C7: We're going WILD!

13 1 0
                                    

Hannah's POV:

"Nandito ka lang pala!" hingal na sambit ni Dorothy.

Tumango naman ako.

"Bakit may nangyari ba?" a-lala kong tanong.

Hindi niya naman ako sinagot at hinila niya nako pati yung coat na dala ko.

Buti nalang hawak hawak ko parin yung Scotch na iniinom ko.

Ang mahal kaya nito. Kailangan kong ubusin to up until the last drop.

"Uy Dorothy! Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nagpupumiglas sa kakatakbo.

Bigla naman siyang napatigil at humarap sakin.

"Before we go any farther. First, promise me you'll never get upset with me or even with us."

"Na saan ba sila? May nangyari ba?" alala kong tanong sabay linga linga sa paligid.

Umiling naman siya.

Siguro may ginawa silang kalokohan noh? At pati ako kailangang madamay?

Ano na naman kaya yun? Suntukan? Bugbugan? Harassment? Rape?

"They're fine. Just promise first" sabi niya sabay lahad ng pinky finger niya.

Tinitigan ko naman siya at huminga ng malalim.

"What did you do this time?" sabi ko, sabay tingin sa mga mata niya.

Hindi naman siya makatingin sakin.

"Promise first."

Hay ano ba kasi yun?

Hindi muna ako kumibo

Wait for it......

And none, di niya talaga sasabihin.

Tinitigan ko muna siya ng masama, as if I'm checking her.

"Say it."

"Not until you promise" gatong pa niya.

Oh well, what's the worst thing that could happen.

"Oh ayan na, pinky promise" sabay lock ko nung hinliliit namin.

"So... Ano na?" tanong ko.

"Huminga ka muna, then exhale." sabi niya.

Ginawa ko naman then, tumingin ulit sa kanila.

"So..."

"We've set up some friendly date." sabi niya ng nakapikit at hindi matingnan tingnan yung mukha ko.

"Oh ano namang masama dun? Sino ba finriendly date niyo?" sabi ko sabay siko sa kanya.

Pero di parin nagbago aura ng mukha niya.

"Sino ba? Aminin mo, gwapo ba yung guy?" asar ko sa kanya.

Pero tinitigan niya lang ako.

"I never thought na ganyan pala yung magiging itsura mo sa pinagsasabi ko." gulat niyang sambit.

Tas tinuro niya yung table na diretso lang mula sa direksiyon namin.

"There they are" seryosong sambit niya.

Na mapadako yung mga mata ko mula dun sa table ay nakita ko kaagad sila Thea.

Lalapit na sana ako kaso bigla kong nakita yung mga lalaki sa harap nila.

OMG! Don't tell me lahat kami kasama sa friendly date na yan?

Napatingin ako kay Dorothy.

"D-don't tell me...."

Dive (On-Going)Where stories live. Discover now