Manong Driver

24 2 0
                                        

High school pa lang ako nito.

Pauwi na ako samin, nag para ko sa paparating na jeep.

Ugali ko mag ready ng barya bago umuwi pero mga oras na yan ewan ko ba bakit hindi ako naka pag handa.

Tumingin ako ng barya sa bulsa ko meron dalawang piso,

Hanap pa sa bulsa ng bag ko meron dalawang piso ulit.

Hala kahit anong gawing hanap at bilang ko kulang talaga eh. Mga panahon na yun 5.50 pa lang ata ang pamasahe o less basta hingi pa ganoon ka mahal.

Hindi ko na alam gagawin ko.

Natatakot eh baka pababain ko bigla ng driver.

Hinintay ko muna lahat makababa sa may likod ng driver para makalapit ako at makausap siya

"Manong pwede po ba kulang bayad ko po bayaran ko na lang po kapag nakita ko po kayo kasi nag kulang po talaga"

Hindi pa ako natatapos sinabi nya na agad na

"Okay lang sige wag ka na mag bayad okay na yan" sagot nya.

Waaahhhhhhh seryoso po? Un tipong patang pusa itsura ko parang may namumuobg luha luha pa sa gilid ng mata ko. Parang o.a pero that time bata pa ako at mababaw msyado. At nakangiti pa talaga si manong akala ko talaga magagalit siya.

Pinipilit ko ibayad hawak ko ayaw niya talaga. Ang bait nya,

May ilang beses ko din siya nakita nung malaki na ako pero hindi maalala kung nabayaran ko ba siya . Palagi kasi ko nag iimagine kaya minsan hindi ko na tuloy alam kung ano ang totoo sa hindi

Kung sakaling makita ko siya ulit at sana nga makita ko siya ,

Edi nagkita kami xD

Saludo ko sa mga manong driver katulad nyo po

Godbles. <3

Good SamaritanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora