C1: Kou Kun tagged you in a post.

19 2 0
                                    

Hannah's POV:

"Bess sino to?" tanong ni Cherry habang ginagamit yung laptop ko.

"Ang alin?" tanong ko habang nagluluto.

Kaagad namang lumapit sakin si Cherry bitbit ang laptop ko.

"Eto oh, may nag-tagged sayo."

"Baka naman wrong send?" sabi ko habang nagluluto.

Bigla namang pumasok si Rojhela.

"Goodmorning Cherry! Good morning Roscy!"

"Morning!" wika ko sa kanya.

Kaagad namang lumapit si Cherry papunta kay Rojhela.

"Anong masasabi mo? Mukhang bang wrong send?" tanong ni Cherry rito.

Umiling naman si Rojhela.

"Hindi, bakit sino ba yan?" sabay tingin sakin.

Ako ang sumagot.

"Ewan ko, bakit ano bang sabi?" sabay lapit sa kanila.

Iniabot naman sakin ni Cherry at tiningnan ko.

Kou Kun tagged you in a post.

Click....

Kou Kun with: Hannah Rosco

'Can I be your servant, master? I can be a good slave too.'

Bigla naman akong napatawa.

"Bwahahaha! OMG! Hahaha laughtrip anong klaseng prank to?" tanong ko.

Pero di man lang nila ako sinagot.

"Patingin nga ko," sulpot ni Dorothy.

Iniabot ko naman sa kanya.

"Hahaha oo nga nakakatawa! Naku bess pagtripan kaya natin to?" tanong niya sakin.

Tumango naman ako, hahaha naku mas worst kami mangtrip.

Hinayaan ko muna silang pagtripan yung Kou Kun na yon at nagpatuloy sa paghahanda ng breakfast, tutal tapos na naman ang mga exam namin at wala pang pasok.

Nang maprepare ko na ang almusal, nagsilapit na ang mga gising, habang ako'y umakyat sa taas para gisingin ang mga tulog.

Pumasok muna ako sa kwarto ni Anna, hays ang dilim naman dito! Nasaan yung ilaw?!

"Hoy Anna, kagabi ka pa may kachat oh! Kumain ka muna."

Sabay yugyog ko sa balikat niya.

"M-mamaya na. Puyat pako eh." sabay talikod niya sakin aba aba! Di pwede yan!

Nagsimula nakong kumanta.

"I came in like a wrecking ball!!! I never hit so hard in love, all I want it was to break your walls, all you ever did was W-wwreeck me-" tapos bigla siyang napabangon.

"OMG, hindi ko na kaya. Oo na kakain na!"

Sabay walk out habang nakatakip yung tenga niya.

Ehem, FYI hindi panget boses ko at hindi yun ang dahilan kung bakit nagising si Anna ha? Nilakasan ko lang, kaya nagising hahaha.

Sumunod naman ako sa kwarto ni Thea, eto rin puro k pop tas violet yung kwarto niya.

"Thea, gising na." bulong ko sabay tapik sa kanya gamit ang paa ko.

"10 minutes."

Hay buhay eto rin ang hirap gumising

"Sese nandiyan na yung maniac!!!" sigaw ko sa kanya.

Dive (On-Going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant