Chapter 13

10.4K 179 3
                                    

Damnit! Ano'ng ingay na 'yan. Ang sakit sa tenga. Ang aga-aga, ang ingay-ingay.

Sa una hindi ko muna pinansin ang ingay. Pero hindi pa rin ito tumitigil. Arrrg! Ang pinaka-ayaw ko 'yung ginigising ako.

"ANO BAAAAAA!" malakas na sigaw. Nakakainis, inaantok pa ako tapos gigisingin ako. Napuyat ako kagabi. Bwisit na 'yan. Sa sobrang kilig ko kagabi hindi ako nakatulog. Bakit kinilig ako. Gan'to kasi 'yun.

Flashback

Lalalalalalalalalalala

Nagha-humming pa ako habang masayang naglalakad pabalik sa kwarto ni Brent. Galing ako ng kusina. Shet lang, ang daming pagkain, nabusog ako ng husto.

Nang makarating na ako dito sa tapat ng pintuan ni Brent, agad akong pumasok. Tuloy-tuloy lang sana ako papunta sa kama ko, kaso napatigil ako sa kama ni Brent. Natutulog na siya at ang gwapo niya habang natutulog. Para siyang anghel na natutulog. Kulang na lang halo sa sobrang gwapo niya.

Sinasabi ng puso ko na titigan ko lang siya. Dahil nangangalay ako, umupo ako sa kama niya. Hinaplos ko 'yung mukha niya. Ang tangos ng ilong niya. Singkit ang mata niya at ang sarap halikan ng lips niya. Ang gwapo talaga. Hindi mo maitatangging model siya.

"Baka hindi ka makatulog niyan?"

Nagulat ako bigla. Biglang dumilat si Brent. Hindi pala siya tulog. Kyaaaaaaaaa! Nakakahiya. Nahuli na naman niya akong nakatitig sa mukha niya tapos hinahawakan ko pa. Gosh!

Isip Glam. Isip ka ng magandang palusot. Isip ka.

"A-no-ka-si-Bre-nt, a-no ka-si"

"What?"

"May lamok kasi sa ilong mo kaya pinatay ko." natatarantang sagot ko. Sana lumusot ako. Geez! Nakakahiya ang ginagawa ko.

"Ha? Lamok? Wala namang lamok dito ah!" nakakunot noo niya namang sagot sakin.

"Baka may naligaw na isa." sabi ko sabay takbo papuntang kama ko. Nakakahiya! Gaga ka talaga Glam.

End of Flashback

Ok gets na. Nakakahiya na nakakakilig diba?

"Ang gising ng maid dito, maaga. Nakakahiya sa'yo, mas nauna pang nagising si Sir Brent kaysa sa'yo!" sabi nung maid na sinampal ko noong kagigising ko lang nang nahimatay ako.

"Gusto mo'ng masampolan ule?" mataray ko'ng tanong sa kanya.

"Bumangon ka na raw diyan, papasok ka pa raw sa eskwela. Tss! Ikaw lang 'yung katulong na Forever21 'yung mga damit, may magandang kutson, sa kwarto ka pa ni Sir Brent natutulog, at pinag-aaral ka pa. Ang tindi mo girl. Ikaw na, ikaw na talaga." sabi niya. Insekyora! Iniisa-isa pa talag niya 'yung mga pinamigay sa akin ni mashondang chaka. Teka lang, oo nga, noh. Parang may napapansin ako'ng kakaiba sa kinikilos ng masgondang chakang 'yun. Ano kaya 'yun.

"Tapos ka na bang sabihin sa'kin, lat ng insecurities mo?  Kung oo, mamatay ka sa inggit at lumabas ka na!"

"'Yung gamit mo pala sa eskwela andiyan sa tabi mo"

Tumayo na ako sa kama ko. Naligo, nagbihis, saka lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa dining area, kompleto silang lahat doon. Pati ang katulong na nanggising sa'kin. Nasa dining table din, kumakain, ang devilitang babaeng nakabugbugan ko kahapon.

Nakakapagtaka, bakit wala si Brent dito. Nauna na kaya siyang pumasok sa school. At sino 'tong nerd na ito. Ay oo nga, naaalala ko na siya, siya 'yung nagbigay sa akin ng pagkain noong new year. Eh, bakit hindi ko siya nakita boung araw kahapon, at bakit ngayon lang?

The Bitch MaidWhere stories live. Discover now