinagtatabuyan mo ko?" Sarkastikong tanong ni Kash

"Di naman sa ganun pero parang ganun na nga"

"I hate you Xi! Break na tayo!" Maarteng sabi ni Kash.

"First of all, si Fayre lang ang babaeng minahal ko" pagkokorek ni Azi

"So may sinabi ba akong hindi?" Sabi ni Kash

"Pinapaalala ko lang " nakangisi na sabi ni Azi.

Napabuntong hininga muna si Kash bago tumayo at lumipat sa upuang katabi ni Ryker.

"Pasalamat ka Xi, mahal ko si Fayre kaya ibibigay ko tong upuan ko sa kanya"

"Wow! Thank you sa pagmamahal mo sa kanya, Fletcher ha?" Sarkastikong sabi ni Azi

Ngitian ako ni Kash ng napakatamis bago lumipat sa lilipatang upuan para makaupo ako sa bakante katabi ni Azi. Bale ganito yun.

|Shirina|Ryker |Kash|Ako|Azi|Kenzo|Blythe|Jayce|

"Anong nangyari sayo? Why so sudden?" Kuryusong tanong ni Azi

Biglang nanindi ang aking balahibo dahil sa hiningang tumama sa aking balat sa leeg.

"Wala Azi. Di ba pwedeng namiss lang kita kaya sayo ako sumasama?"

" Wow! Bago yan ah!" Natatawang sabi niya.

"Babawiin ko na ba?" Tanong ko

"Syempre joke lang!" Sabi niya.

"Sus! Alam ko namang gustong-gusto mo rin eh" pang-aasar ko sa kanya.

"Anong alam mo ha?" Natatawa niyang tanong

"Na mahal mo parin ako?"

"Kahit?" Natatawa niyang tanong

"Ang ganda ko?" Natatawa kong patanong na sagot.

Natawa lang siya sa sagot ko. Tinatamad na akong magpahaba lang usapan namin ni Azi kaya bago pa siya makapagsalita ay sumandal ako sa balikat niya at doon siya napatahimik.

Ang sarap sa feeling na sumandal sa balikat niya tas ang bango- bango ng damit pati nga rin yung pawis niya ang halimuyak rin.

"Hoy Fayre! Makasandal ka kay Azi parang kayo ah?" Pagbibiro ni Kash.

"Inggit ka lang 'Pera'! Sila kasing tatlo may jowa tas Ikaw tong mag-isa yung wala!" Pang-aasar ni Jayce

"Makapagsalita! Kala mo naman Ikaw meron!" Sigaw niya

"May sinasabi ba akong meron? Tss ugok!" Singhal ni Jayce.

" Kahit ugok to, gwapo naman!"

"Weh? Sinong may sabi?"

Crossed RoadWhere stories live. Discover now