C16 : Uh Oh

11 0 0
                                    

"No comment," sabay baling ng tingin niya sakin.

Nagkibit balikat nalang ako ng mapadako lahat ng mata sakin.

"Uhm... We'll just keep it to ourselves," sabi ko sa kanila.

Hindi naman na masyadong nangulit yung DJ sa pagngangalap ng sagot.

And then nagresume yung game.

May lumitaw na lalaki sa tabi ng DJ may hawak hawak na bowl na may lamang mga nakatuping papel.

"Ano naman kaya yun?" bulong ko kay Kou.

Nagkibit balikat naman siya.

"Maybe a clue for the last round."

At hindi nga siya nagkamali. It was a clue.

"So what we have here is a bowl full of folded papers, each paper has a theme for a story that will help us promote this place. Like comedy, action, or even romance. So each pair would be given a time for brainstorming and a time for presenting it in front of the camera. All of your works would be included in our commercial. And the most convincing work will be declared the winner of the game."

"Any questions?" Tanong niya samin.

Nagkibit balikat naman ako.

"Kami ba ang bubunot o ikaw?" tanong ng iba.

"Let the lady's pick for it," tugon nito.

"Magkapare-parehas ba kami ng genre ng story na gagawin?"

"Nope, depende sa nabunot ng partner niyo."

"Magsha-share ba kami ng camera?"

"Nope, each of you will be given a set of camera men with a specific specialty on the genre you have picked."

"Paano yung mga gagamitin namin?" tanong nila.

Ngumiti naman yung DJ.

"That's the catch, kung ano lang ang meron dito o dala niyo ngayon, yun lang yung gagamitin niyo."

"That's easy" ngiti nung mga pairs.

"Shall we begin?"

Napalinga linga naman ako kay Kou.

"Alis na tayo, wala akong dalang gamit eh."

Tumingin naman siya sakin.

"Are you sure? Baka mamaya pagsisihan mo."

Tumango naman ako.

Patayo na kami mula sa aming kinauupuan ng biglang magsalita yung babae kanina.

"Tsk, weak. Ang dali dali na nga nito, ngayon ka pa magbaback out?" sabay irap niya paalis.

Biglang nagdilim yung paningin ko.

Ang pinaka ayoko pa naman sa lahat ay yung minamaliit ako.

"On second thought, let's start," sabay ngiting demonyo ko kay Kou.

Sinuklian niya rin ako ng ngiti pabalik.

"Tsk, I knew it," bulong niya sakin.

"Ladies, please come on stage," announced nung DJ.

Naguunahang makapunta yung mga babae sa stage habang ako pa chill chill lang ng lakad.

"Sana romance mabunot ko," hiling nung isa.

"Yung madali sana mabunot ko."

"Anything huwag lang action, tragic, at horror."

Hindi na nila ako hinintay makaabot sa stage nang magumpisa na silang kumuha ng papel mula sa bowl.

Dive (On-Going)Where stories live. Discover now