Chapter 14. "The 7th Rule"

Start from the beginning
                                    

"Ano? Hindi pwede? Eh di ko naman mahal 'yung lokong 'yun? Tsaka ano? Baka gawin niyang pampalipas ng anes niya ang kabibe ko! No way!" Napatakip ako ng katawan ko sa sinabi ni Jenina, ang gaga lang.

"Tse, ang arte mo! Kakainin mo rin 'yang sinabi mo, alam mo kasi Ethina, sa sex kapag nandun ka na, di mo na mapipigilan ang sarili mo. Kaya sige magliwaliw ka muna diyan as fake wife ni Sir Sanjun! Osya pasok na ako. Bye!" Binaba naman na ni Jenina ang tawag.

"Loka 'yun ah? Hindi ko bibigay ang kabibe ko kay Sanjun! Tse!" Sigaw ko sa phone ko. Pero napaisip ako bigla. "Paano kung totoo nga? May pagnanasa kaya si Sanjun sa akin? Sandali, baka naman isang gabi o kaya mamaya, bigla na lang siya pumasok sa kwarto ko? At gawin ang nais niya!" Napasigaw ako sa pagpapanic ko. "Anong gagawin ko?"

Bigla ko namang naalala ang sinabi niya kanina sa panaginip ko.

"Bakit? Wala naman sa rules natin ang no sex ah?"

"Oo nga! Wala sa rules? Edi ilagay sa rules!" Sabi ko sa sarili ko at lumabas na ng kwarto ko. Paglabas ko ng kwarto, sakto namang nakita ko siyang nag-aayos ng sarili sa sala.

"Hoy Sanjun, may sasabihin ako sayo." Sabi ko rito habang naka-cross arms at nakataas ang isang kilay.

"Ano? Sabihin mo na, aalis na ako." Suplado niyang sabi habang inaayos ang mga papers na hawak niya.

"May pagnanasa ka ba saken?" Diretcho kong tanong. Nakita ko namang nabigla siya sa sinabi ko dahilan para mabitawan niya ang hawak niyang mga papel kaya kumalat sa sala.

"What the hell did you just say?" Inis niyang sabi.

"Eh kasi baka may pananasa ka sa akin? Alam ko kayong mga lalaki! Pare-pareho kayo di niyo kayang kontrolin 'yang libido niyo!" sigaw ko sa kanya habang nakapameywang. Kita ko naman ang inis sa mukha niya.

"Hoy, mataas ang standard ko sa babae! Anong pinagsasabi mo? Tsaka hindi ko naiisip yang iniisip mo? Baka naman binabaliktad mo? May pagnanasa ka ba sa akin?" Napasinghap ako sa sinabi niya. Binabalik niya ang tanong sa akin?

"Kapal mo, nek nek mong sungit ka! Hindi 'no! Asa ka pa!" Sabi ko't inirapan siya. Tinignan ko naman siya ng masama, may kinuha siyang papel at ball pen. Kumunot ang noo ko ng may sinulat siya sa papel at pinakita sa akin. "Ano naman 'yan?"

"0.1" Maikling sagot niya.

"0.1?" Nagtatakang tanong ko.

"0.1 percent ang possibility na magkagusto ako sayo kaya wag kang mangarap."

"Ano?" Sigaw ko sa kanya. "Sandali." Kumuha rin ako ng papel at nagsulat at hinarap sa kanya.

"Ano 'yan?"

"Rule no. 7, NO SEX." Sabi ko rito. Nakita ko namang ngumisi siya.

"Iniisip mo ba talagang papatol ako sayo? Huh, ang lakas din ng loob mo 'no? Grabe ka, wag kang mag-alala, dahil di ko malulubag ang rule na 'yan. Asa ka pa!" Singhal niya sa akin tsaka lumabas ng pinto.

"Lokong mokong, ang kapal ng mukha. Duh, mahal yata ang kabibe ko, di 'to para sa kanya. Tse! Madulas ka sana!" Sigaw ko.

Nag-ayos na ako para sa shoot namin. Pagdating ko sa shooting place namin, nagulat ako sa nakita ko.

"Hi Ethina!" Bati niya sa akin tsaka bumeso.

"Hello Siren, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"Ah, ako kasi ang stylist nina Daniel at Kath, buti na nga lang at pumayag si Shawn eh." Masayang sabi niya, bigla ko namang naalala ang nakita at narinig ko kahapon. Mukhang malayong-malayo sa mukha niya ngayon ang mukha niya kahapon. "Ikaw? Ikaw pala ang new assistant ni Shawn. May background ka pala sa filming?" Nabalik naman ang isip ko ng magsalita siya.

"Ah, actually wala pa nga eh, this is my first time na magtrabaho sa filming industry, tinuruan naman ako ni Direk." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ah, pumayag naman si Sanjun?" Tanong niya.

"Oo, basta uuwi ako ng 6pm lagi." Sabi ko tsaka tumawa, tumawa naman siya rin siya.

"Ang sweet talaga ni Sanjun 'no?"

"Ah?" Para akong nabingi sa narinig ko. "Sweet?"

"Oo, kamusta naman ang honeymoon niyo?" Sa isip-isip ko, sweet ba 'yon? Eh mukha ngang monster.

"Okay naman, nag-enjoy kami." Nakangiting sabi ko sa kanya. Dumating naman na si Direk at tinawag ako. "Excuse Siren ah?"

"Sige lang, do your things."

Nagshoot na kami ng ilang scene, hapon na pero di pa rin kami tapos. Naku, mukha gagabihin ako pag nagkataon, lagot na naman ako sa isa ko pang amo. Habang nagshu-shoot kami, nagulat naman ako sa biglang dumating. Ano naman ang ginagawa ng isang 'to dito? Hindi ba siya busy sa office?

"Sanjun!" Pinuntahan agad siya ni Siren. "What brings you here?" Ano bang ginagawa niya dito?

"Susunduin ko lang ang asawa ko." Walang emosyon niyang sagot kay Siren. Ano daw? Susunduin? Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Sanjun ano ba? Nasa trabaho ako!" Sabi ko rito.

"Ethina we need—" Napahinto naman siya sa paglalakad at napatingin sa tumawag sa akin, pagtingin ko si Direk Shawn na nabigla yata sa nakita niya."—may bisita ka pala Ethina." Nakangiting sabi ni Direk. Hinugot ko naman ang braso ko sa pagkakahawak ni Sanjun.

Lumapit si Direk sa amin, masayang nakangiti. Si Sanjun naman seryoso ang mukha habang madiin ang tingin kay Direk, problema nito?

"Kamusta Sanjun?" Masayang bati ni Direk sa kanya.

"I'm good. Pwede ko bang iuwi na ang asawa ko? We have a dinner party with Mom and Dad tonight." Supladong sabi niya kay Direk, nabigla naman ako sa sinabi niya. Anong dinner?

Tumawa naman si Direk sa sinabi ni Sanjun. "Sure, matatapos na rin naman kami."

"Baka gusto mong sumama?" Imbita naman ni Sanjun kay Direk, bigla namang nawala ang ngiti sa mukha ni Direk. Parang nagkakainitan na silang dalawa.

"Hindi na, I have a job to do. Enjoy na lang kayo." Ani Direk tsaka kami iniwan. Sinundan naman siya ni Siren.

"Tara na." hinawakan ni Sanjun ang braso ko at hinila palabas ng shooting place.

"Hoy sandali nga, ano bang dinner ang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya habang kinakaladkad niya ako papunta sa sasakyan niya.

"Nasa bahay sina Mom and Dad, naghanda ng dinner si Mom, gusto nila tayong i-check at makita sa bahay nating dalawa."

"Ano? Ang Mama mo?"

To Get HerWhere stories live. Discover now