Kabanata 13

10.6K 320 23
                                    

Kai

Inikot ko ang hawak na wine glass habang pinagmamasdan ang pagsunod ng alak sa loob nito. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

I feel so exhausted, not with work but with my raging thoughts. Ito na nga ba ang sinasabi ko, even my work can't distract me anymore.

Siguro dahil masyadong nayanig ang sistema ko sa mga emosyong naramdaman nitong mga nakaraan, I realized that I must be really numb for a long time.

Binalingan ko ang iba't - ibang city lights sa syudad. I'm comfortably sitting on my couch and I can't stop thinking about him.

With my Dad's revelation, pakiramdam ko ay nawalan ng pundasyon ang toreng itinatayo ko sa pagitan namin.

Hindi ako mapakali sa kaisipan na maaring nasaktan ko nga talaga siya sa pang - iiwan na ginawa ko.

I need to remind myself that Hunter is my best friend even before I realized that I have feelings for him.

Ang mali ko kasi ay tinalikuran ko ang katotohanang 'yon dahil masyado akong focus sa nararamdaman.

He didn't know anything in the first place, wala rin naman nakakaalam. Siguro naman ay pwede ko rin siyang i-trato kung paano ko pakisamahan ang ibang kaibigan?

Isa pa, wala na rin naman akong nararamdaman. Yup, I'm cool. He's engaged. We're done, it's the end.

Kaya nga kung magkikita man kami, magiging okay ang lahat. We're just old friends trying to catch up. No big deal.

I'm just guilty for leaving and I have to make bawi and everything will be okay again. Kaya nga iyon ang itinatak ko sa aking isipin tuwing naaalala ko si Hunter sa mga sumunod na araw.

"What do you mean?" paglilinaw ko sa sinabi ni Luna.

"I tried to double check with Mr. Gualtierre's secretary and she said that your meeting will be held there," aniya.

What? Gunner changed the venue?

Although we already signed the legal documents needed, we agreed to formally meet in Moonlight Prestige - BGC today.

Siguro ay abala sa trabaho kaya sa office niya mismo ako pinapapunta?

Tumango ako kay Luna.

"Alright, I'll go now."

Bago ako lumabas ng office ko para puntahan na si Gunner, tinignan ko muna ang ayos ko. I'm wearing a white long-sleeved blouse paired with a maroon pencil skirt plus heels, tingin ko ay okay na 'to.

Mabilis ang naging byahe ko papunta sa Gualtierre Towers. I must say that I'm impressed, they're really on top of their game. Sa huling balita ko ay sila na ang nangungunang five-star hotel sa buong Pilipinas.

"I have an appointment with Mr. Gunner Gualtierre," I informed the receptionist.

She smiled at mabilis na nag type ng kung ano sa touch screen monitor sa kanyang harapan.

"Ms. Amaris Esquivel?" Tanong niya.

Tumango ako.

"You're supposed to be on the 30th floor Ma'am, office of the CEO." She smiled.

"Alright, thanks."

Pumasok na ako sa loob ng elevator. I bet it takes a lot for Hunter to give up the company to Gunner. I'm sure pinaghirapan niya lahat 'to.

A middle aged woman welcomed me as soon as I leave the elevator. She smiled warmly at me.

"Ms. Esquivel?" She confirmed.

After This Night [ Isla Azul Series #3 ]Where stories live. Discover now