"But one night, I saw a familiar eyes that made my heart flutter. And I know the only person who can make me feel that way" aniya.

"Tama ka, nung gabi ng Grand White Ball, hindi ako ang babaeng kasama mo non. Nagpanggap si Ate Delaney bilang ako. Inaamin ko, mas maganda sya sakin kahit magkahawig kami" sagot ko na medyo ikinatawa naming dalawa.

"I wish I can turn back time, I badly want to kiss her on that night, umepal lang talaga yung Felix na yun" aniya na ikinatawa ulit namin.

Biglang may kumatok sa pintuan at bumungad samin si Kuya Ethan at Kuya Evan.

"Kuya, bakit kayo nandito?" agad kong tanong.

"Tumawag ang mga pulis, may importante daw sasabihin satin si Philip" sagot ni Kuya Evan.

Tumango naman ako agad at nag pa alam muna kay Dylan bago kami lumabas ng kwarto. Minabuti narin ni Lincoln na sumama.

***

Pagpasok namin sa kwarto ay agad bumungad samin si Philip na naka posas ang dalawang kamay habang naka upo sa upuan sa harap ng lamesa.

Umupo kami sa katapat nyang upuan.

"Bakit mo kami pinapunta dito?" Agad na tanong ni Kuya Ethan.

"Totoong hindi ako ang totoo nyong Ama. Si Alejandro, ang pinsan ko ang Ama nyo. Kaya ko sya napatay, dahil sa Nanay nyo. Matagal ko ng liniligawan ang Ina nyo, akala ko malapit na nya kong sagutin pero nakilala nya si Alejandro, nagka mabutihan silang dalawa hanggang sa malaman ko na may relasyon na sila. Sa sobrang selos ko, hindi na ko naka pag isip ng matino at binaril ko sya. Binaril ko sya sa araw na dapat magpapakasal na silang dalawa.

"Ilang linggo pagtapos non, nabalitaan ko na pinagbubuntis na kayo ng Nanay nyo, sinubukan ko syang suyuin ulit, pero muli akong nabigo. Hindi nya talaga ako kayang mahalin. Hanggang sa nahantong ako sa kung nasaan ako ngayon, akala ko sa pagkakataong 'to, makakasama ko na sya, mamahalin na nya ko kapag nasubukan nyang pakisamahan ako, pero totoo nga ang sinasabi ng lahat, hindi pinipilit ang pagmamahal, kusa itong mararamdaman at ibibigay ng taong minamahal ka rin ng buong buo" aniya na ikinagulat namin.

"Ngayon at inamin ko na ang lahat ng nagawa ko. Gusto ko sanang humiling sa inyo. Hayaan nyo kong makita ang Nanay nyo"

"Eh baliw ka pala talaga. Sa lahat ng ginawa mo, hahayaan namin na makita mo pa ang Nanay namin? Mangarap ka nalang na mangyayari yan. Hinding hindi namin hahayaan na makita at mapahamak ang Nanay namin, tigilan mo na sya" sagot ni Kuya Evan.

Malamya naman syang ngumiti at tumango.

"Inaasahan ko na yan ang isasagot nyo. Hindi ko na kayo pipilitin sa bagay na yun. Pero sana paki sabi nalang sakanya, patawad. Patawarin nya sana ako sa lahat ng nagawa ko sakanila ni Alejandro. Patawarin nyo rin sana ako sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa inyo. Alam kong kahit mamatay ako hindi nyo ko mapapatawad, pero umaasa parin ako na darating ang araw na yun"

Nanatili kaming tahimik matapos nyang sabihin ang mga salitang yun. Sa totoo lang, hindi ko aasahan na aaminin nya ang lahat ng kasalanang nagawa nya. Dahil sa ginawa nyang pag amin, magiging permanente na ang kaso nya at habang buhay na pagkakakulong ang ihahatol sakanya.

"Si Felix, simula ng kinupkop ko ang batang 'yon. Sya na ang tinuring kong ka isa isang pamilya. Sinisisi ko ang sarili ko sa maaga nyang pagkawala. Maniwala kayo at sa hindi, mabuti syang tao. Sadyang nalason ko lang sya ng kademonyohan ko at inisip nya ang utang na loob nya sa pagkupkop ko sakanya. Kahit hindi kami magkadugo, malaki ang pagkakahalintulad ko sakanya. Nagawa nya ring pilitin ang pag ibig nya sa taong mahal nya. Pero kung nasaan man sya ngayon, alam kong pinagsisihan na nya ang lahat ng 'yon"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong bigla ni Lincoln.

"Totoong mahal na mahal nya si Franzei, dahil nga sa magkababata daw sila, halos kilala na nila ang lahat sa isa't isa. Pero ng malaman nyang may ibang gusto si Franzei, may inutusan syang tauhan na sirain ang brake ng kotse ng lalaking gusto ni Franzei, kaya naaksidente ito. Nabalitaan nalang namin na, commatose ang lalaki at paggising nito, wala na syang maalala na kahit ano tungkol sa nakaraan nya"

"Sobrang nasaktan si Franzei ng hindi na sya maalala ng lalaking mahal nya, kaya si Felix ang naging sandalan nya. Lumipas ang panahon ay tuluyan naring nahulog ang loob ni Franzei sakanya kaya napasagot nya ito at matapos ang ilang taon nilang pagsasama ay kinasal na sila. Pero sa gitna ng preperasyon nila sa kasal, napag utusan ko syang gawin ang isang bagay na alam kong hindi nya kayang gawin.

"Inutos ko sakanya na patayin nya ang tatay ni Franzei para agad kong manakaw ang kayamanan na maiiwan nya. Kahit labag sa kalooban nya, ginawa nya ang ipinag utos ko. Buong akala nya hindi nalaman ni Franzei ang kataksilan na ginawa nya, pero matagal na palang alam ni Franzei ang lahat. Sinadya nyang ituloy ang kasal para maghiganti kay Felix, at kasabwat din nya si Delaney"

"Oo, ako rin ang nagpapatay sa Ina nya. Alam ko, sobra ng kasakiman sa pera at wala nalang sakin ang pumatay ng tao. Pero masisisi nyo ba ko? Wala ng nagmamahal sakin kundi ang sarili ko. Pinapasaya ko nalang ang sarili ko gamit ang pera dahil kahit papa ano, sumasaya ako. Sabagay, sino ba naman ang magmamahal ng isang kriminal na katulad ko? Wala naman diba?"

"Lincoln, patawarin mo ko sa nangyari kay Delaney. Hindi ko plinano ang lahat ng yun, ang balak ko lang talaga noon ay takutin kayo at gusto ko lang makasama ang nanay nila"

Matabang na tumawa si Lincoln at linapat ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa at matalim na tinignan si Philip.

"Maibabalik ba ng sorry mo ang buhay nya? Ang mga buhay na nawala dahil sa kademonyohan mo? Huli na Philip, huling huli na. Wala na sya, wala na sila. Ngayon hindi ka na nag iisa, mga katulad mo na kami ngayon na nawalan ng nagmamahal dahil pinatay mo na ang mga taong mahal namin!" Sagot ni Lincoln.

"Nagkakamali ka Lincoln, hindi ka pa nya tuluyan iniwan" biglang sagot ni Philip na ikinagulat naming lahat.

"A..anong ibig mong sabihin?" Agad kong tanong.

Tumingin sya sakin at malamyang ngumiti.

"Posibleng buhay pa ang kapatid mo, Hazelle"

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum