Kabanata 19

11.2K 355 55
                                    

Beg

"No, Tito Boy." Umiling si Grayson.

"Kaibigan ko lang po si Amaris. I met her because she's my sister's bestfriend..." 

Tumango ang talkshow host sa sinabi ni Grayson. Mabuti nalang nabasa ko ang text ni Camie na ngayon na ang interview niya. Finally, pumayag na ang management niya na magsalita siya tungkol sa issue.

"Tss, it took him so long to answer that?" sabat ni Hunter sa gilid ko.

Hindi ko siya pinansin at nanatili ang mata ko sa aking cellphone kung saan may livestream ng interview ni Grayson.

"Kaya po sa mga fans..." Humarap si Grayson sa camera.

"Please, huwag nyo po sana i-bash ang kaibigan ko. She's very private at wala po siyang ginagawang masama. Sobrang nahihiya po ako nung nabalitaan ko na may nanakit sa kanya."

"Naiintindihan ko po na mahal niyo ako pero hindi 'yon dahilan para manakit tayo ng iba. Kaya po please sana ay tigilan niyo na po si Amaris," paki - usap ni Grayson.

Nakahinga ako ng maluwag. Sana lang talaga ay tigilan na nila ako.

"May gusto ka ba sabihin kay Miss Amaris?" Tanong ng host.

Tumango si Gray.

"Ris, I'm really sorry sa inasal ng mga fans. Sorry din po sa pamilya ni Amaris. Pasensya na po at nadamay kayo sa issue."

"I appreciate your honesty, Grayson. Salamat," ma-dramang sabi ng host.

Muling tumango si Grayson.

"But your friend Amaris, she's very beautiful. Is it true that she's engaged with a non-showbiz hotel magnate?"

Ngumiti lang si Grayson at hindi sumagot.

Pinutol ko na ang panunuod at nilingon na ang katabing sabat ng sabat kanina pa. Magkasalubong ang kilay niya.

"Hindi niya pa ba alam? You should text his sister then, kwento mo," Utos niya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiirita sa ugali niya. I can't with his pettiness. Umirap ako pero nangiti.

But speaking of Camie, may usapan kami na magkikita ngayong araw.

Simula kasi nung lumabas ako ng ospital at nakauwi ng Manila isang linggo na ang nakakaraan, hindi parin kami nagkikita at nagkaka- usap ng matino. Mabuti at maayos na ang lagay ng grandmother nila kaya libre na siya ulit.

"Nga pala, magkikita kami ni Camie mamaya," paalam ko kay Hunter.

Hinawakan niya ang labi niya habang pinagmamasdan ako.

"Wala 'yung Grayson?" Tumaas ang isang kilay niya.

Napairap ako.

Seloso.

"Wala, he's busy promoting his upcoming movie. Saka na kita ipapakilala kay Camie. Don't worry, iku-kwento kita sa kanya."

He smirked.

"Alright, sunduin kita pagtapos niyo..."

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Thanks, love! Balik ka na sa office mo!" pagtataboy ko sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. I laughed. Hindi kasi talaga ako makapag concentrate sa trabaho ko dahil palagi siyang nandito sa office ko.

Buti nalang ay napakiusapan ko siya kahit medyo na-badtrip sa pagtataboy ko. Nga lang ay ang kapalit, I'll sleep in his penthouse tonight.

"Tangina! Bakit ang daming nangyari sa loob ng three weeks!" Hindi makapaniwalang sabi ni Camie.

After This Night [ Isla Azul Series #3 ]Where stories live. Discover now