Thirty Five

30 3 0
                                    

Fayre's POV
        Pagpasok na pagpasok ko sa campus ay di na'ko binubully gaya nung dati. Lahat na ng mga tao doon ay nakikipagkaibigan sa'kin simula nung malaman nilang mayaman ako.

"Fayre? Nasan na yung report na ipapasa natin?" Salubong na tanong ni Azi ng makapasok ako sa classroom.

"Kay Ryker" malumanay kong tugon

"Hala? Bakit napunta sa kanya yon?" Takang tanong niya.

"Siya yung nag-insist na mag-eencode eh"

"Hala! Buti pa ikaw! Sa mga subjects namin noon, tamad yang mag-encode,  kaming tatlo nila Kash at Kenzo ang nagpupuyat tapos ngayon siya pa  yung nag-insist?! " di makapaniwalang sabi ni Azi.

"Eh bat ka ba sakin nagagalit?" Natatawa kong tanong

"Hindi ah! Nakakagulat lang talaga"

Umupo na ako sa upuan at makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Ryker na may dalang bond paper.

Abot tenga ang ngiti niya habang papalapit sa direksyon ko saka inilapag iyong dala niya.

"Two copies yan. In case na mawala amg isa, may reserba" nakangiti niyang sabi

"Bakit pang may iba pang kahulugan 'yon?"

"Wala 'Me' ah"

"So kung mawala man ako? May reserba ka?"

"Syempre, ikaw lang ang iisa dito *points at chest* kahit napakarami mang babae ang lumapit sakin, they can imitate you but they can't duplicate you"

"Kay aga aga! Ang landi landi mo!"

"Ikaw lang naman ang nilalandi ko eh"

"Utot mo blue!"

"Hala? Meron ba nun?"

"Ikaw bahala, salamat ng pala dito" sabi ko sabay turo sa bond papers na dala niya kanina.

"Always Welcome 'Me' "
"Anong nangyari diyan Kay Azi?" Takang tanong niya.

Tumingin naman ako kay Azi at nakita ko na ang sama ng tingin niya kay Ryker.

"Nagtatampo kaibigan mo! Kasi ako lang daw ang pinag-encode-an mo at ikaw pa ang nag-insist  kaya ayo!  Selos siya sakin" natatawang pagkwento ko.

"Kabakla mo p're!" Sigaw ni Ryker kay Azi

"Tangna mo Oswaldo!" Sigaw niya pabalik.

"I love you too Xi!" Natatawa niyang sabi

"Yays! Tambalang RyZiel na ba ito?" Natatawang tanong ni Kenzo habang lumalapit sa'min.

"RyZiel? Di'ba biscuit yon?" Natatawang tanong ni Kash

"Tangna mo Kash! Hansel yun! Hansel!"

"Tangna mo din Reed"

"Kay aga aga! Puro endearment niyo na nama ang pinagsisigawan niyo RyAzKasKen!" Sigaw ni Ma'am.

Hala! Ba't di naman napansing nandito na to?

"Naman Ma'am! Gwapo eh!" Pilyong sabi ni Kash

"Tangna mo Mr. Fletcher!" Sigaw ni Ma'am.

Si Ma'am kasi ay 8 years lang yung agwat sa'min. So she's 24 years old kaya nakakasabay siya sa kagaguhan ni Kash.

"Hala Si Ma'am! Nakikisabi na rin ng endearment natin! Wow! Di kapani-paniwala!" Natatawang sabi ni Kash.

Nagsitawan kami sa loob ng classroom. May sapak talaga tong si Kash!

Crossed RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon