C14 : Gone by Force

11 0 0
                                    

Anna's POV:

Nanonood ako ng biglang hilahin ako ni Phoenix palabas ng Night Club.

"WTH?! Phoenix! Ano ba?" irita kong sabi sa kanya habang patuloy parin siya sa paghila sakin.

"I'm not going to let you watch that," he declared.

"P-pero kaya ko naman eh... " sagot ko.

"Kahit na Anna! Babae ka, at kahit ano mang idahilan mo sakin ngayon gusto kong ingatan yang kainosentehan mo laban sa mga makamundong bagay," bitaw niya sakin habang kunot noo niya kong tinitigan.

Uh-oh...

Someone's pissed...

But as much as I want to stay quiet and listen , I can't do it - I need to defend myself from this argument.

"Matanda nako Phoenix, matagal nakong mulat sa katotohanan, hindi ako pinanganak kanina," depensa ko.

Lumapit naman siya sakin.

"You know that's not what I meant, Anna."

Yumuko naman ako.

"Oh talaga? Then what do you mean by that, then?"

Hinawakan niya naman yung baba ko pataas.

"Look at me Anna, I just....I don't want you setting your eyes on other guys," straight forward niyang sabi.

Dug dug... Dug... Dug dug...

Mah heart Dyusko Day.

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. seconds

Pitong segundo kaming nagkatitigan bago sumulpot si Doty.

"Uy anong ginagawa niyo diyan?" sulpot ni Doty habang nakangisi.

Nabigla naman ako na naging dahilan para maitulak ko si Phoenix.

"Ha? A-ah e pinaguusapan lang namin kung kailan yung susunod na gig namin hehehe," pilit kong tawa.

"Eh bakit mo naman tinulak si Phoenix?" sabay lahad ni Doty ng kamay para makatayo.

"Inaway kasi ako niyan eh," habang pinandidilatan ko si Phoenix.

"..." di naman siya umangal at pinagpag lang ang sarili.

"Ahh... " kuntentong sagot ni Doty.

"Nga pala, sino pang natira sa club?" pagiiba ko ng topic.

Tiningnan naman ako ni Doty with matching kinikilig smile.

"Yun nga yung pinunta ko dito eh,  tara see it for yourself," sabay hila sakin ni Doty.

Bumalik kami sa tapat ng Night Club at nakita ko dun sila Thea,  Rojhela, Cherry,  Lia, si Doty syempre, pati narin si Cathy nandito rin.

Teka nga...

Sino bang kulang?

Napatingin naman ako dun sa bintana.

"O-M-G?!" nabitawan kong salita.

Lumayo ako sa bintana at pinitik ko yung noo ko.

"TOTOO BA ITO?!" tanong ko sa kanila.

Napalingon naman sila sakin at napatango.

OMGheee.....

"PAANO NANGYARI YON?! SI HANNAH ROSCO TUMAGAL?!"

Nagkibit balikat naman sila Lia.

"Yun nga e."

Sabay balik ng tingin nila sa bintana.

Binaling ko narin yung tingin ko sa bintana.

Hannah has the spotlight on her with Kou. She was carried like a sack.

But the tables began to turn,  she maneuvered her legs around Kou's waist and her face near his ear.

Ano naman kayang binubulong ni Hannah sa kanya at mukhang nangaasar siya?

Atsaka kanino naman natuto si Hannah ng mga ganyan?

"Tropa niyo ba talaga yun?" tanong ni Wade.

"Oo nga eh,  nakakabigla," sagot sa kanya ni Thea.

"Ang sweet nila!" kinikilig na sabi ni Cherry.

"Tsk, eh kung pumasok kaya tayo para maintindihan natin sila, " ani ni Theo.

Tumango naman kami.

"Great idea pare!" ani ni Vaughn.

At nagsipasok na kami.

Pinayagan naman kami ng mga stuff na naroon dahil ang sabi namin, kaibigan namin yung mga yon at we're here to support.

"Dun tayo sa malapit," turo ni Rojhela sa table malapit kila Hannah.

Pero umiling si Clyde sabay turo dun sa second floor na pinagupuan namin kanina.

"Dun tayo para di tayo makita,  para hindi mailang yung mga kaibigan natin."

"Ayyy oo nga pala," ani ni Rojhela.

Nagsimula na kaming umakyat at umupo sa table.

"Sakto kitang kita sila dito," anunsyo ni Cathy.

At nagsimula na kaming panuorin sila.

Matapos kaya nila yung game?

I'm looking forward to that.







Dive (On-Going)Where stories live. Discover now