C6: Table 8

30 3 0
                                    

Pagkarating namin sa Dorm ay dumiretso muna kami sa kanya-kanyang kwarto at natulog.

Tutal mga 5:00 palang naman.

"Hay sa wakas" sabi ko sa sarili at humiga na.

Nasa kalagitnaan nako ng tulog ko, ng biglang may tumawag.

"Helloooo... Sino toh?" antok kong tanong.

"Uy Zeth!" masayang bati ni Ate Grace - kapatid ko.

Pero dahil antok ako, medyo nairita ako sa kanya.

"Ano na naman?" iritable kong tanong.

"Wala naman, ikakamusta lang kita. Balita ko'y nakita mo na yung fiance mo?" mapang-asar na sabi ni ate.

"Ha? Sino?" bangon ko.

"Ah basta gwapo! Yieh! Magkakalove life ka na." bulyaw niya.

"Pwede ba ate, huwag mo nakong lokohin, dahil alam ko namang wala. Atsaka kung meron man, asa naman ako. So, ano nga? Bakit mo ko tinawagan?" tanong ko.

"Tsk, kung ayaw mong maniwala, edi wag. Basta may family gathering tayo sa Linggo. Magpakita ka ha!" magsasalita pa sana ako, kaso bigla niya nakong binabaan.

Tsk, bastos talaga.

Napasinghap nalang ako ng biglang tumunog yung phone ko.

You've got a message!

From: Ate Grace

P.S: I know your going to keep arguing with me, so I just texted you.

Uy Zeth! Sa linggo yung family gathering ah! 4:00-12:00 P.M yun. Huwag mo saming idadahilan na may pasok ka, kasi wala ka pa namang pasok, sa next month pa. Hahaha! Wala kang palusot!

Then kita-kita nalang sa Flex Hotel.

Bye~

Matapos kong basahin ang text sakin ni Ate ay napahiga ulit ako.

Whoh! Nakakapagod, matutulog na ulit ako.

"Hannah! Gumising ka na!" yugyog sakin ni Cherry.

"Hmmm."

"Gising na!"

"20 minutes."

"Lower."

"10 minutes."

"Nope, ano ka sinuswerte? Lower!"

"Edi 5!"

"Tsk, mataas parin. LOWER!"

"4?"

"Enk."

"3?"

"Enk."

"2!"

"Enk, final offer 1 minute." sabay ngisi niya.

Tumango nalang ako at nagtalikbong ng kumot.

Matapos kong marinig ang pagsara ni Cherry ng pinto ay pumikit nako.

Ngunit habang nakapikit ako, hindi nako makatulog, kahit anong pilit ko.

Kaya't napagisipan ko nalang maligo.

Matapos kong maligo ay bumaba ako.

"Oh ba't nakatapis ka pa?" tanong ni Anna.

Napalibot naman ang mga tingin ko sa kanila.

Nakabihis na sila.

"Excited?" sabay ngisi ko.

Dive (On-Going)Where stories live. Discover now