Thirty Four

29 4 0
                                    

Fayre's POV

        Mas nauna akong bumababa ng sala nila Ryker kesa sa kanya. Ang gaga mo Fayre! Ba't di mo nakontrol ang sarili mo?! Bat mo siya hinayaang halikan ka? You're only 16!

Mabuti nalang at di kami nahuli ni Ate Zahra dahil siya mismo yung kumatok sa kwarto ni Ryker. Naramdaman kong nasa likuran ko lang si Ryker na nakasunod. He's wearing a black shirt and jersey shorts.  Nang makarating kami sa dining table, nanigas ako, kinakabahan na natatae! Yung parents ni Ryker, nandoon! T_T.

"Wag lang kabahan, di sila nangangain" bulong ni Ryker sa akong likuran.

Letche ka! Kung makapagsalita! Kung ikaw kaya yung nasa sitwasyon ko!

Inalalayan niya akong umupo sa dining table at ako naman itong basang-basa ang mga palad dahil sa kaba at takot.

"Good evening po Tito, Tita" bati ko

Ryker's father just nodded at me but his mother? Ayan pinuntahan talaga ako saka nagbeso-beso.

"Ma, Pa, si Fayre po" pagpapakilala ni Ryker sa'kin.

"Fayre!!!" Tili ng Mama ni Ryker

"He-hello po Tita" nahihiya kong tugon.

"Pa, wag mo namanv tingnan si Fayre ng ganyan, tinatakot mo eh" sita ni Ryker.

Napatingin naman ako kay Tito, nakakatakot siya. Para akong kinakatay sa mga tingin niya.

"Wag mo nang pansinin yang Tito mo Fayre, ganyan talaga tumingin yan" sabi ni Tita.

"I'm not doing anything honey" sabi ni Tito.

"Takutin mo pa daughter-in-law mo Ryk! Malilintikan ka sa'kin kapag di na siya bumalik dito!" Pagbabanta ni Tita

WTF? O_O daughter-in-law?

Napaubo ako pati si Ate Zahra at Ryker.

"HAHAHA, namis-understood niyo lang ata Tita! Magkaklase lang kami ni Ryker" pagtatanggi ko

"Ma!" Sita ni Ryker.

Si Ate Zahra tawang-tawa lang , tumitingin si Ryker sa kanya para tulungan pero tawa lang ang naambag ni Ate Zahra.

"What Ry? Inaano ko ba girlfriend mo?" Inosenteng tanong ng Mama ni Ryker sa kanya.

"I'm Erene ( Yrin ang pagpronounce ) you can call me 'Mama' or 'Ma' but not Tita!" She spat.

"Po? Pero po....." gulat kong tanong

"No buts Fayre, This is your Tito Ryk, you can call him 'Lolo'" pagbibiro ni Tita Erene

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Tita.

"Unfair mo honey! Sayo Mama, sa'kin Lolo?" Patampong sabi ni Tita.

Now I know! Kaya pala Ryker ang pangalan ni Ryker dahil sa combination ng names ng parents niya. Ryk + Erene = RykEr.

"You can call me 'Daddy' o 'Papa' " sambit niya.

"Po? Hehehehe naiilang po ako eh" pagcoconfront ko

"Wag kang mahiya Fayre, sabi ko naman sayo na part ka na ng family kanina di'ba?" Tanong ni Ate Zahra.

Ryker! Tulungan mo ko dito kumag ka! Di yung mananahimik ka lang dyan at makikitawa! >_<

"What's your surname, Fayre?" Tanong ni Tito Ryk habang kumakain.

"Swithun po" magalang kong sagot saka nagsubo ng meat sa'king bibig.

"Anak ka ni Kael at Faye?" Tanong ni Tita

"Opo" sagot ko

"Then wala na kaming rason pa para putulin ang partnership namin sa company niyo" ani ni Tito.

"Po? Bakit nyo po puputulin ang partnership sa kompanya namin Tito?" Taka kong tanong habang yung iba ay kumakain.

"Dahil sa lack of skills ng ibang mga managers doon na nagmamanage sa Corp. nyo. Lack of marketing strategies kaya pinutol ng Waugh Corporation yung contract ,malaki talaga yung nawala at kapag nagpatuloy pa 'yon babagsak talaga ang kompanya niyo" pagpapaliwanag ni Tito.

Laking gulat ko nalang ng may malaking kamay na humawak sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Nang tinignan ko kung sino ang nagmamay-ari nun, si Ryker lang pala.

"Don't worry Fayre, labas kayo ni Ryker dito" paliwanag ng Mama niya.

Nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa umabot na ang oras sa alas otso. Nagpapaalam na'ko kila Tito, Tita at Ate dahil uuwi na 'ko. Pahabol pa ni Tita na balik daw uli ako dito sa mansyon kapag free ako.

"Sorry about what happend 'Me ' " sambit ni Ryker ng makapasok kami sa kotse niya.

"About sa nangyari? It's okay di naman daw puputulin ng parents mo ang partnershiop nila sa kompanya namin"

"Hindi yun 'Me'"

"Eh ano?"

"Ang paghalik ko kanina sa'yo. Ang pagkuha ko sa 'first kiss' mo 'Me' it's just that di ko rin alam kung bakit ko nagawa 'yon"

Napatahimik ako sa sinabi niya. Okay na sana eh! Ba't kailangan pa talagang ipaalala?!

"You can slap me or else. I think I deserve that" dagdag pa niya habang inaayos ang pagkalock ng seatbelt ko.

"What's the use? Nangyari na eh. Tapos na. Kahit magsisisi pa 'ko hinding-hindi na mawawala yung katotoohanan na nakuha na ang unang halik ko"

"Sorry talaga 'Me', pinako ko yung pangako ko sa'yo na igagalang kita hanggang sa dumating ang panahon na pwede na" nakokonsensyang sabi niya.

"Wag mo nalang ulitin ulit Ryker"

"Sige 'Me'. Pangako yan! Kokontrolin ko talaga yung sarili ko"

"Tara na, may e-encode pa'ko sa bahay eh"

"Akin nalang yung e-encode-in mo"

"Bakit naman?"

"Ako nalang yung gagawa, wala na naman na akong gagawin pagkatapos kitang ihatid eh"

"Hindi, okay lang Ryker"

"Dali na 'Me' minsan lang to" pamimilit niya.

"Wag na Ryker"

"Mapupuyat ka niyang eh. 'Me' bigay mo na kasi"

"So ikaw lang ang pwedeng magpuyat, ganon?"

"Hindi naman sa ganun 'Me' "

"Eh ano?"

"Ayaw ko lang mapagod ka, sabi mo di'ba noon kay Sir, may health condition ka. You're sick kaya I'm just reducing your work"

Napatigil ako sa sinabi niya. Naalala niya pa'yon? Pano ko na sasabihin to? Nabasa ba siya kung anong pangalan ng gamot ko? Pano ko na sasabihin ang totoo nito? Ayaw kong sabihin baka lumayo siya sakin lalo na't napapamahal na'ko sa kanya.

Ayoko ngang magpagamot kaso I have a reason to live, live and be with Ryker's arms. Alam ko namang di true to eh. Infatuatiob lang to pero kahit na ganyan, masaya ako na nakilala ko siya kahit na Infatuation lang tong nararamdaman naming dalawa.

Ibinigay ko yung papel na kailangang e-encode at tinanggap niya iyon. Noon, hanggang sa malayuan ko lang siya nakikita. Nakikita ko siyang nakangiti at tumatawa kasama ang barkada niya. Nagagalit, nag-iisa sa kalayuan lang. Kahit na sa malayo ko lang siya natatanaw sapat na yung para maging masaya ang buong araw ko. Wala akong lakas ng loob na lapitan siya dahil inuunahan ako ng kaba at takot ko syempre nga gustong gusto ko siya pero ngayon, ang lalapit na niya. Sadyang destiny crosses our roads. Yung pangarap ko noong mahawakan siya, ngayon anytime ko nang magagawa.

Binuhay na niya ang makina ng kotse saka pinatakbo iyon ng katamtaman lang ang bilis. Tahimik ang naging byahe namin, ni isa walang sumubok na magsalita. Sa sobrang katahimikan di ko alam na nakatulog ako.

Crossed RoadWhere stories live. Discover now