Prologue:

45 12 1
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Narrator's P.O.V:


Nag-gagandahang mga sasakyan ang nakahinto sa isang mala mansion na bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nag-gagandahang mga sasakyan ang nakahinto sa isang mala mansion na bahay. Hindi magkamaliw na mga taga-silbi at nagmamadaling mga kusinero ang makikita mo sa kusina ng napakalaking bahay. Sa bulwagan naman ay para kang masisilaw sa sobrang kinang ng bawat isang ilaw at palamuti. Sa entrance naman ng pinto ay muli kang masisilaw sa kabilaang kislap ng camera. Ano nga ba ang meron sa bahay na ito? Bakit tila pati mga bisita ay hindi magkanda-ugaga sa pagpasok.



Simple ang sagot ika-labingwalong kaarawan lang naman ng pangalawang anak ng mga Xiu. Kaarawan ng isa sa dalawang sikat na sikat na magkapatid sa buong bayan. Kaarawan ng kapatid ni Aliena Sierra Xiu isa sa mga pinaka sikat na successful young business woman in the country. Sya lang naman si Eiliejha Sienna Xiu ang nanalo sa pinaka pristeryosong music awards bilang pinaka magaling at pinakabatang song writer ng industriya. Gaya ng kanyang ate ay inaabatan syang manalo sa Moon Festival bilang Queen ng kanilang eskwelahan.



Marami ang nasa bulwagan ng kanilang bahay. Ang ilan ay tanyag ang karamihan ay simple. Ganun kasi ang magkakapatid tanyag man at parang hindi mo na maabot sa taas ng lebel na tinutuntungan sila ay nananatiling simple sa likod ng camera.



Nagkakasiyahan at nagkakakwentuhan ang lahat mataas man o mababa ang estado ay para bang magkakaibigan ang lahat dahil sa okasyon. Natahimik ang lahat sa biglang pag-patay ng ilaw indikasyon na magsisimula na ang programa para sa may kaarawan. Lahat ay napatingin sa pinto dahil sa malakas na tunod na likha ng effects. Lumabas ang magulang ni Eiliejha mula sa malaking pinto. Lahat ay nakatingin lang sa kanila kasama nila ang bunso nilang anak na si Ulieco isa rin itong sikat sa larangan naman ng pag-gawa ng mga Arts and Décor at sikat sa kanyang mga tanyag na blog. Napako lalo ang tingin ng lahat sa pinto ng lumabas si Aliena Sierra Xiu ang pinaka successful na moon queen na naitala sa eskwelahan na pinaka tanyag sa bansa.


Lalo ng hindi naka-alis sa pwesto nila ang mga tao ng bumaba mula sa ere sa itaas si Eiliejha sakay ng isang duyan na gawa sa bulaklak at ulap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lalo ng hindi naka-alis sa pwesto nila ang mga tao ng bumaba mula sa ere sa itaas si Eiliejha sakay ng isang duyan na gawa sa bulaklak at ulap. Bumaba ang dalaga mula rito na para bang dyosa ng kagandahan. Nagumpisa na nga ng tuluyan ang programa. Nagumpisa sa 18 roses hanggang sa huli ay ang 18 treasures at ang mensahe na ng mga kaibigan at magulang. Nakakapagtaka naman na hindi nag bigay ng minsahe ang panganay ng Xiu samantala labis na malapit sila sa isa't isa. Bagkus ito ay umupo sa isang upuan na may piano at tumugtog. Lahat ay namangha para itong diwatang kumakanta. Pero naguguluhan ang lahat sa mensahe ng kanta.


I'll let go of your hand now

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I'll let go of your hand now

To finally set you free, I got to let you know

That I need to let you go, Hard to say goodbye

Can't turn a blind eye, I'm ready to let go

I'm ready to let go, I'm ready to let go

The color of the sky we saw together

The scent of the path we walked together

I hope that you won't forget

I'll let go of your hand now

To finally set you free, I got to let you know

That I need to let you go, Hard to say goodbye

Can't turn a blind eye, I'm ready to let go

I'm ready to let go, I'm ready to let go



Yun ang mga huling linya ng kanta at maya-maya pa ay natapos ito. Mababakas ang luha ng panganay sa kanyang mga mata patuloy lang ito sa pag-agos ngunit tinitigan nya lang si Eiliejha na nag-aantay sa kanyang paglapit. Sa halip na sya ay lumapit isang matamis na ngiti lang ang ibinigay nya kay Eiliejha at kaway. Ang naguguluhang si Eiliejha ay naiyak na lamang. Hindi nagtagal ay ipinikit ni Aliena ang kanyang mga mata at dahan-dahang humandusay sa kanyang piano.



Si Eiliejha ay nanatiling tulala at hindi alam ang gagawin habang nagkakagulo na ang lahat. Ang kawawang si Eiliejha ay iniwan na ng kanyang pinakamamahal na ate. Wala na si Aliena Sierra Xiu at hindi manlang sya nagpaalam sa lahat.




----------------------------------------------------------------->

 Her Death at my 18thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon