Chapter 2: The Golden Box

23 10 0
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




EILIEJHA'S P.O.V:



Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Pinapanood ko kasi ang mga videos namin ni Ate Alie sa laptop ko. Ang ilan sa videos naming dalawa ay random lang. Ang pinaka paburito kong video ay yung engagement proposal ni Kuya Zyne sa kanya sobrang clueless talaga nya ng araw na yun. Ang ganda-ganda nyang tignan sa expressions nya.



Nagising ako sa isang katok sa kwarto ko. Bumangon ako at binuksan ang pinto. Si Nine pala. "Good afternoon Ms. Eilie." Nakangiti nyang bati sakin. Tango lang ang ganti ko sa kanya. "Ms. Eilie, tanghali na oras na ng pagkain." Pag papaalala nya sakin. Anong oras na nga ba? "Si mom at dad? Si Ulieco? Si Kuya Zyne?" Sunod-sunod kong paghahanap sa mga tao sa bahay. At binuksan ko ang pinto ko para makapasok sya sa loob.



"Pumunta po sa Aelieco ang mom and dad nyo. Si Mr. Ulieco naman po ay pumasok na sa school. Si Mr. Zyne ay pumunta sa hospital para pa-enjectionan si Zylie." Alerto naman nyang sagot sakin. Tinignan ko ang orasan ko pero hindi ko na pala makikita ang oras dahil huminto na ang oras nito simula ng mamatay ang ate. "Gusto mo bang malaman ang oras Ms. Elie?" Tanong nya at tumango ako. "11:30 na ho." Tugon nya.



Naalala ko naman ang sinabi nya sakin seconds ago. Si mom and dad ay pumunta sa AELIECO. Ang Aelieco ay ang perfume business ni ate. Ipinangalan nya saming tatlong magkakapatid ang business na yun. Isa syang shop na ang design ay parang yung mga bentahan ng potion sa mga magical stories. Mahilig kasi ang ate sa mga fantasy places na romantic at cozy ang dating.

 Her Death at my 18thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon