Thirty Nine

28 3 0
                                    

Azeil's POV

One week, One week had passed na di na nagpapansinan sina Ryker at Fayre. I wonder why. Parang si Fayre kasi ang dumidistansya sa kanilang dalawa. One week na rin ang nakalipas na si Shirina ay dikit na dikit kay Ryker. At itong si mokong naman ay pilit na pinapakisamahan yung previous niya.

"Fayre" tawag ko sa kanya kasi nawawala na naman siya sa sarili niya.

Umpisa kasi na sinabi niya lahat sa'min ni Blythe ay grabe na ang pag-aalala ko sa kanya.

"Hmmmm?"

"Bat ka tulala? Kanina ka pa wala sa sarili mo eh!" Sita ko sa kanya.

"May iniisip lang" tipid niyang sagot.

"Ano naman 'yon? Don't tell me na nagseselos ka dahil magkasama sila Ryker at Shirina?" Pang-aasar ko sa kanya. Sige pa Azi! Asar pa e ikaw naman itong nasasaktan.

"Yun nga ang gusto ko eh!" Masigla niyang tugon.

"Ang magselos?" Taka kong tanong

"Ang makitang magkasama sila. Atleast di mapapansin ni Ryker ang bigla kong pagkawala..." sabi niya na nakatingin sa malayo at nakangiti ng mapait.

"Fayre..." pagbabanta ko.

Tinignan ko siya ng masama pero ngiti lang ang ganti niya sa'kin. Nasasaktan ako para sa kanya! Sana pala sa'kin siya nahulog ng ganyan kalalim. Sana sa'kin nalang pala.

"Pano ba nauwi sa ganyan sila ni Ryker? Pano ba nila nakilala ang isa't isa?" Out of curiosity niyang tanong.

Iginala ko ang aking paningin at napako ang at ng paningin kila Ryker at Shirina.  Tamang tama dahil nakatingin rin si Ryker sa direksyon namin. Tingin na anytime papatay siya, kaya ako naman tong loko loko inasar ko siya. Niyakap ko si Fayre Habang nakatingin parin siya.

"Mas mabuting si Ryker ang tanungin mo tungkol dyan. Wala ako sa posisyon na sabihin sayo kung paano, saan sila nagkakilala ang tanging makakasagot niyan ay si Ryker lamang Fayre"

Ang gaguhan ay dapat ilugar pero ewan ko ba kung anong hangin ang pumasok sa isip ko at bigla kong hinalikan sa pisngi si Fayre kaya ayon! Naiwan itong tulala. Bago pa ako makapagsalita ay namanhid ang pisngi ko. Ang sakit nun sa panga P're! Si Ryker sinuntok ako.

"Wala kang karapatang halikan siya!" Sigaw niya sa sobramg galit at talagang nakayukom ang mga kamao nito.

"Bakit ikaw ba may karapatan rin? Eh wala namang 'KAYO' ah! Wag kang umasta na parang iyong-iyo siya lalo na't nasa tabi mo si Shirina!" Sigaw ko pabalik.

Napatahimik si Ryker at ang mga classmates namin ay pinagtitinginan na kami.

"Tama na Azi, tama na" malumanay na awat sa'kin ni Fayre habang pumapagitna siya samin.

"Tara na Azi" nagmamakaawang yaya niya uli.

"Ayan! Dyan ka naman palaging sumasama!" Sigaw ni Ryker habang nakatingin kay Fayre.

"Eh kanino naman sa akala mo ako sasama, sayo? Ryker pwede ba? Kung sayo ako sasama, Pano na syota mo? Di mo ba alam na masasaktan si Shirina sa mga ginagawa mo?"

"WTF? Di ko syota to Fayre!"

"Di mo syota mo mukha mo!"

"Walang kami!"

"Di mo na kailangang magpaliwanag kasi wala rin namang 'TAYO'"

Paramg ibana ang atmosphere dito sa classroom kaya bago pa ulit sila magkasagutan ay hinila ko na si Fayre palabas, hawak hawak ang kamay neto.

"You okay Fayre?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Hmmm" she mumbled.

"Ano bang nangyayari sayo?!" Pagalit kong tanong sa kanya.

"Wala Azi okay? Pagod lang siguro ako. Don't mind me"

Di na ako umimik. Alam ko naman kasi kung anong nangyayari sa kanya. Sana pala talaga! Huli na para magsisi Azi! Hawak na ng iba ang puso niya!

Fayre's POV

Ang lalim ng iniisip ko kasi One month from now, aalis na kami papuntang London para sa surgery. Di makapagpeperform ng operasyon dito ang mga doktor dahil na nga rin sa kakulangan ng gamit. Ano kaya ang pwede kong gawin sa loob ng isang buwan para maging makabuluhan bago ako umalis?

It seem na mas nag-eenjoy si Ryker kasama si Shirina kaya ako itong dumidistansya na. Naconfuse lang siguro siya sa damdamin niya noon na kasama ako, na ako yung nasa tabi niya at di si Shirina. Siguro narealize niya rin na si Shirina talaga ang mahal niya, hindi ako.

Sabi nga ni Zein Shion: Giving up doesn't mean you are weak. Sometimes, it is better to let go something that might hurt you for the better. That's why I'm giving up because this might hurt me for the better.

Mahal ko nga siya talaga kaya pinapalaya ko siya, hinahayaang sumama sa totoong mahal niya at ako itong titingnan sila papalayo na nasasaktan ng sobra-sobra.

Hindi ko namalayan ang sarili kong papalakad sa music room. Di ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito. Pumasok ako sa music room at kinuha ang isang gitara saka umupo sa isang tabi.

I slowly strums the guitar and sing.

" Loving you was young, and wild and free
Loving you was cool, and hot and sweet
Loving you was sunshine, safe and sound
A steady place to let down my defenses
But Loving you had  consequences~"

Habang kinakanta ko iyon ay napapakit ako at dinadama ang bawat liriko ng kanta na aking pinapakawalan.

Na-faflash ang mga araw nong masasaya kami ni Ryker. Kung paano kami nagkakilala hanggat sa umabot sa puntong mahal na mahal ko na siya. Mga panahong selos na selos siya sa mga lalaking humahawak sa'kin, yung pagtali niya ng buhok ko, yung pagpunas niya ng pawis na tumatagaktak sa mukha ko, yung pagdala niya sa'kin sa bahay nila na may sinabi pang 'dito ka na titira someday '  tapos may paharana-harana pa siya sa'kin sa kotse noon, yung pagtawag niya sa'kin ng 'ME' My everything. At yung paghalik niya sa'kin na tinugon ko naman. Damn! This is torture!

Iminulat ko ang aking mata di ko namalayamg basa pala iyon. Hala? Umiyak ako!

"Bakit ka dumidistansya?" A baritone voice filled the whole music room. Di ako nagkakamali ng tinignan ko iyon, dahil sa Ryker ang nagmamay-ari nun.

"Para saan pa ang paglapit ko sayo kung iba naman ang hinahabol mo?" Tanong ko sa kanya, Sige Fayre. saktan mo pa sarili mo.

"Fayre di kita maintindihan! Bakit ka ba nagkakaganto?!"

"Lumalayo ako sayo kasi nakasasaktan ako! Dumating na siya eh! Maeechapwera na naman ako! Ryker! No woman deserves to be an option!"

"Di ka naman option para sa'kin Fayre!  Mahal kita! At alam kong alam mo yan!"

"Bat di ko ramdam?"

"Fayre, Wag mong gawin sa'kin to. Pansinin mo naman ako! Mababaliw na'ko eh!"

"Matuluyan ka sana"

"Fayre naman! Wag mo kong talikuran!"

Nagulat ako dahil may malambot na bagay ang dumapi sa labi ko. I was stunned in a moment! Labi to eh! Labi! He kissed me. Hindi gumalaw ang labi niya nanatili kami s ganoong posisyon.

Agad ko siyang tinulak ng malakas ng matauhan ako.

"Ryker please ! Wag mo kong gawing pampalipas oras mo lang. Kung totoong mahal mo 'ko, Bat di mo magawang lumayo kay Shirina? Bat hanggang ngayon kasama mo parin siya? Kung sinsero ka bat dalawa kami ha? Madaling bitiwan ang salitang 'mahal kita' pero mahirap ipadama. Kaya kung pwede lang, walng mong sabihin sa'kin ang katagang yan kong di mo naman pananagutan tong aking naramdaman"

After that I left the music room and walk directly without looking back.

Crossed RoadWhere stories live. Discover now